Seis -- Coincidence No More

22 0 0
                                    

“Did you know that people who meet at least three different times within twenty-four hour period are ninety-eight percent more likely to meet again?”

― Jennifer E. Smith, The Statistical Probability of Love at First Sight

Ysa’s POV.

            Hai, ang bilis naman ng mga araw. Parang kahapon lang ang weekend, ah. Bukas Friday na naman.  Wala daw pasok sabi ng mga teachers because of the local holiday. Ang saya nito. Long weekend!

Kinuha ko ang cellphone ko habang nakahilata sa kama. Kakauwi ko lang galling school. It’s only 4PM. Maaga kasi kaming pinauwi ng professor namin.

            Hi Lou. Busy ka ba ngayon?

            I texted my bestfriend na halos kapitbahay lang naman namin. Her full name is Louise, but I fondly call her Lou. Tinatamad lang talaga akong lumabas para tawagin siya. Pero yayayain ko siyang mag mall. Maaga pa naman kasi.

            Hello Ysa. Actually, I just got home. Wazzup?

I’m bored. Wanna go to the mall? Punta tayo ng bookstore. J

Bookstore na naman? Di ba nung weekend ka lang bumili ng libro? Don’t tell me may gusto ka na namang bilhin?

Actually, wala pa naman akong plan bilhin. Pero malay natin, may matipuhan ako. :D

Kahit kalian ka talaga. O siya. Sasamahan na kita. Wala rin naman akong gagawin kasi wala namang class bukas. Bihis lang ako. See you in 20 mins.?

See ya!

Nagpalit ako ng damit panlakad at hinintay ang text ni Lou. After 15 minutes, nasa labas na ako ng bahay namin at di nagtagal, nakita ko na rin si Lou na lumabas sa gate nila.

“So, taxi na lang tayo papuntang mall?” Tanong ko kay Lou. Umaandar na naman kasi ang katamaran ko.

“Ok. Basta ba ikaw ang magbabayad, eh. Baka makalimutan mong ikaw ang nagyaya J”

“Fine. Kahit kalian ka talaga. Tara na nga.”

Wala pang limang minuto ang nakalipas, nakasakay na kaagad kami ng taxi papuntang mall.

Habang nasa mall, naisipan muna naming mag-ikot-ikot ni Lou. She suggested that we roam around first before going sa bookstore. Alam kasi niya na I could spend hours in there just browsing and looking for books. Wala pa namang tiyaga sa paghihintay ang kaibigan kong to.

“Hey Ysa. Let’s have dinner na lang before umuwi mamaya ha. Si Manang kasi, fried chicken na naman ang nilutong ulam. Nakakasawa na. Hindi naman ako bata.”

“Ikaw talaga Lou. Pasalamat ka nga at may kinakain ka pa.”

“Hindi naman sa nagrereklamo ako. Alam mo namang hindi ako maselan sa pagkain di, ba? Kaya lang, 3x a week kami kung mag fried chicken. Mas mabuti pa nga sanang bagoong na lang o di naman kaya ay tuyo ang ipaulam niya sa akin instead of chicken.”

Solong anak kasi si Lou. Both her parents are abroad for business. Siya at ang kanyang yaya lang ang tanging naiwan sa malaki nilang bahay. Kaya siguro parang kapatid na rin ang turingan namin. Pareho kasi kaming solong anak. We found company with each other.

“Okay, okay. Dahil sinamahan mo naman ako dito, I’ll treat for dinner. At bilang konswelo na rin, wag na tayong dumaan ng bookstore. Next time na lang. Medyo pagabi na rin naman kasi.”

Fate and CoincidencesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon