Ysa’s POV.
Sa wakas! Natapos na rin ang university Christmas Party. And as expected, everyone who participated in the Christmas Cupid was there para sa highlight – the drawing of the winners na mananalo several sets of dinner for two sa isang kilalang restaurant. It was a fun-filled night. Well, isang nakakapagod na gabi para sa akin bilang head ng committee.
Dahil sa halos madaling araw na rin ng matapos ang paglilinis namin sa grandstand, napilitan akong magpasundo kay Papa. I don’t usually do that in a daily basis kasi nga malapit lang naman ang bahay namin sa school. Kaso, madaling araw na at sobrang pagod na rin ako para maglakad. Wala na rin akong makakasabay pag-uwi dahil halos wala ng tao sa school ng umalis ako. Pinauna ko na rin kasing umuwi si Lou dahil alam kong sobrang pagod na rin siya.
So here I am now. Lying on my bed looking blankly at the letter I received days ago. Hanggang ngayon, wala parin talaga akong maisip kung sino nga ba itong Mr. Anonymous na ito. Maliban sa isang tao…
Siya lang ang natatanging lalaking nagpakita ng konting interes sa’kin. Of the hundreds of people in this school, siya lang ang ang natatanging tao na nakapansin sa pagiging loyal ko sa inuupuan kong pwesto sa library. Well, aside from Lou of course. Siya lang din ang natatanging lalaki na nagkaroon ng lakas ng loob na lumapit sa akin at kausapin ako. At ang pinakaunang lalaki na naghatid sa akin sa bahay. It wasn’t a very usual act for guys nowadays. At least not for me. Siya nga kaya?
So, what now? Pupunta ba ako mamaya? Yes, mamaya. Afterall, it’s already past my bedtime. At magmamadaling araw na rin. Ilang oras na lang sisikat na si haring araw. Sobrang pagod nga ako at kailangan ko na talagang magpahinga. Pero hindi naman ako makatulog at hindi ko talaga maalis sa isip ko ang tungkol sa “date” na ito mamayang gabi. Hai. Ganito ba talaga kahirap magdesisyon. Lou spoke to me about a number of dates she’s been with. Seems like she forgot to mention kung ga’no kahirap mag-isip kung pupunta ka ba talaga o hindi. Mas lalo itong naging mahirap para sa akin sa kadahilanang hindi ko alam kung sino ang kikitain ko.
Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan. I never thought that thinking about a date can be so toxic that it can just lull you to sleep.
Mag-aalas dos na nang hapon ng magising ako. Wow! At hindi man lang talaga ako ginising nila Mama at Papa. Ibig sabihin, nakapagpahinga nga ako ng maayos pero hindi naman ako nakakain ng isang buong araw. My last meal was during our mabilisang lunch kahapon before the event started. Now I am seriously starving. Makababa na nga.
Nadatnan ko sina Mama at Papa sa sala. Dahil nga weekend, naisipan ng mga magulang ko na manood ng movie. And what’s they’re all-time favorite? Titanic. Yep, that’s right. They have watched it for the nth time that I even lost track. Kaya wag kayong mabibigla kung isang araw ay marinig niyo akong nag momonologue ng mga linya nina Jack at Rose. Halos memorize ko na rin kasi ang mga iyon dahil sad alas ng panonood ng mga magulang ko.
“Hi Mama. ‘Pa. Good afternoon po.”
Sabi ko while I kissed them on the cheeks.
“Hello anak. Mabuti naman at naisipan mo ng bumaba. Gutom ka na ba?”
“Yes ‘Ma. Nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan, eh. Ba’t di niyo man lang ako ginising?”
“Ginising ka kaya ng Papa mo kanina. Ilang beses nga siyang kumatok sa kuwarto mo pero hindi ka sumasagot. We guessed that maybe, tulog mantika ka nanaman dahil sa pagod from your event last night. Kaya we didn’t bother waking you up na lang. Weekend naman, eh. Tsaka start na ng Christmas break nyo, right? You better catch up with your sleep. J”
This is what I love most about my parents. They are very understanding at wala silang naging negative na opinion sa mga extra curricular activities ko sa school kahit na madalas gabi na o madaling araw na akong umuwi pag may event kami. Alam naman kasi nila that it is something that I love to do. And they know me too well and trust me enough to know na hindi naman ako papasok sa isang bagay na hindi ko kakayanin at kung ikakasama ko lang ito. At alam din nila na priority ko parin ang studies ko despite being a student leader and I will never put my grades at stake. Maybe they are just numbers for some. But let’s face it. ‘Pag bagong graduate ka, numbers matter.

BINABASA MO ANG
Fate and Coincidences
Teen FictionSi Ysa. Isang ordinaryong mag-aaral. Galing sa isang ordinaryong pamilya at namumuhay kagaya ng isang ordinaryong tao. Adik sa libro. Si Kent. Anak mayaman. Kasama sa varsity team. Matalino. Crush ng bayan. Sa madaling salita, jackpot. Nagkrus ang l...