Part 12

41.5K 1K 33
                                    


HINDI alam ni Charlie kung gaano katagal na siyang nakatitig sa kanyang cell phone habang ang isang kamay ay nakahawak sa baso ng alak na kanina pa in-order pero hindi pa rin nagagalaw. Niyaya siya ni Jay sa club na madalas nilang puntahan noong madali pang yayain si Ross. Mula kasi nang magkaroon ng girlfriend ang kaibigan nilang iyon ay mahirap nang papuntahin doon. Palibhasa, maraming atraso sa mga babae. Subalit nang gabing iyon ay napapayag ni Jay si Ross na sumama kaya napasama na rin si Charlie. Kahit sa totoo lang ay wala siya sa mood.

Nagtatalo ang kanyang loob kung tatawagan ba niya si Jane o hindi. Mag-iisang linggo na kasi mula noong manood sila ng play sa Resorts World. It was his turn to ask her out on a date. Pero wala siyang ideya kung ano ang gagawin o kung saan niya dadalhin ang dalaga. Higit sa lahat, hindi niya alam kung paano haharapin si Jane matapos ang nalaman niya nang gabing iyon. Na matagal na itong may pagtingin sa kanya. Even back in high school. And she was now... what? Thirty-one? Ganoon na katagal pero ni isang beses ay wala siyang natandaang gumawa ng paraan ang dalaga upang mapalapit sa kanya. Hindi katulad ng ibang babae na unang kita pa lang sa kanya ay parang gusto na siyang hatakin sa kung saan.

And that thought brought a strange warmth to his heart. It made him want to do something for her. At iyon ang mas nakagulat kay Charlie kaysa sa inamin ni Jane—ang init na naramdaman niya sa dibdib, ang kagustuhang may gawin para sa dalaga. Pakiramdam niya ay lumilihis siya sa daang napagdesisyunan nang tahakin mula nang maging fiancée niya si Jane. Hindi iyon puwede.

"Charlie, tawagan mo na ang gusto mong tawagan bago pa matunaw sa titig mo ang cell phone mo," biglang sabi ni Ross na katabi niyang nakaupo sa sofa sa VIP lounge ng club. Jay was nowhere to be found. He must be flirting with the women somewhere.

Humugot ng malalim na hininga si Charlie, ibinaba ang baso sa mesa, at sumandal sa malambot na backrest ng kanilang inuupuan. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. I don't know where to take her. Hindi ko alam kung—" Hindi niya maituloy ang nais sabihin. Nararamdaman niya ang pagtitig ni Ross pero hindi siya lumilingon.

"Hindi mo alam kung gusto mo pa ring ituloy ang plano mong pasakitan siya para umatras sa kasal. Iyan ang iniisip mo, hindi ba?" mayamaya ay sabi ni Ross.

Tumiim ang mga bagang ni Charlie at inis na bumaling sa kaibigan. "Hindi," mariing tanggi niya.

Ang magaling na lalaki ay mukhang na-amuse pa. "You like her, that girlfriend of yours. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagmamatigas ka nang ganyan, Charlie."

"Sinabi ko na sa inyo kung bakit," naiinis pa ring sagot niya.

"Yes, but I think that was all bullshit. If you want her, then go and have her. Kung ang paraan para makuha siya ay ang pakasalan siya, then marry her. Gano'n lang iyon kasimple. Maniwala ka sa akin dahil base 'yan sa karanasan ko. And look at me now," nakangising sabi ni Ross.

"Irritating, that's what you are now," sikmat ni Charlie na tinawanan lang ng kaibigan.

Noon niya nakita si Jay na pabalik na sa kanilang puwesto at may karay-karay na tatlong babae. Ngising-ngisi ang lalaki. "Hey, Charlie, may gustong makipagkilala sa 'yo," sabi pa nito at itinuro ang dalawang babaeng kasama.

Sa totoo lang, hindi interesado si Charlie. Wala siya sa mood na makipag-usap sa kung sino-sinong babae. Pero hinayaan na lang niyang umupo sa magkabilang tabi niya ang dalawang babae dahil mukhang kaibigan ang mga ito ng babaeng kumuha ng interes ni Jay. Rule na nila iyong magkakaibigan noon pa. Kapag may isa sa kanila ang interesado sa isang babae, ang iba sa kanila ay bahala na sa mga kaibigan ng babaeng iyon. At dahil hindi na sumasali sa ganoon si Ross kaya siya ang kailangang mag-entertain sa dalawang babae.

Bachelor's Pad series book 3: PLAIN JANE'S MR. ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon