"Sometimes the most beautiful thing is precisely the one that comes unexpectedly and unearned, hence something given truly as a present" - Anna Freud
Kent's POV.
Hindi madali itong pinagdadaanan ko - ng pamilya ko. Pa'no nagagawa nila Mommy at Daddy na umakto ng normal sa kabila ng hindi magandang sitwasyon ng kompanya? The way sila mag-usap ang gumastos, parang wala lang, ah. Moreso, pa'no nila nagagawang itago ang lahat ng nangyayari sa akin? Iniisip ba nila na masiyado pa akong bata to help them out? Oo nga at bunso ako sa tatlong magkakapatid, pero nasa edad na rin naman ako para makatulong sa kanila at maintindihan ang sitwasyon. I'm already 19 for heaven's sake!
Nang makarating ako sa bahay pagkatapos ng mahabang araw sa school, I went straight to my room. Wala na naman sa bahay sina Mommy at Daddy. Unlike before na palagi ko silang nadadatnan pag-uwi ko galing school. Ngayon, halos madalang na kaming magkita. Tuwing uuwi ako, wala pa sila. Madalas, mag-isa lang ako kung kumain dahil sobrang late na sila kung umuwi. Pag gising ko naman sa umaga, it's either tulog pa sila hanggang makaalis ako ng bahay or nakaalis na sila. What have they been up to? Is it still about the business issue that we're having? Kailan pa kaya matatapos 'to? Kailan pa ba muling magbabalik sa normal ang pamilyang kinagisnan ko?
Hindi ko pa nga pala nakukwento sa inyo ang tungkol sa ate at kuya ko. Both have their own lives now. My Kuya Daven has been living in Australia for five years now. Dun na siya nagtatrabaho bilang Architect. Hindi niya gustong habambuhay na magtrabaho para sa pamilya through the construction firm that my family owns kaya naman, a year after he graduated, naisip niyang mangibang bansa para doon magtrabaho. Total independence ang gusto ng Kuya ko kaya naman iyon ang binigay sa kanya ng mga magulang namin. Aside from the condo and the airfare na ibinigay nila Mommy and Daddy when Kuya flew to Australia, hindi na siya muling humingi ng kahit na ano sa magulang namin. Whatever he has right now, he provided for himself. Umuuwi pa rin naman siya every now and then especially sa mga special occasions like my parents' anniversary or during Christmas or New Year. Hindi rin siya nakakalimot tumawag every week para mangamusta. Kuya Daven is now engaged to a Filipino -Australian nurse na doon rin nakabase and they are getting married next year.
My Ate Cassie naman has been staying in New York for two years now. Tatlong taon lang ang tanda niya sa akin. After she graduated with a degree in Physical Therapy, naisipan niyang mangibang bansa na rin. Mas marami kasi ang opportunity doon given her course not to mention na maraming kamag-anak doon sina Mom and Dad. My parents agreed sa desisyon ni ate na magsolo dahil alam nilang she is responsible enough to take care of herself. At hindi rin naman siya pababayaan ng mga relatives namin dun in case na magka problema siya. She's actually coming home this Christmas at sabi nila Mom, kasama daw ni Ate Cassie ang boyfriend niya na Pinoy din. Mabuti na lang. Baka naman kasi maubusan ako ng English pag Kano ang dinala niya dito sa bahay. :D
Okay, so both my siblings are settled in their own fields. Actually, kung iisipin, kayang-kaya nilang matulungan sina Mom and Dad sa problema nila ngayon. Pamilya nga kami diba? At ang pamilya, dapat nagtutulungan para malampasan ang anuman pinagdadaanan. Ang tanong ngayon na bumabagabag sa akin ay, alam na kaya nila ang nangyayari? Kahit na wag nang sabihin nila Mom and Dad ng diretsahan sa'kin ang tungkol sa problema. Sana naman sabihin nila sa mga kapatid ko. May karapatan silang malaman ang tungkol dito.
Matapos ang mahabang pagmumuni-muni, naisipan kong tawagan si Dino.
"'Zup Dude?" Tanong agad ni Dino ng sagutin niya ang telepono.
"Busy ka ba 'tol? Punta ka naman dito sa bahay. Tambay tayo."
"If you asked me to have a drink at your place, I would've said I have all the time in the world. Pero tambay talaga dude? Anong gagawin natin? Magbibilang ng langgam sa garden niyo?"
BINABASA MO ANG
Fate and Coincidences
Novela JuvenilSi Ysa. Isang ordinaryong mag-aaral. Galing sa isang ordinaryong pamilya at namumuhay kagaya ng isang ordinaryong tao. Adik sa libro. Si Kent. Anak mayaman. Kasama sa varsity team. Matalino. Crush ng bayan. Sa madaling salita, jackpot. Nagkrus ang l...