A/N: My sincere apologies for the very late update. Sobrang naging busy lang po ako. Plus I experienced a severe writer's block. Alam niyo yung feeling na gusto mong magsulat pero kahit isang salaita, wala kang maisip? Hindi mo alam kung saan magsisimula? Yun po. Yun ang na experience ko. Kaya pasensiya na. Tao lang. :D
Sa mga "silent readers" ko po, hindi man kayo ganun kadami, maraming salamat po sa pagbabasa. Hope you'll continue to hang in there hanggang matapos ang kwentong ito. Sana hindi kayo magsawa. Salamat po ng marami! Here's another chapter for you. Susubukan ko pong mag-update ulit soon. God bless! :D
Paki VOTE na rin po kung trip niyo. And feel free to leave a COMMENT kung may mga suggestions kayo sa gusto niyong maging twist ng kwento. ;-)
~ Augustus1588
Ysa’s POV.
Christmas break is over. At heto na naman kami. Back to school. Keeping ourselves busy dahil malapit na naman ang examination week. A lot of things happened during the Christmas break. Isa na dun ang pagiging persistent ni Dino sa kagustuhan niyang mas makilala pa daw ako.
Halos araw-araw siya kung dumalaw sa bahay. Nakilala na rin niya ang mga magulang ko and as expected, Papa wasn’t very pleased to get to know him personally. Maybe because of the fact na nasabi ko na sa kanila ni Mama ang tungkol sa image nito sa school. At hindi rin masiyadong natutuwa si Papa sa sobrang dalas ng pagdalaw nito sa bahay na daig pa ang nanliligaw. Though I made it really clear to him na hindi ako magpapaligaw hanggat hindi pa ako handang pumasok sa isang seryosong relasyon. Hindi ko trip ang maging paasa. Kung hindi man siya makadalaw, magyayaya naman siyang lumabas. There’s one thing he never missed doing though. That is to call me even before my alarm went off and right before I hit the sack. Boyfriend lang ang peg? I kind of feel awkward nga lang. Hindi ako sanay na may nag-aalala o nagchicheck sa akin ng madalas aside from my parents of course. Nakakapanibago.
Pero sa kabila ng dumaang mga araw, isang bagay parin ang hindi mawala sa isip ko. Pagdududa. Isang pagdududa na hindi ko maalis-alis sa kabila ng lahat nang kabutihang pinapakita ni Dino. Hanggang ngayon, hindi parin talaga mawaglit sa isip ko ang posibilidad na hindi si Dino ang totoong nagpadala ng sulat na iyon. Na kagaya sa mga librong nabasa ko, isa lang siyang mapagkunwaring tao na naisipang magsamantala sa kasalukuyang sitwasyon. Pagdududa na hindi ko magawang isawalang bahala. Naniniwala kasi ako na a woman’s instinct is almost always right. So kung ano man ang dahilan ng pagdududang ito, alam kong may basehan yun. It may not be clear for me as of the moment pero alam ko balang araw, maiintindihan ko rin alang lahat.
Kent’s POV.
Ilang buwan na rin ang nakakalipas. Mag pafinals na kami. Ilang linggo na lang, bakasyon na naman. First time ko yatang hindi natutuwa na magbabakasyon na, ah. Bakit kaya?
Ilang buwan na rin ang nakakaraan simula ng malaman ko ang tungkol sa problema ng mga magulang ko sa negosyo. At hanggang ngayon, hindi parin nila sinasabi sa akin ang sitwasyon and they even continue to act so normal whenever we’re together, not knowing na matagal ko nang alam ang tungkol dito. Hindi ko talaga alam kung pa’no nila nagagawang umakto ng normal sa kabila ng lahat. May siblings came home last Christmas. Hindi ko sigurado kung nagkausap ba sila nang sarilinan nila Mom and Dad tungkol sa pinagdadaanan ng pamilya ngayon. They all acted so normal during the Holidays so, it’s either they knew and decided to keep it from me at sobrang galing nilang umarte na parang walang nangyari, or just like me, they too were left out of the issue because our parents wanted na solohin ang problema.
Gusto ko na talagang i-confront ang parents ko tungkol sa nagyayari. Dahil gusto kong makatulong. I want them to stop treating me like a child and start treating me like an adult na kaya na ring humarap sa mga problema. Hindi naman masama ang intensiyon ko di, ba? Anak nila ako. Pamilya kami at kahit papa’no, alam kong pwede akong makatulong sa paraang alam ko. I have decided. Pagkatapos ng finals week namin, I will talk to them. I don’t know how they will react but they have to stop acting as if nothing is going on when the fact is, everything is wrong. For now, I need to ace these tests. Dati na akong pala-aral pero batid ko sa sarili ko na kailangan ko pang mas pag-igihan. Hindi ako pwedeng magpabaya. Ngayon, more than ever, I need to prove my worth hindi lang sa sarili ko at sa school na ito. Moreso, sa pamilya ko. Para sa mga magulang ko. Marami na akong isinuko para lang makapagfocus ako ng mabuti sa pag-aaral. Hindi na nga ako halos lumalabas kasama ang barkada. Bahay at eskwela na lang ang naging routing ko for the past month. Sa ngayon, handa akong magsakripisyo for my family. Sila ang pinakamahalaga sa akin at handa akong isuko ang lahat para lang mas mapabuti ang pamilyang kinalakihan ko. Handa akong isuko ang lahat kahit ang pangarap ko… Kahit ang kaligayan ko…
Matapos ang final exam…
“Dino, pare. How did you do sa exam?” Tanong ko sa matalik kong kaibigan na tila yata wala pakialam whether he passed the exams or not.
“Carry lang dude. Mukha namang papasa parin ako kahit papa’no.”
“So hindi ka sure? Dino naman. Ano ba naman kasi ang pinaggagawa mo lately? Halos hindi na kita nakikita dito sa school ha. Tsaka, akala ko ba dadalaw ka sa bahay during Christmas break? Tinanaong ka nila Mom and Dad sakin. Hindi ko naman alam kung anong isasagot ko. Malay ko ba naman kung ano ang pinagkakaabalahan mo.”
“Kent, may iba akong buhay outside this school, okay? Tsaka, mag bestfriend man tayo, hindi naman tayo magkapatid. Do you really expect me to report everything to you? Parents ko nga walang pakealam kung saan ako gumagala tapos ikaw kung maka sermon ka higit pa sa magulang ko. Nakakalalake ka na pare ha. Nagdududa na tuloy ako sa totoong status mo. Hahahaha!”
“Ulol! (sabay batok ko kay Dino). Pare, may usapan tayo di ba? Ang usapan, papaya ako sa plano mo provided na irereport mo sa akin ang lahat. Anong nangyari? I’m lost. Wala akong natanggap na kahit ni isang update sa’yo simula ng umpisahan natin ang plano.”
“Kent, can you just trust me on this one? Alam mo namang hindi kita ipapahamak di, ba? Tsaka, in doing this, I am also doing you one huge favor. Bestfriend kaya kita, at ayaw kitang mapahamak.”
“Dude, you know I trust you. Bestfriend kita. Pero masisisi mo ba naman ako kung pagdating sa bagay na ‘to hindi kita mapagkakatiwalaan? The school speaks on your behalf pagdating sa bagay na ‘to kaya hindi mo ako pwedeng sisishin kung pagdududahan kita.”
“Fine, fine. Hindi nga naman kita masisisi. Anyway, pwede bang next time natin ‘to pag-usapan at pagtalunan? I need to be somewhere else.”
“Nanaman? Hindi ka na talaga mapirme dito, noh? Ano ba kasi yang pinagkakaabalahan mo? Tsaka, ba’t kanina ka pa busy diyan sa cellphone mo? Babae nanaman yan, noh? Naku Dino. Sinasabi ko sayo ha. Umayos ka. Wala ka na ba talagang pag-asang tumino. Hindi ka ba talagang pwedeng makontento sa isang babae? Sasamain ka na talaga sakin pag hind ka pa umayos.”
“Kent, pwedeng chill ka lang diyan? Don’t worry pare, malapit na akong tumino. Malapit na malapit na.”
“Magpapakalbo ako pag nangyari yan dude.”
“Kung gano’n, ihanda mo na ang gunting. Ako mismo ang gugupit sa’yo. Pa’no, alis na ako ha. May naghihintay sakin, eh. Bye bro.”
At yun na nga. Basta na lang akong iniwan ng kaibigan kong hindi ko alam kung saan pinaglihi dahil hindi mapirme sa isang lugar. Pareho lang naman kaming estudyante pero mukhang mas busy pa siya sa Dean ng College namin na halos hindi ko na siya nakikita sa school.
Now this worries me. Hindi kaya sobrang sineryoso ni Dino ang pinakiusap ko sa kanya? Baka naman tinotoo na niya yun. Naku Dino. Wag na wag lang siyang magkakamali. Baka ito pa ang ikasira ng matagal na naming pinagsamahan. Oo nga at kaibigan ko siya, pero wag lang niyang tataluhin ang mga taong mahalaga sakin dahil kahit siya na bestfriend ko, hinding-hindi ko siya sasantuhin.

BINABASA MO ANG
Fate and Coincidences
Teen FictionSi Ysa. Isang ordinaryong mag-aaral. Galing sa isang ordinaryong pamilya at namumuhay kagaya ng isang ordinaryong tao. Adik sa libro. Si Kent. Anak mayaman. Kasama sa varsity team. Matalino. Crush ng bayan. Sa madaling salita, jackpot. Nagkrus ang l...