Chapter 25

13K 492 19
                                    

Pasensya na po kayo sa mga wrong typo kung meron man po. Hindi po kasi ako nagbabackread after ko magtipa lalo na kung gabi. Madalas po kasi sa gabi ako nagsusulat after ng work ko. Kaya bago ako matulog ay sinusubukan kung magsulat muna para meron akong update. Yun lang po.....enjoy reading!!!!

ILANG araw lang ang inilagi nila Jeb at Vixen sa probinsya at bumalik agad sila ng Manila. Nakatanggap kasi ang binata ng tawag na darating ang anak ng isa sa mga ninang. At dahil nakiusap itong si Jeb na bahala dito ay hindi naman nakatanggi ang binata.

"Michael." Tawag ng isang babae kay Jeb habang nasa labas sila ng airport. "Oh! My God. I miss you." Anang babae. Nakaramdam naman ng inis dito si Vixen sa klase ng pagkakayakap niya kay Jeb.

"Ehmm. Paula. Sinasakal muna atah ako e." Mahinang ani Jeb. Agad naman itong bumitaw sa kanya ng nakangiti. "I'm sorry."

"It's okay."

"I feel hungry. Let's go, buy for me some food." Anito sabay angkala niya ng kamay sa braso ng binata. Kunting-kunti na lang at gusto nman itong sakalin ni Vixen sa inis. At kahit kasama sila nito ay tila baliwala ang presensya niya sa babae.

"Baby, come on let's go." Biglang ani Jeb na kinatigil ni Paula. "Hindi mauna na kayo." Hindi maiwasang pagtataray ni Vixen sabay naglakad palayo sa dalawa.

"Baby, saan ka pupunta?" Tanong sa kanya ni Jeb. Ngunit tila hindi naman niya ito narinig. Mabilis niyang pinara ang taxi na dumaan sa tapat niya at sumakay dito. Napahilamus naman ng mukha si Jeb na hinila ang mga dala ni Paula.

"Who is she?" Takang tanong nito kay Jeb. "My fiance." Sagot nito.

"What. Kailan ka pa nagkaroon ng fiance? At hindi ka man lang pumili ng magiging girlfriend mo. Gwapo ka, may pinag-aralan and you own a company. Tapus ang fiance mo, hindi man lang marunong mag-ayos. Kahit maglipstic nga e mukhang hindi niya alam." Walang prenong ani Paula.

"Paula. Mahal ko ang babaeng nilalait mo. At hindi ko kailangan ang magmukha siyang clown sa paningin ko. Maganda na siya para sa akin kaya hindi na niya kailangan pang pinturahan ang buo niyang mukha para ipakitang maganda siya.

"I'm sorry." Saad naman nito. "Let's go." Tanging ani Jeb. Agad niyang inilagay sa likod ng sasakyan ang dalang maleta ni Paula at agad siyang sumakay sa loob ng sasakyan. Wala naman nagawa si Paula kundi ang sumakay narin sa sasakyan ng hindi siya ipagbukas ni Jeb ng pinto.

"Michael. Sorry na." Pangungulit niya sa binatang mahigpit na nakahawak sa manibela ng sasakyan. Halatang galit ito ngunit hindi na lang nagsasalita.

Ng itigil ni Jeb ang sasakyan niya sa tapat ng isang gusali ay mabilis naman siyang lumabas ng sasakyan. "Manong, pwedi po bang pakihatid niyo sa condo unit ko yung kasama ko? Meron pa kasi akong ibang gagawin. Kaya hindi ko na masasamahan sa taas." Anito ng kausapin niya ang guard.

"Sige po, sir." Sagot nito sa kanya. Kaya ibinigay naman niya dito ang susi ng condo unit niya bago niya binalikan si Paula. "Si Manong ang maghahatid sayo sa condo unit ko. At ipapahatid ko na lang ang makakain mo." Walang emosyon nitong aniya bago niya kinuha ang maleta ni Paula.

Napipilitan naman itong bumaba ng sasakyan. "Bakit dito ako tutuloy. Diba meron ka naman bahay?" Taka nitong tanong. "Kasama ko doon ang fiance ko. At ayaw kung dagdagan ang pagkainis niya." Deretsahan nitong sagot. Lihim naman nainis si Paula sa narinig mula sa binata.

Ng makuha ng guard ang maleta ni Paula ay mabilis namang pumasok sa sasakyan si Jeb at pinaharurot ito. Sa bahay agad siyang tumuloy matapus niyang ihatid si Paula.

The Mind Reader Hunk(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon