Dos -- Weekend

35 1 0
                                    

Hai salamat! Hindi ako na late. I arrived in my class right on the dot. Tinakbo ko ba naman galing karinderya papunta sa school. Hinihingal pa ako pag dating ko sa room. Buti na lang talaga my habit ring magpaka late yung teacher namin sa Trigo. A blessing in disguise indeed.

Natapos ang buong hapon ko ng matiwasay. Wala kasi kaming exam or quiz the entire afternoon so all my classes went smoothly. The moment na tumunog yung bell bilang signal ng pag-end ng aming last period, pwede na akong magbunyi. HELLO WEEKEND!

Favorite ko talaga ang weekend. Not only do I get to spend it with my family, but most importantly, I get to have some alone time with myself. Ay teka, bakit ako nag-i-English? Pasensiya naman po. Basta ‘yun. May mga bagay kasi akong hindi magawa pag school days kasi kailangan kong mag focus sa studies ko. Kaya pag weekend, sinisigurado ko na kahit papano ay magawa ko naman ang mga bagay na gustung-gusto ko talagang gawin. Tulad na lamang ngayon weekend.

“Ysa anak, anong oras na. Wala ka pa bang planong bumangon?”

Tawag ni Mama habang kumakatok sa kwarto ko.

“’Maya na ‘Ma.” Sagot ko while flipping the page of The Fault In Our Stars ni John Green. The book that I’m currently reading.

Sabado ngayon. 10 AM na at hindi pa rin ako lumalabas ng kuwarto. Ang totoo, kanina pa ko gising. Mga 8AM yata ‘yun. Kaso gusto ko talagang matapos ang librong ‘to bago mag Monday. Mahigit kalahati na rin ang nababasa ko. Natulog ba naman ako ng 2AM. I got too hooked with the story that I don’t even want to put the book down.

Makalipas ang isa pang oras, naisipan ko ng bumaba. Nagrereklamo na kasi ang tiyan ko.

“Kakagising mo lang?”

Tanong ni Papa ng makita niya kong pababa ng hagdan. Nanonood siya nga baskeball sa TV.

“Kanina pa ako gising Pa. Nagbasa pa kasi ako. Hindi ko napansin yung oras.”

“I see. Sige, kumain ka na.”

“Okay po. Si Mama?”

“Ah, umalis. May kailangan daw bilhin para sa opisina.”

“Si Mama talaga. Weekend na weekend, opisina parin ang iniisip.”

“Hayaan mo na ‘nak. Alam mo namang hindi mapakali ‘yun pag hindi niya naaayos ang mga dapat ayusin.”

Dumiretso na lang ako sa kusina para kumuha ng makakain. Pagkatapos kong kumain, nagpahinga lang ako sandali para maglaba. Ako kasi ang naglalaba ng sarili kong gamit. Never kaming nagkaroon nga katulong sa bahay. Maliban kasi sa dagdag gastos lang ‘yun, ayaw ng magulang ko na masanay ako sa luho. Gusto pareho nina Mama at Papa na matuto ako ng lahat ng gawaing bahay.

Pagsapit ng Linggo, we started our day by going to church. Sunday is a family day talaga and my parents always make sure na kahit anong mangyari, dapat makapag simba at maka lunch kami together kahit gaano pa sila ka busy. ‘Nung hapong yun, naisipan kong pumunta sa bookstore. Natapos ko na kasi ang TFIOS. Sobrang nagustuhan ko si John Green kaya na isip kong bumili ng iba pang libro niya. Hindi niyo kasi na itatanong eh, may pagka adik ako sa libro. Kung may savings man ako, ito lang talaga ang napupuntahan. :D

Fate and CoincidencesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon