Cazpher's POV
Tinignan ko ang sarili ko. Tuwing tinitignan ko ang sarili ko. Parang hindi na ako 14, sa tangkad ko parang 18 na nga ako ehh... Napansin ko ang mukha ko.. Kamukhang mukha nung taong kinamumuhian ko. Lalo na sa ayos ng buhok. Makapal na at bumabagsak na. Hindi na kasi ako nagpagupit since 2 years kaya parang pambabae na ang buhok ko.
Hayyyy...
Nagtanung ako kay Lola.
"May alam po ba kayong pagupitan dito?"
"Ahhh oo... Diba pagkalabas mo.... dun ka lumiko sa pangatlong kanto sa bukana nun may pagupitan agad doon, maganda dun dahil si Dolores ang may-ari at ang asawa niya ang nagugupit"
"Sigehh po. Salamat po Lola."
Niyakap ko uli siya bago umalis.
"Sigehh na..."
Lumabas naman ako at naglakad. Hindi naman ako nabigong makita iyon dahil malaki to. May mga babaeng nagpapagupit ganun din ang ilang mga lalaki.
Wala namang pila at maluwag pa dito kaya pinaupo na ako ng isang mangugupit dun sa malaking upuan.
Wala akong alam sa gupit kaya ang sabi ko
"Yung babagay po sa akin.."
"Hmmmm... Ikaw pala ang anak na lalaki ni Chan; Ngayon lang kita nakita dito ahhh..." Sabi niya. Baka ito yung sinasabi ni Lola na asawa nung Dolores.
"Opo. Inampon po ako. Wala na ho kasi akong magulang." Sagot ko.
"Ha? Bakit parang anlaki mo naman ata...? " Tanung niya.
"14 pa lang po ako. Kasing edad ko po yung anak nilang babae si Alex"
Sumang-ayon naman at parang namangha sa sinabi ko.
"Anlaki mo naman bata. Saka parang hindi ka galing sa ampunan, para kang anak mayaman....."
May tinawag siyang babae mukhang ito nga si Manang Dolores.
"Ga.. Tingnan mo ito yung bagong apo nina Ganda oooh... Mukhang artistahin... Katorse pa lang ohhh..." Sabi nung manong.
"Oo nga ano? Nako kaya pala marami siyang pinamili kahapon. Apo niya pala ito. Ang guwapo naman.... Ga.. Gupitan mo nang pataas yung mga usong gupit ngayon sa mga millenials.. Bagay sa kanya yun..." Sabay hawak sa mahaba kung buhok na lumalaylay na sa noo ko.
BINABASA MO ANG
Smile
Teen FictionPara kay Caspher, na kabilang sa angkan ng kilalang pamilya, napakapangit ng kaniyang buhay. Subalit mula ng maligtas siya ni Papa Chan sa kanyang ama at nakilala si Alex nagbago ang kanyang mundo. Kasama ba sa pagbabagong ito ay ang kaniyang pagigi...