Dedicated to:
@MheganDelaLuz***
Naiinis ako ngayon! Sobra! Tangina talaga.
Flashback
"Lu-x!"
Nagulat talaga ako, lintek na yan aatakihin ata ako sa puso.
"Saan ka pupunta? Nasaan na yong mga kasama mo?" seryoso niyang tanong.
Bigla naman akong di nakapagsalita. Ayaw ata bumuka ng bibig ko ngayon. Ano bang nangyayare saakin?
"Hey! Pipi kana ba? Bakit dika na nagsasalita diyan?"
"Wala kang pakialam! Sige aalis na ako!" nasabi ko bigla at nagmamadaling naglakad na.
Napatingin naman ako sa kotseng sumusunod saakin. Bwiset na yan!
"Sumakay kana! Ihatid na kita!" aniya.
"Hindi na! Kaya ko naman mag taxi."
Ang tagal naman kasi ng mga taxi.
"Sumakay kana! Bilisan mo, wag ng matigas ang ulo! Tsk!"
Sumakay na lng ako dahil wala na akong choice at isa pa ay ang tagal ng mga taxi ngayon.
O_O
Andito pala yung babae.
"Hello!" masayang bati niya saakin.
-_-
Hindi kona lng siya pinansin at umupo sa tabi niya.
"Bakit ka diyan nakaupo? Dito ka sa tabi ko!"
Nagulat naman ako. Required ba na maupo ako sa tabi niya? Ito talagang mokong na'to!
Napabuntong hininga na lng ako at umupo sa may passenger seat.
"By the way, siya nga pala si Kianna! Kaibigan ko!" aniya habang nagdadrive.
Tumango lng ako dahil hindi ko naman tinatanong ang pangalan niya.
Binusy kona lng ang sarili ko sa pagcellphone!
Tinext ko si Farrah at sinabing umuwi na ako at baka ay maghintay sila sa wala.
Nakita ko sa peripheral vision kona tiningnan ako ni Lux.
"Sabrina, you know what lagi kang nakekwento saakin ni Lux!"
Kinikwento ako? At bakit naman? Kung ano ano pa atang pinagsasabi ng Lux na'to dito kay Kianna eh!
Maya maya ay tumigil na ang sasakyan at bumaba na si Kianna.
"Bye Sab and Lux! See you!" aniya at kumaway na.
Napabuntong hininga na lng ako. Nakaka stress. Tapos mamaya ay may pupuntahan pa kami nila Mommy!
"Hey! Why are you so quiet?" tanong niya.
Tiningnan ko lng siya.
"Bakit anong gusto mo? Mag ingay ako dito?" sarcastic kong tanong.
"Hmm, I mean kanina kapa kasi tahimik diyan! Are you okay? Or you need something?" tanong niya.
"Or baka naman ay nagseselos ka?" aniya habang tumatawa.
Sinuntok ko naman siya sa braso niya! Feelingero!
"Duuh! Bakit naman ako magseselos? Gusto ba kita? Yucks in your dreams!" sabi ko.
BINABASA MO ANG
MR.BAD BOY IS MY FIANCÉE
Teen FictionI hate him. Well, hindi lang naman ako siguro ang may ayaw sakaniya. I really thought that I will be living peacefully to my new school but I'm wrong. Dagdagan mopa ng paglipat din ng school ng mga gago kong kaibigan! My life was a mess and hindi k...