Chapter 38

23K 500 17
                                    


Nasa may parking lot na ako ng biglang may humila saakin. Tangina! Kung sinong damuho man ang humila saakin ay masasapak ko talaga.

"Samahan mo ako."

Sasapakin kona sana siya ng makailag siya.

"Gago! Hindi ako sasama! Ayoko!"

"Pupunta tayo sa bahay," aniya at hinila na naman ako.

"Ano namang gagawin ko dun?!" tanong ko.

Atsaka nandito yung kotse ko!

"Basta! Ano sasama ka o kakargahin kita?!" pananakot niya.

I just glared at him at pumasok na sa kotse niya.

"Pano yung kotse ko?"

"Pakuha mo na lng sa driver niyo." seryoso niyang saka pinaandar ang kanyang kotse.

Parang tanga! Kanina pagdating ko sa school ngingisi ngisi siya tapos ngayong parang ang laki ng galit sa mundo. Bilis talaga magbago ng mood ng isang to! Tinalo pa ako!

Tahimik lng kaming dalawa at wala naman akong balak na magsalita. Kawawa naman yung teacher, wala siyang maabutan doon... Pagkarating namin sa bahay nila ay wala kaming taong naabutan.

"Ba't walang tao?" nagtataka kong tanong sakaniya.

"May kukunin lng ako sa taas then susunduin natin yong triplets."

Naupo muna ako habang hinihintay siya. Akala ko ay tatambay kami dito sa bahay nila... Pagkababa ni Lux ay may dala siyang damit at nakabihis siya ng pang alis. Kanina kasi naka uniform siya. He's just wearing a v-neck shirt at shorts.

"Wear this! Baka mapagkamalan pa tayong nagkacutting. Kay Demi yan kaya kasya yan sayo." aniya at binigay saakin ang isang pants and sleeveless top.

"Nagpa alam kabasa kapatid mo? Hoy baka kinuha mo lng to ha!"

Kahit naman na magkaibigan kami ni Demi ay syempre nakakahiya naman magsuot ng damit niya kung walang permiso galing sakaniya.

"Alam niya naman yon!"

"Go! Nandun yung C.R, bilisan mo! Mainipin pa naman ang mga yon!"

Bakit ba kasi ako sumama sakaniya? Ang uto uto ko talaga pagdating sakaniya eh.

Nagbihis na lng ako at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin sa C.R. Nilugay ko ang buhok ko na nakapony tail kanina at ngumiti sa repleskyon ko at nagposing posing habang natatawa sa sariling kabaliwan.

Lumabas na ako ng C.R at naabutan kong busy mag cellphone si Lux. Nung nakita niya na ako ay tumayo na siya at tiningnan muna ang suot ko... Nauna na siyang lumabas at sumunod na lng ako.

Naiinis ako ha! "Bakit sinama mo pa ako?!" tanong ko sakaniya.

"Eh ba't ka naman sumama?!" tanong niya pabalik.

Binatukan ko lng siya! Gago kahit kailan to!

"What the heck! Ba't mo ginawa mo yun?" inis niyang tanong at tiningnan ako ng masama.

Tumawa lng ako at nag make face para mas lalo siyang maasar.

"Gusto kang makabonding ng tatlo." he muttered at sumakaya na sa kotse.

Nagtaka ako dahil nasa Crux University ulit kami. I though magbabonding kami ng tatlo?

"Dito sila nag aaral?" tanong ko. Tumango lng siya.

Nagpark muna siya sa parking lot at bumaba na kami... Sinundan ko lng siya dahil kahit dito ako nag aaral ay di ko alam na may elementary pala dito.

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon