Chapter 11- Cry For A While

26 1 0
                                    

Cazpher's POV

Oo si Blue, si Blue hindi na kami nag-uusap ngayon. Huling balita ko ay sila na ni Alliah.

Diba ang galing?! Hindi ko alam kung paano nangyari yun, basta ang nasa isip ko masaya na si Alliah sa kanya. Hindi ko din alam kung totoo kase yung mga pangako sa akin ni Alliah. Kase simula ng iniwan niya ako alam kong nakapili na siya, sadyang pinagbigyan niya lang ako kase ako lang naman 'tong nahulog sa kanya.

Hindi na ako magtataka kung nasa piling na siya ng iba. Minahal niya ba talaga ako? Sa tingin ko, hindi nga ehh. Kailangan ko na lang siguro tanggapin na wala na kami, o baka hindi talaga kami para sa isa't-isa.

Pero sana ganun lang kadali ang pagtanggap sa lahat kase may natitira pa din akong naramdaman para sa kanya.

Ang hirap kase kapag natamaan ka ng totoong pagmamahal. Mahirap nang alisin at nasasaktan ka sa sobrang sakit. Paano ko gagawin yun? Paanong alsiin ang lahat ng alaala ko na kasama ko siya? Paano ko gagawin ang hindi siya mahalin?


"Cazpher, sandali uuwi na ba tayo?" nakita ko na parang pagod na tong si Alex sa mga dalahin niya.

"Ahhh oo. Daan muna tayo saglit sa Timezone tapos promise uwi na tayo."
Pagmamakaawa ko.

"Hmmm. Sigi. Saglit lang ahh. Papagalitam tayo talaga ni Lola Ganda." irita niya sabi. Na may pag-irap pa.

Kahit kailan talaga to si Alex. Antaray at ang ansama lagi sa akin.

"Oo na. Ayy amin na pala yung mga dala mo ako na muna magbibitbit." 

Pagkarating na pagakarating ng Timezone ay nagpapalit agad ako ng mga tokens. Dumiretso ako sa basketball arcade. Ughhh! Mahal na mahal ko talaga ang pagbabasketball at minsan pala dati tuwing mapag-isa ako kapag hindi ako kasama nina Xandra at Alliah nun ay palagi lang ako nasa court na pagmamay-ari ni Daddy.

Sa Kentville, napakaganda doon. Ginagawa kong tambayan yun at halos tropa ko na ang mga guards na nagbabantay doon. Doon ako lagi nagbabasket ball sa private court na meron kami.

Basta tuwing hawak ko 'tong bola nakakalimutan ko ang mga problema ko. At sobrang saya ng pakiramdam ko. Kahit sabihin na iba na hindi ako magaling magbasketball, hindi naman mababago nun yung idea na sobrang gusto ko ang pagbabasketball.

Gusto ko talaga imbitahan si Gale kaso kay Faye busy yun ngayon eh, kakain daw sila. Kaya wala akong choice, si Alex na lang sinama ko. Kase kawawa naman tong babae na to ehh. Ako pa malalagot kay Lola Ganda kapag iniwan ko siya sa bahay na mag-isa.

Speaking of her, pinatayo ko muna siya sa gilid ko. Pinabantay ko yung mga bitbit ko na mga gamit. Naglalag na ako ng token at doon na nga magsisimula na ang time.

"Yes!" sigaw ko ng umabot pa sa round 2. Ganyan din ang narinig ko sa katabi ko sa gilid.

Tumingin ako sa kanya. At sandali kong nakalimutan na kailamgan ko magshoot.

"Tuloy mo na yan! Bilisan mo,yung time mauubos na.. Bilis!" medyo tarantang sabi ni Alex.

Natawa na lang ako at nagpatuloy sa pagshoot, akala ko kase talaga gusto nang umuwi nitong babaeng to. Bored na kase ata siya. Kaso, ewan natatawa talaga ako nang makita siyang ganito. Nag-eenjoy siya samahan ako. Ansaya naman nito, naalala ko tuloy si Ashley kung gaano siya kasupportive sa kuya niya tuwing nagbabasketball kami sa backyard namin.

Umabot pa ako ng round 3 at ang ending 212 yung score. Sabi ko kay Alex na talunin niya ako. Hindi ko akalain na seseryosohin yun at kinuha sa akin yung dalawang token. Nagbanat banat muna siya ng buto at medyo inangat ang sleeves na para bang isang sigang lalaki. At sabay sinabi sa akin na "Makikita mo, Matatalo kita."

SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon