Chapter 6

16.9K 577 31
                                    

HABANG nakaupo si Mayor Roxas ay panay sipat niya ng tawagan. Naghihintay siya kung ano na ang nangyari sa pinapagawa niya kay Emerson. Ng hindi na siya makatiis na alamin kung ano ang nangyari ay dali-dali niyang dinampot ang tawagan.

Makailang ring din bago sumagot ang tinatawagan niya sa kabilang linya. “Hello?”

“Hello. Kumusta ang pinapagawa ko sayo Emerson?” Agad niyang tanong. “Ano bang pinapagawa mo sa akin?” Kunway hindi alam ni Emerson ang tinutukoy ng kausap niya.

“Emerson, ako ba ay pinagluluko mo? Tandaan mo ang mag-ina mo ay nasa mga kamay ko.” Pagalit nitong saad kay Emerson na natatawa ng lihim. “Talaga. Kailan ba napasakamay mo ang mag-ina ko?” Tanong niya.

“Emerson, pinapainit mo talaga ang ulo ko.” Pasigaw niyang sabi kay Emerson na nagpipigil na wag matawa. At dahil sa inis ni Mayor Roxas ay agad niyang pinatay ang tawagan.

Agad na huminga ng malalim si Mayor Roxas. At mayat maya ay muli niyang kinuha ang tawagan at tinawagan niya ang mga taong inutusan niyang bantayan ang mag-ina ni Emerson.

Samantala ng makita naman ni Ariel ang tumatawag na si Mayor Roxas ay agad siyang napatingin sa mga kasama niya bago niya ito sinagot. “H-hello boss, n-napatawag po kayo?” Bungad ni Ariel sa tumawag.

“Kumusta ang pinapabantayan ko sa inyo?” Tanong nito kay Ariel. “A-ah! B-boss ano po---

---wag niyo sabihing nakatakas sila sa inyo?” Pabulyaw nitong tanong ng hindi niya patapusin sa sinasabi si Ariel. “Boss, meron po kasing umatake dito sa rest house at tinangay ang binabantayan namin.” Kinakabahang paliwanag ni Ariel kay Mayor Roxas.

“Mga inutil. Wala kayong mga silbi. Puro kapalpakan ang ibinibigay niyo sa akin.” Anito sabay patay niya ng tawagan.

Dahil sa galit na nararamdaman ni Mayor Roxas ay agad siyang kumuha ng maiinom niyang alak.

“May problema ba?” Boses ng asawa ni Mayor Roxas sa kanya. “Ewan mo muna ako.” Tangi nitong sagot sabay lagok niya ng iniinom na alak.

“Pumalpak ba ang bastardo mong anak sa pinapagawa mo sa kanya?” Tanong nito. “Miranda, tigilan mo ako. Umalis ka ngayon din kung ayaw mong malintikan sa akin.” May pagbabanta nitong turan sa asawa. Sa halip na matakot ito ay tinaasan lang siya nito ng kilay.

“Oh! Ngayon ay pagbabantaan muna akong saktan ng dahil lang sa bastardo mong anak.” Anito sa kanya. At dahil sa inis ng Mayor ay agad niyang ibinato ang hawak niyang baso.

“Wag mo painitin ang ulo ko. Dahil baka sa kangkungan tayo pupulutin, kaya wag kang dumakdak sa harapan ko. At kung wala ka rin naman magawa dito ay umalis kana lang. Atupagin muna lang ang mga kaibigan mong katulad mong lulong sa casino.” Saad dito ni Mayor Roxas. At dahil nainis sa kanya ang asawa dahil sa sinabi niya ay agad naman itong umalis.

Makalipas ang ilang minuto ay muli niyang tinawagan si Emerson. Agad rin naman itong sumagot. “Oh! May nakalimutan ka bang sabihin?” Tila nang-iinis na tanong ni Emerson sa kanya ng sumagot ito.

“Oo. Dahil gusto ko lang sabihin sayo na napakawalang kwenta mo. Wala kang utang na loob.” Panunumbat nitong aniya kay Emerson.

“Oh! Teka. Teka lang ako walang kwenta at walang utang na loob?” Tila hindi makapaniwalang tanong dito ni Emerson. “Ang alam ko kasi ay ikaw ang walang kwenta dito e. Wala ka ngang kwentang ama e.” Saad pa niyang mas lalong kinagalit ng ginoo.

Sa inis ng ginoo ay mabilis niyang ibinalibag ang tawagan niya. Tawang-tawa naman sa kanya si Emerson ng mawala ito sa linya.

GAYA ng sabi ni Jeb ay isinama si Vixen ng mag-asawang Axel at Jasmine sa bahay nila habang abala siya sa ginagawang trabaho. Dahil agad niyang pinuntahan ang mga tao niyang naghihintay sa kanya.

The Mind Reader Hunk(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon