Cazpher's POV
Mukhang nakatakas na ako ng tuluyan kay Dad. Maraming salamat kay Kuya Chan. Hayyy masuwerte pa rin ako. Alam kong binabantayan ako ni Mama mula sa itaas kaya ilalayo niya ako sa kapahamakan.
Sana nga! Pero HINDI!
BAGONG demonyo na naman ang nakasalubong ko. Bakit hindi siya nagmana ng kabaitan sa Papa Chan niya... Hayup siya... Ansakit ng ginawa niya putik..
Parang gusto kong bumalik sa ospital. Parang bubulwak na ewan itong sugat ko dahil sa ginawa niya.
Maganda sana. Mukhang anghel pero may demonyong sumasapi sa babaeng yun..
Hayyyyyy...
Pinilit kong lumabas pero narinig ko amg mga yabag niya papunta sa kwarto ko/niya. Nagtalukbong ako ng kumot.
"Kain na!"
Sigaw niya.
"Alam kong gising ka, bumangon ka na diyan"
Bumangon ako. At hindi siya pinansin.
Lumapit siya sa akin. Pero pinigilan ko siya.
"Huwag kang lumapit. Iwan mo na lang ako. Kakain na lang ako mag-isa"
Nakuha naman niya ang sinabi ko at umalis.
Pero napansin kong nakauniporme siya.
"Papasok ka ba?"
Tanung ko."Oo, bakit? Ayy oo nga pala wala si Papa Chan dito tatlong linggo pupunta daw sila ng States kasama boss niya para daw sa business trip."
Naginhawaan ako sa sinabi niya. Mawawala ng matagal si Daddy. I'm free.
"Pwede ba akong sumama sa school mo?"
Sabi ko.
"Anu namang gagawin mo doon?! Hindi kita mababantayan kasi nag-aaral ako. Kung natatakot ka mag-isa nandito pala si Lola Ganda. Lola ko, hindi mo nga pala siya nakita kasi namalengke siya kahapon saka tulog ka nang dumating siya."
Tinawag niya si Lola Ganda.
"La! Tawag kayo ni Senyorito!"
Hala siya?! Senyorito talaga?!
Pumasok si Lola Ganda sa kuwarto. At tinignan ako.
"Good Morning Iho? Maayos ka na ba? Kumain ka na si Alex ang naghanda ng almusal mo"
BINABASA MO ANG
Smile
Novela JuvenilPara kay Caspher, na kabilang sa angkan ng kilalang pamilya, napakapangit ng kaniyang buhay. Subalit mula ng maligtas siya ni Papa Chan sa kanyang ama at nakilala si Alex nagbago ang kanyang mundo. Kasama ba sa pagbabagong ito ay ang kaniyang pagigi...