Kent’s POV.
That entire time na tulog siya, I did nothing else but looked at her. She was like an angel. Actually, more like a baby. Sleeping so calmly. If I could spend the entire day by simply looking at her, I would love to. Noong sinabi sa akin ng bestfriend niya na ako na ang bahala sa kanya, I felt at ease. And in a way, relieved dahil ipinagkatiwala siya sa akin ng kaibigan niya. Lord, ano ba ang nagawa kong mabuti at sobra niyo naman yata akong bini-blessed ng ganito. Ang bait Niyo talaga! Salamat!
Dati, hanggang tingin lang ako sa kanya galing sa malayo. Takaw tingin pa nga para hindi niya ako mahuli. Ngayon, natititigan ko na siya ng malapitan. Natatanaw ko na ang ngiti sa kanyang mga labi habang natutulog na para bang kinikiliti siya ng mga anghel sa kanyang panaginip.
Hanggang sa siya ay bigalang magising.
Thank goodness at pumayag siya na sabayan ko na siya pauwi. I was secretly praying that she will agree. Mabuti naman at umayon sa akin ang tadhana. Ang swerte mo talaga Kent! J
“So Ysa, sa’n ka nga pala umuuwi?”
“Actually, I live about 5 blocks from here. Pwede tayong sumakay ng tricycle papunta dun, but I usually walk home after class. Ikaw, sa’n ka umuuwi?”
“Medyo malayo ang bahay namin dito. Half an hour ride.”
“Ganun ba? You know what, you really don’t have to go with me. Kaya ko naman, eh. For the past years, nasanay na rin naman akong umuwi mag-isa. Minsan lang din kasi kami magkasabay ni Lou.”
“Makulit ka rin noh? Ihahatid na nga kita. End of discussion.” Bigla ko siyang sinimangutan. Pakosensiya effect. *hihihi*
“Ang sungit naman nito. Ang akin lang naman, eh, out of way ka. At baka mas lalo kang gabihin pag inihatid mo pa ako. You know you’re not obliged to do that, right?”
“Actually, I am. Ipinagbilin ka nga sa akin ng bestfriend mo, di, ba?”
“Sabi ko nga eh. So, let’s go?”
At nagsimula na kaming maglakad. Base sa calculation ko (naks naman! Ginamitan ng Math! J ), medyo malayo din ang five blocks ha. Ang sipag naman yatang maglakad ng babaeng ito. Not to mention na ang tapang pa ha. Pa’no niya nakukuhang maglakad pauwi ng mag-isa lalo na pag gabi? Ibang klase talaga.
“Alam mo, baka bumaho na yang bibig mo pagdating natin sa’min. Baka mapanis laway mo sa kakatahimik diyan. Uso magsalita ha. Sakaling hindi mo alam. J”
Basag niya sa katahimikang nakapagitan sa aming dalawa habang naglalakad.
“May kadaldalan ka rin palang itinatago ha. Akala ko loner ka.”
“Loner? Bakit mo naman nasabi yun?”
“Bakit kasi sa dinami-dami ng pwesto sa library, dun ka pa sa pinakasulok pumwesto? Napaka isolated kaya ng area nay yun.”
“Pag nasa isolated na area ang isang tao, loner na kaagad? Gusto ko lang talaga ng katahimikan kapag nag-aaral. I don’t want to be in those areas sa library na pinakakumporatble dahil sure ako na dun pinakamarami ang tao. Hindi para mag-aral kundi para matulog. Ayaw kong mainis kaya umiiwas na lang ako. Saving myself from stress.”
“Kaya pala napaka loyal mo dun sa pwesto mo.”
“Hindi naman masiyado. Wala lang talaga akong choice.”
At nginitian niya ako. My God! She smiled at ME! Yes, para sa akin ang mga ngiting yun. Ang saya ko! Pwede na akong mamatay bukas! Hahaha. (Ay, joke lang po yun Lord ha. Wag niyo muna akong kukunin. Hindi pa kami ikinakasal ni StrangeGirl ko. Kaya wag muna ha. :D )
“Siya nga pala Ysa, nasa isang school lang pala tayo. Akalain mo yun? Never pa tayong nagkabanggaan sa school pero sa labas, ilang beses na. What a coincidence di, ba?”
“Oo nga, eh. Such a coincidence indeed.”
“Pero nakakatuwa rin. Akalain mong sa pagkalawak-lawak ng mundo, sa kabila ng milyon-milyong tao, tayong dalawa ang pinagtagpo. Parang destiny. J”
At bigla niya akong hinampas sa balikat. Ang sweet talag ng StrangeGirl ko. J
“Destiny ka diyan. Coincidence nga diba? Ibig sabihin nagkataon lang.”
“Okay, sabi mo, eh. Siya nga pala. Maiba ako. Ano bang course mo? Mukha kasing napagod ka talaga kanina kaya naka idlip ka.”
“Accountancy. Second Year na ako kaya marami ng major subjects. Bugbugan pa sa projects ngayon kasi malapit na ang Christmas break. Ikaw? What are you taking?”
“Engineering. I’m on my 3rd year.”
“Nice. Malapi ka na sa finish line. Pero bakit parang chill-chill ka lang yata? Ikaw lang ang 3rd year na kilala ko na mukhang hindi busy.”
“Let’s just say, gamay ko na ang field ko kaya everything seems to be easy for me.”
“Taas ng self confidence, ah. Ibang klase! Hawakan mo nga ako. Baka bigla akong tangayin ng malakas na hangin dito.”
At nagtawanan kaming dalawa. She’s so easy to talk to. Ang bilis naman palang makaganan ng loob ni Ysa. I thought she’s a snob. Thank goodness, she’s not. At patuloy pa kaming nagkwentuhan hanggang sa makarating kami sa harap ng gate nila. Mga 6:30 PM na rin yun.
“Here we are. Gusto mong pumasok muna?” Tanong niya sa akin habang nagdo-doorbell.
“Wag na lang, baka kasi kung ano pa ang isipin ng parents mo.”
“Hindi naman makitid ang utak ng magulang ko, noh. Wag ka ngang mag over-think diyan.”
And the gate opened. Lumabas ang isang lalaki na nasa mga late 40s siguro. He has a good built. At mukahang kagalang-galang at seryoso.
“Hi ‘Pa. Good evening po. Sorry to come home late. May tinapos lang kasi akong papers sa school.” Bati ni Ysa sabay mano.
“No need to explain anak. Alam naman namin ng Mama mo na busy ka pag ganitong malapit na ang break nyo. Tsaka dumaan si Lou dito kanina para sabihing male-late ka ng uwi.”
“I see. Thanks Pa. By the way Pa, this is Kent. Schoolmate ko po. Sinabayan niya lang ako pauwi.”
“Pleasure to meet you young man. Thank you for bringing my daughter home safely.”
“Nice to meet you Sir. And the pleasure’s mine. Pa’no po, mauna na ako. Inihatid ko lang po si Ysa. Ysa, I’ll go ahead.”
“Sigurado kang ayaw mo munang pumasok? Kahit mag juice ka man lang muna.”
“Next time na lang sigurado. Hinahanap na rin kasi ako sa bahay. My Mom’s been texting me for several times already. J”
“Okay. So, pa’no, ingat ka sa pag-uwi ha. Salamat ulit sa paghatid at sa pagdadala ng mga gamit ko. I owe you one. J”
“No problem Ysabelle. I’ll go ahead. See you in school.” Sabay baling ko sa Papa niya.
“Sir, una na po ako.”
“Sige hijo. Mag-ingat ka. Salamat ulit.”
“Don’t mention it po. Sige, bye.”
“Bye. Ingat ka. Thanks again. J”
And I left. I still have to go back sa school dahil naiwan ko dun ang kotse ko. I preferred to walk Ysabelle home para mas matagal ko pa siyang makasama at makakwentuhan. Sa aking paglalakad, baon-baon ko ang paalala ni Ysa na mag-ingat ako at ang kanyang mga ngiting nagpapahiwatig ng pasasalamat.
Bigla akong natalisod ng hindi ko napansin ang malaking batong nasa daanan ko. Saan naman kaya nanggaling ang batong yun? Wala naman yan dun kanina, ah. Haiz… Panira ng moment.
Anyway, uuwi akong masaya ngayon. Panandalian kong nakalimutan ang problema ng pamilya namin. Muli ko naman itong haharapin pag-uwi ko ng bahay. Pero for the mean time, I will savor this moment I had with my girl (unofficially). And once again, I remembered. She smiled at me. Just for me. J
BINABASA MO ANG
Fate and Coincidences
Novela JuvenilSi Ysa. Isang ordinaryong mag-aaral. Galing sa isang ordinaryong pamilya at namumuhay kagaya ng isang ordinaryong tao. Adik sa libro. Si Kent. Anak mayaman. Kasama sa varsity team. Matalino. Crush ng bayan. Sa madaling salita, jackpot. Nagkrus ang l...