Trece -- You've Got Mail

29 1 0
                                    

Ysa’s POV.

It’s been two days simula nang i-launch name ang Christmas Cupid. The response was overwhelming. Nakakatuwang makita at mabasa ang sincerity nang karamihan sa mga estudyante. Sa tototo lang, hindi ko talaga inasahan na seseryosohin ito ng marami. Of course I hoped for the best, pero hindi talaga maiwasang maging nega paminsan minsan.

Sa loob ng dalawang araw, sobrang dami ng natanggap naming sulat. Bilang isa sa mga “cupids”, ang gawaing ito ay nangangailangan ng hindi lang maraming oras kundi higit sa lahat, pasensiya at focus. Ikaw ba naman ang magbasa at magscreen ng mga sulat na ito sa buong araw, tingnan natin kung hindi ka mawindang. Not to mention na kailangan mo pang magdeliver. Hai buhay. Ok lang yan Ysa, Ginusto mo yan, eh. Panindigan mo. J

Ang paborito kong pares so far ay yung dalawang seniors galing sa College of Engineering and Architecture. Isinulat nung lalake yung wish niya ng patula. At may special request pa – dapat daw, patula ko talagang ideliver yun. At ako pa talaga ha? Of all the cupids in school. Special request yun ng lalake. Para daw may feelings yung delivery. Pag minamalas, este sinuswerte ka nga naman. Never ko pa ngang nababasa kahit na kanino ang mga tulang isinulat ko tapos ang isang ‘to kung makapag request. Hai. Kung may choice lang talaga ako. Anyhow, so yun, napilitan akong ideliver ang tula sa babaeng gusto niya na nasa kabilang section lang naman nila. Pagkatapos ng aking pagtula hindi lang sa harap ng babae kundi sa harapan ng buong klase nila (at hindi ko talaga alam kung pa’no ko nalampasan ang public humiliation na iyon), bigla na lang sumulpot ang sender sa aking likuran na may dala-dalang boquet of white roses. Simbolo daw iyon ng kanyang malinis na hangarin sa kanyang napupusuan. Nanigurado ang loko. Gusto niya daw marinig mismo sa babae ang sagot nito kaya naisipan niyang gawin yun. And as expected, he scored a date. Ibig sabihin, hindi na nila kailangan pang manalo sa raffle para lang makapag date. A for effort! Siya na ang galante.

Subalit, hindi lahat ng wishes o sulat ay nakapasa sa screening. Mas malinaw pa sa sikat ng araw na nakasulat sa guidelines na hindi namin idedeliver ang mga anonymous letter. I mean seriously? Ano ‘to lokohan? If that person wasn’t man enough to reveal himself, how sure are we na seryoso siya sa mga pinagsasabi niya di, ba? Ayaw naming magsayang ng oras sa taong laro lang ang alam.

1:30 PM. Habang majority ng student body ay nasa canteen o kung nasaan mang kainan malapit man o malayo sa school (dahil wala naman ding pasok) heto ako at sa council office namin at patuloy parin sa pagbabasa ng mga sulat. Mabuti na lang talaga at naisipan ni Mama na pabaunan ako ng clubhouse sandwich kanina. Dahil medyo naparami ang agahan ko bago ako umalis ng bahay, this should be enough for my lunch. Hai, ang dami-dami ng mga sulat na ito. Di ko akalaing masisipag pala ang mga estudyante sa eskwelahang pinasukan ko.

Makalipas ang ilang minutong pagbabasa nahagip ng aking atensyon ang isang sulat na nakapaloob sa isang neon green na envelop. Yung totoo? Neon green talaga? Whoever made this definitely wants to get noticed. And whoever that is, he/she just got the attention he/she wanted.

Walang pag-aalinlangang kinuha ko ang sulat na tila yata nagsususmigaw ang kulay. Nang buksan ko ang envelop, nagulat ako sa kapal ng laman nito. Tatlong pahina ng stationery ang bumulaga sa akin. Karamihan kasi sa mga natatanggap naming sulat, halos hindi pa nga napupuno ang isang pahina. O siya. Eh di ikaw na masipag magsulat. Talaga naman oh. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig. Nagsimula akong magbasa as part of the creening process.

Hi Ysa,

Ysa? Ako ba ang tinutukoy niya? Meron pa bang ibang Ysa sa school na’to maliban sakin? Well, I shouldn’t be surprised. Ang common kaya ng pangalan ko. Huwag assuming Ysa. Okay. Moving on…

Oo, Ysa. Para sa’yo ang sulat na ‘to. Kyla Ysabelle Garcia. Nagulat ka ba? Hindi mo ba inexpect na may hihiling na makasama ka?

Wait. Ako nga! Goodness! Lokohan na naman ba ‘to? Pinagtitripan yata ako ni Lou, ah.

Fate and CoincidencesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon