“It's hard to believe in coincidence, but it's even harder to believe in anything else.”
― John Green (Will Grayson, Will Grayson)
Ysa’s POV.
Yun na yata ang pinaka mahabang hapon/gabi ng buhay ko. It’s amazing how you forget about time when you’re with someone you’re comfortable being with. J I have never felt this safe with a guy since that two years ago that turned my life around.
Kung iniisip niyo na naging man-hater ako nang dahil sa nangyari, you’re wrong. Okay parin naman akong makitungo sa mga guys. I have guy friends and cousins who are very close to me. Naniniwala kasi ako na hindi natin pwedeng igeneralize ang mga tao. Hindi poke’t nasaktan tayo ng isa, eh magagalit na tayo sa buong lahi nila. Hindi porket may isang masamang kamatis sa basket, eh bulok na rin ang iba pang kasama nito. Nagkataon lang na nahahawa lang talaga ang iba. Naniniwala ako na lahat ng tao ay may angking kabutihan. You might not see it right away, but if you have faith, trust me, eventually you will. (Author: Ay teka. Ano ‘to, Values Education class?; Ysa: Miss author, pwede ‘wag kang sumabat? Moment ko ‘to.; Author: K, bye. )
Isa na yata si Kent sa pinaka-gentleman na lalaking nakilala ko. I mean, let’s face it. Sa panahon natin ngayon, ‘pag ang ibang lalaki, may ginawang mabuti sa’yo, mag advace thinking ka na. Baka may ibang motibo na yan. Hindi ko sinasabi na punuin mo ng duda yang isip mo. What I’m saying is, it is better to be safe than sorry naman di, ba? Saan man ako magpunta, dala-dala ko parati ang pepper spray na bigay sa’kin ni Papa. Mabuti na yung nag-iingat. However, Kent did not give me the reason na pagdudahan siya. Or katakutan siya in any way. Ang weird nga kasi hindi ko naman siya talagang kilala. Ito na yata yung pinakamahabang naging pag-uusap namin mula nga magkakilala kami at aaminin ko, masaya ako. Masaya ako kasi… Actually, hindi ko rin alam kung bakit. Basta masaya ako ngayon. Masaya ako dahil siguro natapos ko na ang mga paper works ko. Masaya rin ako dahil magbabakasyon na. Masaya ako kasi I have the best parents and the bestest friend in the world. At masaya ako dahil…Sige na nga. Aaminin ko na sa sarili ko. Mas sumaya ako sa araw na ‘to dahil kay Kent. Hindi ko alam basta, natutuwa ako pag bigla na lang siyang sumusulpot sa mga lugar na hindi ko naman inaasahang makikita siya dun.
At muling bumalik sa aking alaala ang sinabi ni Kent about coincidences. Coincidence nga lang ba talaga ang paulit-ulit naming pagkikita unexpectedly? Coincidence nga lang ba talaga ang lahat?
Last week na namin ngayon sa school before mag-Chrsitmas break. Being a part of the student council, masiyadong naging busy ang week na ‘to para sa akin. Kailangan naming isaayos ang program para sa school Christmas Party. Not to mention na may sarili kaming Chrsitmas party sa klase namin kung saan ako ay officer din. Hai. Dapat kasi exempted na ako sa class activities, eh. Anyway, wala na akong magagawa.
“Hoy Ysa, ba’t naka panglumbaba ka diyan?”
“Maka “hoy” naman ‘to. Anong tingin mo sa’kin Lou? Aso?”
“Napaka pikon mo talaga besi. So, bakit ka nga nakapangalumbaba?”
“For once, sinusubukan ko lang din mag procrastinate. Two day from now, school Christmas party na natin. Pero halos wala pa akong naiisip na pakulo na pwedeng isama sa program. Hai. Naisipan yatang magliwaliw ng mga creative juices ko kung saan kailangang-kalinagn ko sila.“
“Ibig mong sabihin, nandito ka mainit at magulong council office na ‘to buong araw pero wala ka paring naiisip na pakulo for the school event? Seriously Ysa? Ikaw ba yan? Ikaw na alien ka, umalis ka dito! Saan mo dinala ang kaibigan ko?! Ibalik mo siya kundi ipapatapon kitang pabalik sa Mars!”
BINABASA MO ANG
Fate and Coincidences
Teen FictionSi Ysa. Isang ordinaryong mag-aaral. Galing sa isang ordinaryong pamilya at namumuhay kagaya ng isang ordinaryong tao. Adik sa libro. Si Kent. Anak mayaman. Kasama sa varsity team. Matalino. Crush ng bayan. Sa madaling salita, jackpot. Nagkrus ang l...