Chapter 16

27.7K 525 20
                                    


Dedicated to:
@nicole_aleyza

***

Agad akong lumangoy papunta sakanya at hinila ang kamay niya! Jusko! Hindi pala marunong lumangoy ang Hello Kitty na 'to!

Agad akong umahon habang hinihila siya. Shit!Ang bigat niya sa totoo lng.

Nakaahon na rin siya ngayon. Agad akong lumapit sa kanya at kinuha ang kamay niya para tingnan ang palapulsuhan.

Tumitibok pa ito. Agad kong idiniin ang kamay ko sa dibdib niya para makalabas ang tubig.

Ganito yung nakikita ko sa mga movie eh yung part na imamouth to mouth mo siya at bibigyan ng hininga. Fvck! Hindi ko yon gagawin. Bakit kailangan pa itong mangyare! Gaga ka Sabrina! Kasalanan mo naman.

Sinampal kona rin siya at sinuntok pero di parin. Wa epek pa din. Ano nang gagawin ko?!

Agad akong napabuntong hininga sa huling option ko.

Shit! Gagawin kona! Nagdasal muna ako bago tiningnan siya.

Nilapit kona ang mukha ko sakanya. Fudge!Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil siguro sa kahihiyan at pagkaguilty!

Ayoko! Kaya naman nilayo ko ang mukha ko sakanya. Hindi ko pala kaya!

Pero nakakaguilty kasi nahulog siya sa pool ng dahil saakin! Eh hindi ko naman alam na hindi pala siya marunong lumangoy! Wala akong alam pota.

Napabuntong hininga ulit ako at nilapit sa kanya ang mukha ko. Hinawakan ko ang ilong niya at dinikit ang labi ko. Binigyan ko siya ng oxygen. At nilayo sakanya ang mukha ko. Inulit ko ulit yung pag diin sa dibdib niya gamit ang kamay ko.

Agad akong natulala ng hindi parin siya nagigising. Mali ba yung ginawa ko? Ano ba!? Bakit hindi pa din siya nagigising!

Fudge! Kinakabahan na ako! What if ako yung pagbintangan na pumatay sakanya? Tangina naman. Pero di pa naman ako 18 kaya hindi pa naman siguro diba?

Naluluha na ako dahil sa kaba at pagkaguilty. Mamatay naba siya? Agad akong napayuko.

Nang biglang may narinig akong umubo. Napatingin ako kay Lux. Fvck! Buhay siya! Thank God!

Tiningnan niya ako. At biglang yinakap.

"Thank you, sarap mo palang humalik kahit smack lng." sabi niya habang nakayakap saakin! Naimagine ko agad ang manyak niyang ngiti. Kaya agad ko siyang tinulak at tiningnnan siya.

"Ayos ka lng ba?!" tanong ko sakanya

Ngumisi lng siya at tumango. Naasiwa ako sa pagtingin niya kaya naman tumayo na ako.

"Hindi ka pala marunong lumangoy?! Ayy oo nga pala sorry sa pagtulak ko sayo!" dali dali kong sabi at tinalikuran na siya.

Agad akong dumiretso sa room ko. Nakita ko ang dream catcher na binigay saakin ni Adrian. Napabuntong hininga na lng ako.

Binuksan ko na ang pintuan ng room ko at napangiti ako ng tumambad saakin ang kwarto kong puno ng Spongebob! Ang rami kong stufftoy na Spongebob!

Dumiretso muna ako sa C.R para magbanlaw. Pagkatapos ay nagbihis ako at nagsuot ng oversized tshirt at short shorts.

Agad akong nahiga sa kama ko na ang bedsheet rin ay Spongebob! I really love Spongebob! Nagpagulong gulong lng ako sa kama ko.

Napangiti ako ng makita ko ang mga pictures na nakadikit sa wall ng room ko. Pictures yon namin ni Adrian at ng mga kaibigan ko.

Gusto ko na sanang tanggalin kaso wag na muna dahil isa iyon sa mga memories ko. Parte yan ng nakaraan ko at alam kong kahit tanggalin ko ang mga pictures na yan ay mananatili pa rin yan sa isip at puso ko.

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon