Part 31

46.4K 1K 36
                                    

BUONG buhay ni Jane ay hindi pa siya nakaramdam ng ganoong pagkainis at pagrerebelde. Ayaw niyang mag-away sila ni Charlie sa harap ng ibang tao kaya nagdesisyon siyang magtungo na lamang sa washroom upang kalmahin ang sarili. Subalit hindi pa siya nagtatagal doon, pumasok naman si Vanessa. Na-tensiyon siya at napatingin lamang sa babae.

"Look at you, wala sa hitsura mo ang gagawa ng eksena pero muntik mo nang gawin kanina," biglang sabi ni Vanessa na nakaangat ang isang kilay. "Ayaw na ayaw ni Charlie sa lahat ay ang babaeng kulang sa pansin, alam mo ba 'yon?"

Naglapat nang mariin ang mga labi ni Jane. "Sumunod ka ba sa akin para lang sabihin 'yan?"

"No. Marami akong gustong sabihin kaya kita sinundan." Lumapit ang babae at tumalim ang tingin sa kanya. "Leave Charlie. Hindi ka magandang impluwensiya sa kanya. You're just baggage that weighs him down. Hindi niya kailangan ng babaeng katulad mo para matupad ang mga ambisyon niya sa buhay. Ako ang babaeng kailangan niya. We are compatible in every way." May malisyosang ngiti na sumilay sa mga labi ni Vanessa.

Hindi nakahuma si Jane at parang may humiwa sa kanyang dibdib. "What are you talking about?"

Humarap sa salamin si Vanessa at nagkunwang inaayos ang buhok. "Alam mo kung ano ang sinasabi ko. Kaya ka nga nagagalit nang ganyan, hindi ba? Kahit wala ka namang karapatang magalit. Sinabi sa akin ni Charlie ang lahat, gayundin ang usapan ninyo. Two months, right? Pagkatapos n'on ay maghihiwalay na kayo."

Nanlaki ang mga mata ni Jane at hindi nakapagsalita. Sinabi ni Charlie kay Vanessa ang usapan nila? Again, she felt betrayed. Nanliit siya dahil baka pati ang katotohanang siya ang nag-suggest ng dalawang buwan ay sinabi ng binata kay Vanessa.

Muling tumingin sa kanya ang babae at nakalolokong ngumiti. "Kung ako sa 'yo, imbes na mag-tantrum na parang bata, ie-enjoy ko na lang ang natitirang oras na kasama mo siya. Tandaan mo lang na hindi ibig sabihin na magpakita siya ng interes sa 'yo, pakakasalan ka na niya. Charlie isn't ever going to commit to a relationship. Huwag kang mangarap. But you know, he's very good in bed. I should know. We've done it so many times I've lost count already."

Nanlamig ang buong katawan ni Jane. Kasunod niyon ay nanikip ang kanyang lalamunan at naramdaman ang pagbabadya ng luha sa kanyang mga mata. Subalit tumanggi siyang umiyak sa harap ng babaeng ito. Hindi rin siya nag-iwas ng tingin. "Tapos ka na ba?" tanong niya sa kalmadong tinig na kabaligtaran ng kanyang totoong nararamdaman.

Bahagyang nawala ang ngiti ni Vanessa. Marahil dahil hindi nito nakita ang reaksiyong gustong makuha mula sa kanya. Bago pa makapagsalita ang babae ay nilampasan na niya ito at lumabas ng washroom. Gusto na niyang umalis sa lugar na iyon. Gusto niyang mapag-isa. Yayayain na niya si Art na umalis.

Subalit nang matanaw na ni Jane ang mesa nila ay wala na roon si Art. Si Charlie na lang ang naroon. Tumayo ang binata nang makita siya. Lalong tumindi ang sakit sa kanyang puso. Humigpit ang hawak niya sa bag at kahit nanginginig ang mga tuhod ay lumapit siya sa mesa.

"Nasaan si Art?" tanong niya.

"Umalis na. Ihahatid na kita pabalik sa trabaho," sagot ni Charlie at hinawakan siya sa siko.

Pumiksi si Jane. "Hindi na kailangan. Magta-taxi na lang ako."

Tumiim ang mga bagang ng binata at muli siyang hinawakan sa siko. "Mag-usap tayo, Jane. Pero hindi rito."

Naglapat nang mariin ang kanyang mga labi nang mapansing nakatingin na sa kanila ang ilang customers at miyembro ng staff. Kinalma niya ang sarili at hindi na lamang nagsalita.

"Charlie, shall we eat na?" tanong ni Vanessa mula sa likuran ni Jane.

"Not now. Mauuna na kami, Vanessa," sabi ni Charlie na sinimulan nang akayin si Jane palabas.

"What?" narinig pa ni Jane na manghang bulalas ni Vanessa bago sila tuluyang nakalabas ng restaurant.

Nasa lower ground parking lot na sila at nasa tabi na ng sasakyan ni Charlie nang pumiksi si Jane sa pagkakahawak ng binata.

Napabuga ito ng hangin at humarap sa kanya. "Kinausap ka na ni Vanessa, hindi ba? Kung gano'n, bakit galit ka pa rin? She told me she would have a word with you to straighten things out."

Nag-init na ang mga mata ni Jane. "Oo. Nilinaw niya sa akin ang lahat," mapait na sagot niya. "Nilinaw niya na hindi lang trabaho ang relasyon ninyong dalawa. You slept with her, didn't you?"

Tumiim ang mga bagang ng binata at marahas siyang hinawakan sa magkabilang balikat. "Nakaraan na 'yon," nanggigigil nitong sagot.

"Pero hindi gano'n ang paraan ng pagkakasabi niya, Charlie."

Hindi nakahuma si Charlie. Sapat na ang pagkagulat sa mukha nito para malaman ni Jane na totoo ang sinabi ni Vanessa. Humapdi ang kanyang puso at tuluyan nang namasa ang mga mata. Hindi na rin niya napigilan ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.

"Why didn't you sleep with me when you had the chance? Bakit sa ibang babae, ang dali-dali para sa 'yong gawin 'yon pero sa akin ay hindi mo kaya? Are you not attracted to me enough? Dahil ba pagkatapos ng dalawang buwan, gusto mo pa ring umatras ako sa kasal at ikaw ay babalik na sa dati mong buhay? Sana sinabi mo na lang sa akin nang maayos, hindi 'yong sa ibang babae ko pa narinig na kahit ano'ng gawin ko, hindi ka magiging committed sa akin. Bakit kailangan ko pang malaman na may nangyayari sa inyo?!"

Sa halip na sumagot, nagulat si Jane nang biglang higitin ni Charlie ang kanyang batok at mariin siyang halikan sa mga labi. It was a frustrated, angry kiss that took her breath away. Ngunit sandali lamang ay nagbago ang halik ng binata, naging malalim, sensuwal, at mapusok; tila humaplos sa kanyang buong katawan. Napakapit siya sa damit ni Charlie nang humagod ang dila nito sa loob ng kanyang bibig. Dumulas ang malayang kamay ng binata patungo sa kanyang pang-upo at marahas siyang idinikit sa katawan nito. Napasinghap si Jane. He was hard against her belly. Mabilis din nitong pinutol ang halik. Tila nag-aapoy pa rin sa galit ang mga mata ni Charlie at hindi pa rin inilalayo ang mga katawan nila sa isa't isa.

"Sa tingin mo pa rin ba, hindi ako interesado sa 'yo?" anang binata sa nagtatagis na mga bagang.

Tuluyang naluha si Jane. "Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. I'm sure, naramdaman mo rin iyan para kay Vanessa, hindi ba?"

Muling tumiim ang mga bagang ni Charlie. "Bakit ba palagi mong binabanggit si Vanessa? That is in the past. I can hug a woman even if I don't love her. I can kiss her, have sex with her, even if I don't feel anything for her. Iyon lang din ang gusto nila sa akin. Noon 'yon. Akala ko, iba ka sa kanila. Huwag mong sabihin na 'yon lang din ang gusto mo sa akin? Are you angry because I didn't sleep with you that day? Kaya ka ba nagagalit nang ganyan at nakikipagtawanan sa ibang lalaki? Kaya pati ang nakaraan namin ni Vanessa, inuungkat mo? I don't feel anything for her!"

Nasaktan si Jane sa talim ng mga salita ni Charlie. Para bang sinasadya nitong saktan siya. At marahil nga, sa pandinig ng binata ay parang nagmamaktol lang siya dahil ayaw nitong may mangyari sa kanila. Pero hindi iyon ang dahilan.

"Sa tingin mo ba talaga, iyon lang ang kailangan ko sa 'yo?" garalgal ang tinig na tanong niya. "Ito ang kailangan ko sa 'yo, Charlie." Itinuro ni Jane ang dibdib ng binata.

Natigilan ito at sinamantala niya iyon. Sinalubong niya ang mga mata nito. "Noon pa man, puso mo na ang kailangan ko, hindi ang katawan mo. Ano pa ba ang puwede kong gawin para tumatak sa 'yo na mahal na mahal kita?! Ano pa ba ang puwede kong gawin para mahalin mo rin ako?" frustrated na bulalas ni Jane.

Nang hindi makahuma si Charlie, marahang itinulak ni Jane ang binata upang makawala siya mula sa pagkakakulong sa pagitan ng katawan nito at ng sasakyan. Malungkot siyang umiling. "Hindi ko na alam, Charlie."

Naglakad siya palayo, pabalik sa escalator upang umakyat sa ground floor. Hindi siya hinabol ni Charlie pero inaasahan na niya iyon. Lumabas siya ng Shangri-La at sumakay ng taxi. Saka lang siya umiyak.

Bachelor's Pad series book 3: PLAIN JANE'S MR. ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon