Cuatro -- StrangeGirl

40 1 0
                                    

Ako si Kent Joseph Guevarra. My friends call me Kent. Sabi ng iba, napaka cool ko daw. Varsity player ba naman ako ng hindi lang ng isa, kundi tatlong varsity teams sa school – basketball, taekwondo, at chess. Hindi naman sa pagmamayabang pero, talaga namang magaling ako sa mga iyon. Bata pa kasi ako nag undergo na ako ng tutorial classes for those sports kaya naman nahasa na talaga ako. Well, I cannot blame my parents for being rich. Busog na ako sa pagmamahal, busog pa ako sa luho. Whatever Kent wants, Kent gets.

Pero isang bagay lang talaga ang hindi ko pa nakukuha. Ang puso niya. Nang babaeng hindi naman ka pansin-pansin pero siyang nakakuha ng aking atensiyon. Sa dinami-dami ba naman kasi ng babaeng nagkakandarapa mapansin ko lang, dun pa ako nagkagusto sa taong eskwelahan at bahay lang yata ang alam puntahan. In short, I like a boring girl. Pesteng puso naman kasi ‘to, eh. Ano ba ang nakita niya sa isang  yun na hindi nakikita ng mata ko?

Engineering ang course ko. Pero hindi ako matalino sa Math ha. Nagkataon kasing may construction firm business ang family naming kaya medyo napilitan akong ito ang kunin na kurso. But don’t get me wrong. I like the course rin naman. Nakadagdag pressure lang talaga ang family business. Kung hindi niyo kasi naitatanong eh, pamilya kami ng mga Architect at Engineer. Kung hindi man, something na related sa field na yan. O hindi naman kaya ay nasa linyang medikal o batas. My Dad is an engineer. While my Mom is a well-acclaimed interior decorator. Match made in heaven nga daw sabi ng iba. ;-)

Palagi ko siyang nakikitang mag-isa sa field pag break time. By "siya", I'm referring to the girl I like. Take note: like. Hindi pa love. Kung baga, one step at a time muna tayo. Ang love kasi, hindi naman taxing de-metro na sa bawat metrong inaandar nito tataas ang babayaran mo kaya pipilitin mong magmadaling bumaba. For me, parang alak ang love. The longer the time it takes to ferment the better it tastes, the more value you'll get.

Hindi ko siya kaklase pero nasa isang school lang kami. Halos madalang nga kaming magkasalubong sa daan. And guess what. Hindi ko man lang alam ang kanyang pangalan. Nakakatawa di ba? Pa'no ako nagkagusto sa babaeng yun? Hayaan nyong ikwento ko sa inyo.

Exam week noon. First year college pa lang ako kaya medyo nag-aadjust pa ako sa bagong study habits ko. Noong high school kasi, kahit di ako mag-aral, nakakaya ko namang sagutan ang mga exams. Kaso, alam kong iba na sa buhay college. Kailangan ko talagang magseryoso para hindi ako bumagsak. Happy go lucky nga ako dati. Pero ayaw ko namang manatili sa school more than the 'normal' number of years required for me to finish this course. Gusto kong makatapos on time. Anyway, mabalik tayo sa kwento ko.

So, exam week nga noon. At bilang isang mabuting estudyante, tumambay ako sa library. Este, pumunta ako dun para mag-aral syempre. Bad trip naman kasing mag review sa room namin. Ang iingay kasi ng mga classmate ko. Hindi tuloy ako maka concentrate (naks naman! Model student!). Habang nagbabasa ako ng mga reviewers na pinagpuyatan kong gawin sa bahay, I noticed a girl sitting alone on that study table na nasa pinakadulong bahagi ng library. Madalang ang mga estudyanteng pumwesto doon. Pa'no ba naman kasi, hindi na abot masiyado ang lamig ng aircon sa bahaging yun. Let's face it. Some students just go to the library para matulog sa "cold and cozy" place. Kaya hindi ko talaga maintindihan kung pa'no nakukuhang mag-aral ni StrangeGirl (stranger na babae) sa bahaging yun.

Napako ang tingin ko sa kanya for a couple of minutes. Wala lang. Nancurious lang talaga ako. Bumalik lang ako sa aking ulirat ng tumunog ang bell bilang hudyat ng pagsisimula ng aming kalbaryo. Magsisimula na ang mga exam. Niligpit ko na lang ang aking mga gamit at dali-daling tinungo ang aming examination room.

Fate and CoincidencesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon