Chapter 9- The Past

18 1 0
                                    

Cazpher's POV

I'm celebrating my 7th Birthday dito sa mansion namin...  Ang bait talaga ni Daddy dahil pinagbigyan niya ako magkaroon ng children's party ngayon..

Mabuti na lang hindi siya nakinig kay Mommy. Kasi sabi niya mas gusto niya daw i-celebrate yung 7th birthday ko within our family lang saka ilang close relatives namin. Ayaw niya ng masyadong magastos. Sabi niya daw mas masaya ang birthday kapag simple lang ang selebrasyon.

Pero sabi sa'min ni Daddy na mas maganda sa bata na maging memorable ang birthday nito, lalo na kapag tumuntong ng 7.. Ewan ko kung bakit sobrang importante at special ang 7th birthday sa ilang bata... Basta yun na yun.

Sobra akong natuwa nung nakita ko na maraming bata ang nagpunta sa kaarawan ko. Saka masaya ako kasi sobra silang nag-enjoy sa birthday party ko.. And you know masaya din ako kase..

Yung suot ko ngayong party ko ay parang isang batang prinsipe... Tuwang-tuwa ako sa suot ko, lalo na sa espada na nilalaro laro ko kanina pa.

Nakikipaglaro sa akin si Blue, isa sa mga classmate ko ngayong Grade 2... May espada din sya at hinahamon ako makipaglaban..

Nagsimula na nga ang laban at ayaw nga magpatalo nitong si Blue..  Sinubukan kong tusukin ang laruang espada sa tyan niya pero mabilis din itong nakailag..  Napagod na ako kakaiwas sa mga palo niya hanggang sa kusa na akong nagpatalo..  Kunwari ay nasaksak ako sa bandang dibdib... Huminto na ako at napahiga sa lapag..  Senyales na kunwari namatay na daw ako.

Napikit ko lang ang mata ko ng ilang segundo ng marinig ko ang  nag-alalang boses ni Blue...

"Cazpher..  Cazpher... Ok lang yan.. Kunwari lang naman 'to di'ba?"

Nanatili pa din ako walang kibo at naghihintay sa sasabihin pa niya.

"Cazpher?  Uyyy gising na..  Uyy Cazpher.... Kinakabahan na'ko"

Dun na ako nakakuha ng magandang tiempo para makaganti..  Nakita ko siya nakaupo at nag-alala pa rin sakin hanggang sa

"Wahhhh! Mamatay ka na din..  Wahhahaahahh... " sabi ko habang kinikiliti ko sya...  Bigla siyang nagulat at nagtatakbo dahil ayaw niyang nakikiliti siya.. Kaya naman hinabol ko

Pero agad siyang sinaway ng mommy niya at sinabing 'wag daw tong magpapawis hikain pa naman din.. Nagpaalam siya sa akin bago umuwi..  At bigla akong napansin ng mommy niya... 

"Happy Birthday uli Cazpher. Salamat nga pala sa pag-imbita sa anak ko ahh..  Napakaguwapo at napakabait mo talagang bata ka...  Pagpalain pa sana kayo ng Diyos... Sigehh na una na kami ni Blue.. "

"Salamat po sa pagpunta..  Ingat po kayo ni Blue. "tugon ko dito.

Kumaway na si Blue at tuluyan na nga silang lumabas ng gate namin.

Si Blue ang huling kaibigan ko na umalis ng bahay namin. Nauna na kasi sina Ace, Ryle, Paolo, at si Zach.  Kaming anim ang pinakaclose sa klase..  Kasi lagi kaming magkasabay pag-uwian.. Iisa lang kase ang service namin ehh.. Saka high school friends pala ang mga mommies namin kaya madalas kami napapadpad sa bahay ng isa't-isa..  Kahapon nga lang, bago ang birthday ko naglalaro pa kami sa bahay nina Zach.

SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon