MAGANDA ang ambiance ng restaurant na pinuntahan nina Jane at Charlie. Magkakalayo ang mga mesa para sa privacy at may pumapailanlang na classical music. Sa gitna ay may dance floor at may ilang parehang nagsasayaw roon nang pumasok sila. It was the perfect place for a romantic date. At mukhang suki sa lugar na iyon si Charlie dahil kilala na ito ng waiter na nag-assist sa kanila.
Ayaw nang isipin ni Jane kung bakit kilala na si Charlie sa restaurant dahil may pakiramdam siyang hindi niya magugustuhan ang dahilan. After all, nasa hotel sila at hindi itinago sa kanya ng binata kung ano ang lifestyle nito sa mga nakaraang taon. Kaya wala siyang balak magkomento tungkol sa familiarity ni Charlie sa lugar.
Subalit mukhang napansin ng binata ang iniisip niya dahil nang umalis ang waiter matapos kunin ang kanilang order ay hinuli nito ang tingin niya. "It's all in the past, Jane."
Nag-init ang kanyang mukha at tumikhim. "Alam ko. Wala naman akong sinasabi, ah?"
Hindi pinakawalan ni Charlie ang kanyang tingin at seryosong nagsalita. "Let's make one thing clear. As long as I am going out with you, I am not going to entertain anyone else. Tandaan mo 'yan."
May init na humaplos sa puso ni Jane. Ano ngayon kung may expiration date pa rin ang sinabi ni Charlie? Sa tingin naman niya, mas malapit na sila sa isa't isa ngayon kaysa noong una. Higit sa lahat, nararamdaman niya na mas mabait at malambing na sa kanya ang binata in his own way. Sa ngayon, sapat na iyon para sa kanya.
Nginitian niya si Charlie. "Tatandaan ko 'yan."
Ilang sandaling namayani ang katahimikan bago bahagyang umangat ang mga kilay ni Charlie. "So? Wala ka bang sasabihin?"
Nagtatakang ipinilig ni Jane ang ulo. "Ano'ng sasabihin ko?"
"That like me, you're not going to entertain anyone alse while we're dating?"
Natawa siya at naitirik ang mga mata. "As if."
Kumunot ang noo ng binata. "As if what?"
Natatawa pa ring tiningnan niya ito. "As if may ia-accommodate akong iba. Walang nagpapakita ng interes sa akin. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Farah kanina? She called me 'plain Jane.' Iyon ang totoo. Mula noon hanggang ngayon, hindi ako ang tipo ng babaeng pag-iinteresan ng isang lalaki. Kaya kahit hindi ako mangako sa 'yo, wala namang pagkakaiba."
Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Charlie na parang nainis. "Why are you laughing? Hindi ko gusto ang pagkakasabi niya n'on. Kung hindi nagpapakita ng interes sa 'yo ang mga lalaki, sila ang may problema at hindi ikaw."
Nabagbag ang damdamin ni Jane at naging mainit ang ngiti. "Charlie, it's okay. Hindi ko na lang masyadong pinapansin si Farah. Hindi ako apektado, pangako."
Napabuntong-hininga ang binata. "It's the worst wedding I've ever attended."
Umangat ang isang kilay niya. "May nadaluhan ka na bang kasal dati?"
"No. This is the first. And the worst. I am sure of it."
Natawa si Jane. Napagtanto niya na kahit madalas ay seryoso at pulos trabaho ang nasa isip ni Charlie, may sense of humor din ito. She was having so much fun getting to know him. At nang makita niyang nawala na ang inis sa mukha ng binata at ngumiti na rin habang nakatingin sa kanya, hindi naiwasan ni Jane ang makaramdam ng pag-asa na pareho sila ng nararamdaman. Maybe he was having fun getting to know her, too.
Dumating ang mga order nilang pagkain at magana silang kumain. Ubos na nila ang pagkain at sumisimsim na lamang ng wine nang maalala ni Jane ang naging reaksiyon ni Charlie nang makita ang mga dating kamag-aral nito. "Charlie, parang hindi kayo okay ng mga kaklase mo dati. They looked so amazed to see you pero pakiramdam ko, may kakaiba sa likod ng paghanga nila sa 'yo," komento niya.
Natigilan si Charlie at tila nagdalawang-isip bago nagsalita. "Hindi ako malapit sa kahit na sino sa kanila. Dati ay iniidolo nila ako, hinahangaan, nilalapitan para sa halos lahat ng bagay, and I tried to accommodate them, smile at them, agree to everything they requested. Kahit alam ko na sumosobra na sila at sinasamantala na nila ako. Dahil palagi, kapag tumanggi ako ay makakarinig ako na mayaman naman daw ako at nakukuha ko ang lahat ng gusto ko kaya bakit ako nagdadamot? They acted friendly because they thought they would become popular if they hung out with me. And then, they stabbed me in the back and called me names in secret. Lahat sila ay ganoon.
"Hanggang mapagod na ako at magdesisyong hindi sila pansinin lahat. It was my last year of high school then. Naging usap-usapan ako sa campus dahil bigla raw akong nagbago. Kahit ang mga teacher, ipinatawag pa ako para tanungin kung ano ang nangyayari sa akin. But I didn't give a damn. Natutunan ko noon pa man na lahat ng tao ay may motibo sa paglapit sa isang tao. At kahit gawan mo sila ng mabuti, may masasabi pa rin silang hindi maganda sa 'yo at handa kang traidurin kapag nalingat ka. I didn't want to feel the same disappointment ever again. So I kept everyone from getting close to me. It suited me just fine," pag-amin ni Charlie.
Parang may kumurot sa puso ni Jane sa mga sinabi ng binata. Biglang naging malinaw sa kanya kung bakit hindi basta-basta nagiging malapit sa iba si Charlie. Kung bakit ayaw nitong binubuksan ang sarili sa iba. May hindi ito magandang karanasan.
"Sa tingin mo pa rin ba, palaging may motibo ang mga tao sa paglapit sa 'yo?" maingat na tanong niya.
Nagkibit-balikat si Charlie. "Ngayon, alam ko na hindi lahat ay gano'n. I have friends now. At kasundo ko rin ang mga residente sa building kung saan ako nakatira."
Ngumiti si Jane. "That's good to hear."
Gumanti ng ngiti si Charlie. "Yes, it is."
Matagal na nagkatitigan lamang sila. Hanggang ang kislap ng amusement sa mga mata ni Charlie ay unti-unting nawala at napalitan ng mas seryosong ekspresyon. Uminit ang pakiramdam ni Jane dahil pamilyar na sa kanya ang tingin na iyon ng binata. Dahil doon, wala sa loob na nabasa niya ng dila ang kanyang mga labi. Nang bumaba roon ang tingin ni Charlie ay bumilis ang tibok ng kanyang puso.
"Charlie, bakit ba ganyan ka makatingin?" kinakabahang usal ni Jane.
Umangat ang tingin ng binata at nagtama ang kanilang mga mata. "Paano ako tumingin?" tanong nito sa mas mababang tono. Tila humagod iyon sa kanyang likod at wala sa loob na napaderetso siya ng upo.
"Like... like you want to kiss me," bulong niya.
Nang umangat ang gilid ng mga labi ni Charlie ay nahigit niya ang hininga. It was a sexy smile, full of sensual promise that made her stomach flutter. "Dahil iyon mismo ang gusto kong gawin, my sweet Jane."
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 3: PLAIN JANE'S MR. ARROGANT
RomanceBuong buhay ni Jane passive siyang tao. Plain hindi lang ang hitsura niya kung hindi pati ang personalidad niya. Kaya naman kahit kailan hindi siya umasa na mapapalapit siya kay Charlie Mariano, her puppy love, her first love and her one true love...