Chapter 4

16.1K 560 17
                                    

KINABUKASAN ng magising si Vxyl Ross ay nagpasya siyang maglakad-lakad sa labas ng makita niyang maganda ang sinag ng araw. At habang naglalakad siya ay biglang nagawi ang mata niya sa katabing bahay nila Jasmine na kinalaglag ng panga niya.

"Umagang-umaga, ang init Vixen." Anang isip niya. "Vixen, check mo ang bibig mo. Baka tumulo ang laway mo." Saad ng kabila niyang isip.

"God. Anong klaseng tao ba yan. Wala ba siyang pakialam sa paligid niya?" Laglag panga niyang naisatinig.  "Enjoying the view, baby?" Boses na muntik ng ikabuwal ni Vixen dahil sa gulat. At dahil ayaw niyang mapahiya ay tumayo siya ng tuwid at umaktong walang pakialam sa nakikita.

Taas noo siyang humarap dito. "Ang lakas naman ng loob mo para itanong yan. Nakakasiguro ka bang natutuwa ako sa nakikita ko?" Taas kilay niya ditong tanong. "At hindi ko alam na nandito na rin pala sa syudad si Tarzan. Naubos na ba ang mga kahoy sa kagubatan?" Mataray niyang turan dito na tinawanan lang ng kausap niya.

"Gago talaga." Saad ni Vixen sa isip. Dahil tila nagmamalaki ang taong kaharap niya. Hindi man lang kasi ito nag-abalang magtakip ng katawan. Pero masasabi ni Vixen na gwapo at maganda ang katawan nito. Ayaw lang niyang ipahalata sa kausap.

"Nagbago na kase si Tarzan. Kaya nandito na siya sa syudad. Hindi na kasi siya nakatira sa gubat dahil nandito na rin sa syudad si Jane. Kaya sinundan niya rito." Pilyong sagot ng kausap niya. "At isa pa, hindi bagay sa gubat tumira si Tarzan. Sa gwapo kasi niyang ito ay sayang naman kung hindi matikman ng kalahi ni Jane." Saad pa nito.

Taas kilay naman itong tiningnan ni Vixen sabay pamaywang niya. "Oh! Really," paismid nitong saad. "Di Goodluck sayo." Ani Vixen na tinawanan ng kausap niyang kinainis niya lalo dito.

"Bweset na 'to. Ang lakas ng amag niyang sabihing ang gwapo niya." Anito sa isip. "Bakit di ba totoo? Ang gwapo naman talaga niya ah!" Sabat naman ng kabila niyang isip.

"Grrr. Bakit ba ako nakikipag-usap sayo." Mataray nitong aniya sabay talikod niya. "Salamat." Natatawang anang tinalikuran niya. Ngunit hindi na siya lumingon pa. Tuloy-tuloy siyang naglakad hanggang makabalik siya sa loob ng bahay.

"Anong nangyari sayo?" Takang tanong ni Jasmen kay Vxyl Ross na nabungaran niya. "Ah! Nothing cousin." Kakamot-kamot nitong sagot ng ulo.

"Ganun ba," ani Jasmine sa kanya. "Siya nga pala. Mamayang tanghali ay pupunta kami sa restaurant ng kaibigan ng asawa ko. Magpapakain daw kasi doon ang isa sa mga kaibigan nila. Kaya pupunta kami at sumama kana rin daw sabi ni Axel ng makilala mo ang mga taong nakatira dito sa loob ng subdivision. Ang lahat kasi ay invited." Maya ay ani Jasmine sa kanya.

"Ang ibig mong sabihin ay magkakakilala kayong lahat na nakatira dito sa loob ng subdivision?" Hindi makapaniwalang tanong dito ni Vxyl Ross. "Um. Ganun na nga. Mga kaibigan ng asawa ko. At yang bahay dyan ay bahay ng twin brother ni Axel." Sabay turo ni Jasmine sa labas kung saan ang bahay nila Alex na kinatango ni Vxyl Ross.

"Ahm! Hindi ba nakakahiya cous?" Alanganin niyang aniya. "Nhaaaa. Wag mong isipin ang ganyan. Ang isipin mo ay wala rin silang mga hiya." Boses ng asawa ni Jasmine na si Axel. Ipinahiwatig naman ni Jasmine sa pamamagitan ng mga mata niyang tama ang asawa niya. Kaya natatawa na lang siyang sumang ayon sa dalawa.

"Okay. Sinabi niyo e." Anito sa kanila. "Pero, pwede bang doon ko na rin kitain ang kaibigan ko?" Maya ay tanong niya sa mag-asawa.

"Oo, naman. Maganda na rin yun at ng makilala namin. Diba hon?" Ani Jasmine. "That's right." Si Axel na bahagya pang kinindatan ang asawa niya bago ito lumabas ng bahay nila.

"Okay. So, anong pangalan ng restaurant ng kaibigan niyo cous ng masabi ko sa kaibigan ko?" Anito.

"Sabihin mo sa kanyang MAV restaurant." Sagot sa kanya nito. "MAV restaurant? Yan ba yung sikat na restaurant na pag-aari ni Mr. Villagas?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Vxyl Ross. Nabasa at narinig na kasi niya ang tungkol sa naturant restaurant.

The Mind Reader Hunk(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon