Ysa’s POV.
It is almost Christmas break. And I am excited. I’m excited to go book shopping! Last year kasi, When Mama and Papa asked me kung ano ang gusto kong Christmas gift, I told them kung pwede ba na wala na muna akong gift ngayon. Sa susunod na taon na lang. Of course my parents got confused. Sino ba namang tao ang aayaw sa Christmas gift di, ba? Well, it wasn’t really a refusal. ;)
I made a deal with my parents. I told them na for the rest of the year, hindi ako hihingi ng gift sa kanila, regardless kung anong okasyon ang meron. However, this year’s Christmas season, maniningil ako. Hehehe. Hindi sila ganun ka agree sa sinabi ko. They thought I will ask for something so grand that they wouldn’t be able to afford. Pero simple lang naman ang hiniling ko sa kanila – BOOK SHOPPING. They should buy me whatever book I want. Hindi naman siya ganun kadami dahil marami-rami din naman akong nabili out of my savings. Kaya hindi na rin sila lugi dun. And because of my convincing sales talk, they both agreed. J
Bago pa ‘ko ma excite ng sobra, tatapusin ko na muna ‘tong mga paper works na ‘to na sa pagkadami-dami. Kung mag-assign naman kasi ang mga teachers namin, sobra-sobra. Malapit na nga ang bakasyon pero hindi man lang kami binigyan ng time na makapag-chill. Sinagad talaga ang nalalabing araw namin bago kami magpahinga ng pansamantala.
Mag-aapat na oras na ko dito sa library. Mabuti na lang talaga at may WiFi dito kaya hindi ko na kinailangan pang umuwi. Infairness naman. Hindi lang masakit sa mata ang apat na oras sa harap ng monitor. Masakit pa sa likod. At higit sa lahat, hassle sa brain cells. Oh, I love my life!
“Hi Besi!”
Nagulat ako ng bigla na lamang may sumigaw sa likod ko. Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante. At sobrang sama ng tingin sa amin ni Ms. Cruz – ang school librarian na siya yatang author ng salitang badtrip.
“Lou naman! Library ito at hindi plaza. Kahit kalian ka talaga.” Sabi ko kay Lou sa ahlos pabulong nang tinig. Sabay hila sa kanya papunta sa upuang nasa tabi ko.
“Pasensiya naman. Na excite lang akong makita ka. Na miss kasi kita. Mukha kasing wala kang planong lumabas sa library hanggang hindi mo natatapos ang lahat ng reports na yan.”
“Sobra ka naman. Pero sa totoo lang, malapit na rin talaga ‘tong matapos. Gusto ko kasing maipasa ang lahat ng ito bago mag Christmas break para wala na akong iisipin kundi ang bakasyon.”
“Wow naman friend. Ikaw na ang dakilang estudyante. Bakit kasi hindi ka na lang nag nursing. Para naman karamay mo ako sa lahat ng ito.”
“Lou, alam mo naman na wala akong kahilig-hilig sa field na yan di, ba? At isa pa, ilang beses na ba natin ‘tong pinag-usapan. Ikaw ha. Napanis na ang kanin, isusubo mo pa. hahaha.”
“Sa lahat talaga ng pwedeng maging comparison, panis na kanin pa talaga? Hai naku.”
“Kalma ka nga muna diyan Besi. Malapit na talaga ‘tong matapos. Give me 30 minutes. After that, makakauwi na tayo. J”
“Fine! Kung hindi lang talaga kita kaibigan, eh. Dun na lang ako sa Magazines section. Ang isolated naman kasi ng area na ‘to. Ba’t kasi ito ang naging usual spot mo. Text mo na lang ako pag ready to go ka na.”
“Ok friend. Salamat. J”
At muli kong ibinaling sa laptop ang aking mga mata. Ako na talaga ang busy.
After another 30 minutes, natapos ko na rin lahat ng reports ko. I’ll have these printed na lang sa bahay mamaya pag-uwi ko nang maipasa ko na bukas. I shut down my laptop ang closed my eyes for about a minute. Kailangan din namang magpahinga ng mga mata ko. Sa kasamaang palad, hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako.

BINABASA MO ANG
Fate and Coincidences
TeenfikceSi Ysa. Isang ordinaryong mag-aaral. Galing sa isang ordinaryong pamilya at namumuhay kagaya ng isang ordinaryong tao. Adik sa libro. Si Kent. Anak mayaman. Kasama sa varsity team. Matalino. Crush ng bayan. Sa madaling salita, jackpot. Nagkrus ang l...