Uno -- The First Meeting

76 1 4
                                    

Uno -- The First Meeting

Nagsimula ang lahat sa isang simpleng paghanga. Paghangang ibinigay ko pero hindi ko sigurado kung  matutugunan. Pghangang ibinahagi ko sa isang tao na wala naman yatang interes na alamin ang aking pangalan. Kagaya kaya ng ibang love story, makakamtan ko rin kaya ang aking happy ending?

Kyla Ysabelle Garcia ng buo kong pangalan. But I prefer to be called Ysa rather than Kyla. Hindi naman kasi ako singer. Nakakahiya naman kay Kyla kung maging kapangalan ko siya tapos ayaw naman sa akin ng music. I’m 18 years old. Second year Accountancy student sa isang State University. Isang ordinaryong tao. Nag-iisang anak. Ipinanganak ako sa isang pamilya na may average social status. Kung baga, kami yung tubig na nasa pagitan sea bed at sky. Ang weird ko ba? Eh, yan ako, eh. Wala na tayong magagawa.

Magsisimula ang aking kwento sa isang karinderya. Oo, sa karinderya. Nakakasawa naman kasi yung palagi na lang school o di kaya bahay yung setting. Wala lang, maiba naman. :D

“Hey Ysa! Dito ka kumakain? Hindi ka ba natatakot na magkasakit?”

Tanong ni Sophia. Sophia Casandra Uy ang buo niyang pangalan. Ang maganda, maarte at socialite kong kaklase. Hanggang ngayon hindi ko parin talaga ma gets kung pa’no siya nakaka survive sa buong araw na klase na ang tanging dala ay maliit na hand bag na may lamang kikay kit at kung anu-ano pang abubot.

“’Pag nasa karinderya, magkakasakit na agad? Malinis kaya dito. Masarap pa ang pagkain. At higit sa lahat, mura. Gusto mong sumabay?”

“Duh! Mukha ba akong nagtitipid? Takot ko lang magka LBM, noh. Anyway, I have to go. I need to meet up with my elite friends at Risotto. Enjoy your pangmahirap na lunch! Tata!”

My mouth dropped upon hearing the name of the restaurant kung saan magla-lunch sina Sophia. Risotto happened to be one of the most sought after Italian resto in the country. Lahat ng mga mayayaman sa Pilipinas ay expected na nakakain na sa resto na yun. Tapos itong classmate ko magla-lunch, in an ordinary day, sa restong yun? Magkano ba ang pinakamurang meal dun? 10K? May minahan ba sila ng ginto? #smh…

Ok, so bago pa ako mabaliw sa kakaisip kung paano magwaldas ng pera ang ibang tao, tinapos ko na lang ang pagkain ko. I had one cup of rice and one serve of binagoongang baboy for lunch. Sobrang hilig ko kasi sa bagoong. Bitin ang isang rice.

“Ate Myrna, pa add nga po ng isa pang rice.”

“Sige Ysa. Mukhang naparami na naman ang kain mo ha.”

“Ang sarap naman po kasi ng luto niyo dito. Naku, pag ako lalong tumaba, kayo talaga ang may kasalanan. *hahaha*”

“Ikaw talagang bata ka. Mag tea ka na lang pagkatapos nang madali kang matunawan.”

“Sige po ate. Pero baka mamayang gabi na lang, may klase pa kasi ako in 30 minutes.” Sabay subo ko ng kanin at mabilisang ngumuya at lumunok. Takot kasi akong malate. Never pa naman akong na late sa buong student life ko. Isa yun sa mga bagay na super proud ako. :D

“Hija, dahan-dahan naman. Baka ka mabilaukan niyan.”

“Naku ‘te, sanayan lang yan.” At dali-dali ko ng tinapos ang aking pagkain. Suki na kasi ako sa karinderya ni Ate Myrna. Kaya madalas, ang lunch ko ay nasasamahan ng pakikipagkwentuhan.  Mabuti na lang at sobrang lapit lang ng karinderya sa school.

Pagkatapos na pagkatapos kong kumain, dali-dali ko nang niligpit ang aking mga gamit. Nagpaalam na ako kay Ate Myrna. Sabay sa aking pagtayo ay ang aking pagkauntog. Akala ko kung anong bagay ang nabangga ko. Pagtingin ko, isang ulo…ulo ng tao (Mukhang creepy pakinggan. Pagpasensiyahan niyo na ang author.) ang aking nabangga.

“Naku Kuya, sorry po. Pasensiya na po talaga. Nagmamadali lang po ako. Sorry po.”

“It’s okay. It was an accident. I’m sure hindi mo naman sinasadya.” Sabi ng lalake. Pamilyar ang mukha niya. Kaso masiyado na akong nagmamadali para isipin pa kung sa’n ko siya nakita. Ten minutes na lang kasi at male-late na ako sa 1st period ko sa hapon.

“Pasensiya na po talaga ha. Sige po. Una na po ako. Sorry po ulit.”

“Five times…” Sabi niya.

“Po?” Nagtatakang tanong ko.

“Five times ka nang nag sorry in a span of what? Two minutes? I said it was okay. If you’re still worried…you’re forgiven. Okay?”

“Ah, okay po. Salamat po. Una na po ako.”

At walang lingon-likod kong tinalikuran ang estranghero. Ilang minuto na lang talaga at malelate na ako.

Fate and CoincidencesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon