Chapter 11

28.5K 618 14
                                    



Nung nakarating na ako sa may boutique ay agad akong pumili ng damit.

Napasimangot na lamang ako at nainis dahil wala akong makitang tshirt or kahit na anong damit except sa dress dahil halos dress ang naroon. Kaya naman ay nagtanong ako sa bantay ng boutique.

"Miss! Wala po ba kayong tshirt or crop top? Or sando??" tanong ko sa babaeng nagbabantay.

"Pasensya na po ma'am pero di po kami nagbebenta ng tshirt kasi karamihan sa mga millenials ngayon ay mas gusto yung mga dress." paliwanag nya.

Napaawang lng ako sa sinabi niya. Bakit ano bang meron sa dress na yan? Tangina. Kung pwede nga lng bumili ng branded na damit eh kaso nagtitipid pala ako! Ang malas naman.

"Alam nyo ma'am mas bagay sainyo ang dress dahil sobrang ganda niyo po!" nakangiti nyang sabi saakin.

Hindi mona ako kailangang bolahin dahil kahit ano naman ang suotin ko ay maganda pa din ako noh!

At dahil no choice na ako at masasayang lng ang oras ko kung titingin pa ako sa ibang boutique ay pumili na ako ng isang dress na mumurahin at mahaba haba. Fvck that Lux! Tinakasan ako! Kung di sana sya nag walk out ay di sana ako susuot ng shit na dress na ito!

Maya maya ay may nakita na akong isang floral dress na hanggang tuhod kaya kinuha ko iyon at sinukat na sa fitting room. Nakaschool uniform pa naman ako, kaya naman ay naiinis talaga ako at kailangan kopang bumili ng sandals dahil ang suot kong sapatos ay hindi naman bagay sa dress na suot ko, magmumukha lng akong ewan nito panigurado.

Inilagay kona ang uniform ko sa bag na libreng binigay sa akin ng babae. Mabuti na lng at may libreng paper bag sila, akala ko kasi sa plastic ilalagay.

"Ang ganda nyo po ma'am! Mas bagay sainyo ang magsuot ng ganyan kaso dapat ma'am mas iniklian niyo sana." sabi ng babae habang sinusuri ako.

Tangina heto ngang mahaba ay sobra na akong naiinis, ano pa kaya kung yung maikli diba!

Tiningnan kona lng siya ng masama kaya agad siyang kumuha ng ipapangsukli saakin. Ang rami pang sinasabi, hindi ko naman kailangan ng opinion niya.

Pagkatapos kong magbayad ay agad akong lumabas dun sa boutique habang nakasimangot. Napapabuntong hininga na lng ako at inis na tinitingnan ang mga taong makakasalubong ko.

"Humanda ang Lux na iyan sakin! I'll kill him!" bigla kong nasambit kaya naman nakita kong tumawa yung ibang mga nakasalubong ko.

Nandito na ako sa grocery store at kukuha na sana ako ng cart ng may humila saakin.

"Fudge! Who the heck are--

Di kona naipatuloy ang sasabihin ko ng humarap saakin si Lux. Agad na nag init ang ulo ko at agad ko siyang sinapok sa ulo.

"Tangina! Bakit ngayon ka lng? Saang lupalop kaba pumunta ha?!" bulyaw ko sakanya.

Tiningnan lng niya ako mula ulo hanggang paa at bumungisngis na parang tanga.

"Oh anong tinatawa tawa mo?" nakapameywang kong tanong sakanya.

"Anong nakain mo at bakit ka nagdress? Pinapagandahan mo siguro ako noh?" sabi niya at sinundot pa ang tagiliran ko.

Nagpantig ang dalawa kong tenga sa sinabi niya. Tangina ang kapal din ng mukha ng isang to! Sarap sapakin eh! Pinakyuhan ko lng siya at ang gago ay tumawa lng.

"Tangina ha! Bakit mo ako sinapok ha? Anong karapatan mo? Pasalamat ka at hindi ako pumapatol sa mga babae!" sigaw ni Lux na kinabigla ko.

Ang bilis naman magbago ng mood ng isang to! Kanina lng ay tumatawa tapos ngayon galit na. Late reaction pa.

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon