Natapos ang lahat ng exams ko ng maayos. Sa awa ng Diyos, naipasa ko naman ang lahat ng subjects ko. Ilang lingo na ang lumipas. Naging suki na ako ng library. Hindi para mag-aral kundi para mag people-watching. Ang saya kaya nun. Tsaka, why would I do it sa field na sobrang init. Buti pa library, air conditioned.
"Uy ddude! Napapadalas yata ang punta mo sa library ha. Don't tell me pinupormahan mo ang isa sa mga working students dito?"
Tanong ni Dino. Dino Jake Evangelistaang buo niyang pangalan. Siya ang best friend ko. Best friend sa kalokohan, kabulastugan, katarantaduhan, at kung anu-ano pang ka****han na maisip niyo. Pero pwera biro, best friend ko talaga siya ever since I could remember. Tarantado man siya sa inyong paningin, mabuti naman siyang kaibigan sa akin (naks naman! Rhyme!).
"Ulol! Pag nasa llibrary, pumuporma na agad? Hindi ba pwedeng nagpapa AC lang?"
"Para naman kasing hindi kita kilala. Sa sobra isang dekada na nating pagkakaibigan, alam ko na ang ligaw ng bituka mo. Kahit nga schedule ng pag utot mo, pag dighay, at pagbahing mo alam na alam ko na. Hahaha."
*pak (SFX ng batok. Pasensiya na. Wala ng maisip ang author, eh...hihihi)
"Aray naman! Ang sakit ha. Para saan naman yun Kent?!"
"Para yun sa mga kalokohang pumapasok diyan sa isip mo. Kahit kailan ka talaga Dino. Umayos ka nga. Kaya walang babae ang nagtatagal sayo, eh."
"Nagsalita ang may girlfriend."
Napabuntong-hininga na lang ako. Kung alam lang talaga ng lokong to ang dahilan. Tumahimik na lang ako at muling ibinaling ang aking tingin kay StrangeGirl .
Yes, she is still in her usual spot. Ibang klase din ang babaeng to, ah. Loyal lang ang peg? Kung loyal siya sa upuan at mesa, sa relasyon kaya, loyal din siya?
Ay, ano ba 'tong pinag-iisip ko. Erase-erase.
"Hoy Kent! Kanina ka pa tulala diyan, ah. Ano ba yang tinitingnan mo dyan?"
Usal ni Dino. Wala talagang planong tumahimik ang isang 'to."
"Dude, nasa library tayo silence please. May mga nag-aaral oh."
Hindi ko namalayang sinundan pala ni Dino ng tingin ang direksyon kung saan kanina pang nakapako ang aking mga mata.
"Goodness dude! Why do have eyes for that nerd? Seriously?!"
"What on earth are you talking about?" Nagtataka kong tanong.
"That girl you are looking at is the top student of her class. Hindi naman siya loner. May mga kaibigan naman siya kahit papano. At mas lalong hindi siya weak. Ang tapang kaya niyan. Nerd pero walang kayang mangbully sa kanya dito sa school kasi lumalaban siya."
Natameme ako. Bakit ang daming alam ni Dino tungkol sa StrangeGirl ko? (StrangeGirl “mo” talaga Kent? Pagmamay-ari mo?...LOL). Tapos ako ni hindi ko man lang narinig ang tungkol sa mga pinagsasabi niya.
"Ba't ang dami mong alam tungkol sa kanya?"
"Hindi naman. Naikwento lang sa akin ni Sophia ang mga iyon.'
"Sinong Sophia naman yan?"
"Ah. Siya yung naka date ko last week. Kaklase niya kasi yang nerd yan. Accountancy ang course niya. Why? You wanna know her? Type mo?"
*pak...* At muli ko siyang binatukan.
"Puro ka talaga kalokohan. I'm not interested in her. Let's say I'm just... Curious."
"Pare talaga. Pero dude, if you wanna know her name, sa labas tayo maglunch mamaya. Treat mo." Sabay bungisngis ni Dino.
"Basta sa libre talaga, ibang klase ang bilis mo. Ano naman ang connection ng name niya sa lunch natin?"
"Madalas daw dun siya sa karinderya ni Ate Myrna naglalunch. Dun tayo kumain mamaya."
"Saan naman yan? At tsaka, malinis ba dyan?"
"Oo naman tol. Kapatid ng kasambahay namin si Ate Myrna. Minsan na rin siya naging cook sa bahay kaya alam kong malinis siya sa sarili sa sa ginagawa niya. Masarap din siyang magluto. Diyan lang sa tapat ng school ang pwesto niya."
"Oh siya sige. Dun tayo mamaya. See you after class."
"Hindi daw interesado ha. pasimple pa, eh. :-D "
"Ewan ko sayo. Tara na nga. Baka ma late pa tayo."
BINABASA MO ANG
Fate and Coincidences
Novela JuvenilSi Ysa. Isang ordinaryong mag-aaral. Galing sa isang ordinaryong pamilya at namumuhay kagaya ng isang ordinaryong tao. Adik sa libro. Si Kent. Anak mayaman. Kasama sa varsity team. Matalino. Crush ng bayan. Sa madaling salita, jackpot. Nagkrus ang l...