Kent’s POV.
Hindi ko akalaing makikita ko ulit siya. May social life rin naman pala kahit papano ang babaeng yun. Akala ko talaga bahay at school lang ang alam niyang puntahan. Ang nakakatuwa pa, sa dinami-dami pa naman ng resto sa mall na yun, sa resto pa talaga namin napadpad si Ysa. Pagsinuswerte ka nga naman. J
Pagdating na pagdating ko sa bahay, hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa aking mga labi. Wala lang. Eh sa masaya ako, eh. Kung Makita mo ba naman ang crush mo sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi ka matutuwa? Seeing her from a distance pa nga lang, natutuwa na ako. Yun pa kayang makausap ko siya kahit madalian lang. I had butterflies in my stomach.
“Ang saya yata ng anak ko, ah. Sinagot ka na ba ng nililigawan mo?”
“Oo nga naman anak. Hindi ka na nagkukwento sa’min ng Daddy mo, ah. Nagtatampo na tuloy kami sayo.”
Bigla akong nagulat ng marinig ang boses nila Mommy at Daddy. Inaakbayan ni Dad si Mom habang nanonood sila ng balita sa TV. Nilalanggam na naman ang dalwang ito. Parang mg teenager lang.
“Don’t you think you guys are too old to be nosy about your son’s life?” Biro ko sa kanila habang nilalapitan ko sila to give them a kiss.
“We will never be too old for that son.” My Dad said.
“Yeah right. Akyat na po muna ako ha. I’ll join you guys for dinner later.” I told them while heading upstairs to my room. At hindi parin maalis sa aking mukha ang naipintang ngita ni Ysa. J
Pagdating ko sa room ko, naisipan kong humiga muna. Nakakapagod pa lang maging varsity ng maraming sports. Magkasunod kasi ang practice namin sa basketball at taekwondo kanina. Kaya heto ako ngayon – baldado. Ang sakit pala sa katawan ng mga sports na napili ko. Ngayon ko lang na realize. Hahaha. Sa sobrang pagod, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. I woke up to check who texted me. It’s Dino. Nagyayaya sana siyang uminom dahil wala namang pasok bukas. I guess I’ll pass. I’d rather stay home and sleep. Inaantok pa rin ako. But I need to go downstairs to have dinner. Pero bago yan, magpapalit muna ako ng pambahay. Nakatulog ako ng hindi nagpapalit dahil sa sobrang pagod. Mag-aalasiyete na ng gabi ng makababa ako.
I was still on the staircase when I overheard my parents speaking.
“Malaki ba talaga ang nawala? Ano ba kasi ang nangyari?” Dinig kong tanong ni Mommy kay Daddy.
“Milyon ang nawala hon. Bakit kasi ako nagtiwala sa lalaking yun. Ang inakala kong magandang business venture, yun pa pala ang magpapabagsak sa akin.” Puno nang pag-aalalang sagot ni Dad. Dinig na dinig ko sa boses niya ang labis na panghihinayang.
“Pa’no na ngayon yan? Wala na ba talagang pag-asang mabawi natin kahit kalahati man lang sa nakuha nilang pera?”
“Malabo ng mangyari yun hon. Hayaan mo. Mag-iisip ako ng paraan. Hindi ako papayag na tuluyang bumagsak ang kabuhayang pinagsikapang maipundar at palaguin ng pamilya.”
“We need to tell Kent. Kailangan niyang malaman ang nangyayari ngayon. Afterall, siya naman ang magmamana ng lahat ng ito pag nagkataon.”
“No hon. He doesn’t need to know any of this. At least not yet. Hayaan mo munang makahanap ako ng solusyon bago natin sabihin sa kanya ang lahat. Ayaw kong pati siya ay mamroblema sa gusot na pinasok ko.”
“Okay then. Ikaw ang bahala. Halika na sa dining room. Maya-maya siguro bababa na rin ang anak mo. Baka maabutan pa niya tayo rito.”
I tried to hide myself para hindi nila ako makita at para hindi nila malaman na narinig ko ang lahat. I can’t believe this. My family’s having a problem with the business but they do not want me to be involved. Di, ba pamilya kami? I’ll just do my best not to add to their worries. Maybe I’ll just do better in school. Tsaka yung resto, ako na rin siguro ang bahala dun pansamantala para hindi na rin madagdagan pa ang pag-aalala nila. They don’t need to know that I overheard everything. But I have to do something para kahit papano naman ay makatulong ako.
I headed straight to the dining area na parang walang nangyari.
“Hi Mom and Dad. Sorry. I fell asleep. Medyo napagod lang sa school.”
“No worries anak. We understand. Have a seat. Dinner will be served in a bit. J” My mom said.
“Thanks Mom. So, what are we having for dinner? J”
“Of course, you’re favorite. Bicol express and chicharong tilapia.”
BINABASA MO ANG
Fate and Coincidences
Teen FictionSi Ysa. Isang ordinaryong mag-aaral. Galing sa isang ordinaryong pamilya at namumuhay kagaya ng isang ordinaryong tao. Adik sa libro. Si Kent. Anak mayaman. Kasama sa varsity team. Matalino. Crush ng bayan. Sa madaling salita, jackpot. Nagkrus ang l...