Chapter 54

20.5K 414 2
                                    

Third Person's POV

Nakalipas na ang isang linggo pero hindi parin nagigising ang dalawa.

"Kailan kaya sila gigising?" malungkot na tanong ni Demi habang nakatingin sa dalawang hindi parin gumigising na si Sabrina at Lux.

Napagdesisyunan nila na ipagsama na lng sa isang room ang dalawa upang sabay nilang mabantayan nia ito.

Mababakas sakanilang mukha ang lungkot dahil ang tagal ng dalawa na magising. Hindi nila inexpect na aabot ng isang linggo ang pagtulog ng dalawa.

Flashback

Pagkarating nila sa hospital ay agad silang dinaluhan ng mga nurse at agad na dinala ang dalawa sa emergency room habang si Adrian ay dinala sa morgue.

Umiiyak ang may dilaw na buhok dahil napamahal na siya sakanyang boss na si Adrian parang kapatid na ang turing niya dito kaya sobrang sakit para sakaniya na mawala ito.

Agad na tinapik ni Calix ang kaniyang likod upang kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Tiningnan lng siya nito at nahihiyang pinahid ang kanyang luha.

"Ikaw na ang bahalang magkwento sa pulis sa nangyare dahil hindi naman pwede si Sabrina at Lux." sabi ni Ivan sakaniya.

Tumango lanang siya.

"Ano bang pangalan mo dude?" tanong ni Ford.

"Ako si Hugo." sagot nito.

"Hugo, condolence sa nangyare sa boss mo. Laking pasasalamat namin sainyo dahil tinulungan niyo kami kahit na naging magkaaway tayo ng grupo niyo at ng grupo namin!" nakangiting sabi ni Ivan.

Ngumiti lng si Hugo. "Salamat kung anong gusto ng boss namin ay susundin namin pero alam kong masaya na siya ngayon dahil makakasama niya na ang kaniyang pinakamamahal na kapatid." sabi ni Hugo at tingnan ang mga kagrupo.

"Ipagpapatuloy niyo pa din ba ang gang niyo?" tanong ni Calix.

"Hindi na siguro, kinausap kami ni Adrian noon na kailangan na naming magbagong buhay. Dahil wala naman daw kaming mapapala sa pakikipag away kundi kaaway lng." sagot ni Hugo at maya maya ay umalis na ito.

Pagkalipas ng ilang oras ng operasyon kay Sabrina ay lumabas na ang doktor. Agad na nagsilapitan ang mga kaibigan nito dahil wala pa ang mga magulang nito.

"Baka abutin ng ilang araw bago siya magising but she's okay now." sabi ng doktor at agad silang nakahinga ng maluwag.

Pero nung lumabas naman ang doktor nung kay Lux ay natigilan sila.

"Maraming dugo ang nawala sakaniya muntik na sana siyang mamatay dahil sa mga saksak niya! Napag alaman din namin na may isa siyang tama ng baril malapit sakanyang puso! I don't know if he can survive but we will do our best to save him. But right now, we need a donor for his blood." saad ng doktor.

Agad silang nataranta at mabuti na lng ay kapareho ng blood type ni Pierre si Lux.

Chineck muna siya bago ito kinunan ng dugo dahil nung mga oras na yun ay wala ng stock ng dugo nung gaya kay Lux. Mabuti na lng at nandiyan si Pierre.

"Anong nangyare sa anak ko? Nasaan siya jusko!" umiiyak na sigaw ng mama ni Sabrina.

Tingnan ng ama ni Sabrina ang mga naroon.

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon