Chapter 10- Mall

10 1 0
                                    

Alex's POV

Kahit na gusto ko makasama si Cazpher, mas naiinisin ko na lang lumayo-layo na muna sa kanya. Mamaya ma-tsismis na naman ako. Hayst! Ganyan talaga siguro, ang hirap talaga kapag natatabi sa gwapo.

Mabuti na lang yung ibang nakakasalubong ko, palaging sinasabi sa akin na mabait daw akong "ate" kay Caz. Okay na yung ATE na tawag 'no kesa naman sabihing jowa ko diba? Mamaya totohanin ko ehh.

Sa totoo nga lang ehh ewan ko nga kung sinong matanda sa amin dalawa pero ewan kung bakit kuya minsan tawag ko kay Cazpher. Never kase ako nagka-kuya saka nagkaroon ng lalaking kapatid. Basta malinaw sa karamihan na magkapatid kami sadyang nalilito lang sila kung sino ang ate o kuya samin dalawa.

Kung bakit kase andaming interesado sa buhay ni Cazpher ehh. Katulad na lang na minsan meron mga lumalapit sakin bigla bigla na mga babae na akala mo magkaibigan kami pero tinatatnong lang pala ako about kay Cazpher.

Hindi ako nahihirapan, sobrang saya ko nga kasi at least napapansin ako sa campus. And in fact, dahil doon dumami daw nagkakagusto sakin. Sabi sa akin ni Shine meron daw kaseng mga lalaki na tinatanong kung boyfriend ko daw ba si Cazpher. Saka andaming nagchachat sakin bigla na hindi ko naman kakilala. Okay! Pero inignore ko na lang lahat yun. Oh diba, nagmamaganda ang lola niyo ehh.

Nagtext si Lola Ganda na umalis muna siya sa bahay. Na-ospital yung dati niyang kaklase and isa siya sa mga pinakamatalik na kaibigan ni Lola. Binilin niya sa akin si Cazpher at sinabi na sabay dapat kami umuwi.

Ayos! Bakit sa tingin ko mas mahal na ng Lola si Caz. Batukan ko 'to mamaya si Cazpher, nagseselos ako medyo sa kanya.

Wala ako nagawa kahit ayoko kasama tong mokong na to,kailangan namin mag-sabay na umuwi.

Maaga ang uwian namin kaya wala pang masyadong mga estudyante. Madaming mga sasakyan, traysikel at jeepneys na dumadaan sa harap namin.

Habang naglalakad kami at papuntang sakayan ay parang may tinitignan si Cazpher sa kanyang wallet.

"Oh, bakit wala kang pamasahe? Libre ko wag ka mag-alala." sabat ko.

"Hindi." maikli niyang sabi.

"Ehh. Ahh o sige."

Nagulat ako at nagpara siya ng FX. Ha? San ka pupunta? Gago ka Cazpher ano ginagawa mo?

"Cazpher sa--"

"Sa mall. Saglit lang tayo. Samahan mo muna ako. Ako bahala magpaliwanag kay Lola Ganda." putol niya sa sinabi ko.

Bago pa'ko magsalita uli. Hinila niya na ako para sumakay sa FX. Nginitaan niya pa ako at sinabihan na "Tara na, huy! Libre ko 'to." and that smile talaga na ayaw kong binibitawan niya kase naman yung puso ko lumulundag.

Hayst!

Libre niya pamasahe ko. Unfair. Dapat sagot ko na yun ehh. Nasa gitna ako pumwesto, si Cazpher katabi ko nasa side window ng sasakyan. Yung katabi ko naman is lalaki din, naku! Pumapantay sa kagwapuhan ni Caz.

Ang tangos ng ilong. Kapal ng kilay at ang haba ng pilik-mata. Ang nipis ng labi. Mapanga. Amputi pa. Tapos yung mata niya! Nasisinagan ng araw kaya nagnining ning sa pagka-brown.
Potek, ayokong tignan ng tignan yung adam's apple niya. Hindi ko kaya grabe na naiimagine ko kapag nakikita ko yun. Parang nirerape ko na siya sa isip ko. Punyeta.

Kapag tumingin ka naman sa kanan ko. The hearthrob Caz ang makikita mo.

Oh may gash! Hindi na ako mapakali. Thank You Lord, sana hindi na matapos yung byahe na'to. Panay tingin ko kay kuyang may beautiful brown eyes, hanggang sa nakita niya ako at nakipagtitigan sa akin.

SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon