Another deleted chapter.
Cazpher's POV
Sabay sabay na kaming umalis sa pinuntahan naming coffee shop. Napansin ko na parang kanina pang problemado si Alex.
Ayaw ko naman na kausapin siya kasi pakiramdam ko dapat na hindi na ako mangialam.
Tumungo kami sa bahay ni Xandra doon daw kasi gaganapin yung party.
Pagkalabas namin sa sasakyan ni Bryan, (one of my classmates) ay agad silang pumunta sa mga bartender nanghihingi ng maiinom.
Hayyyyy. Yan talaga agad ang inuna.
Pagpasok ko ay hindi na ako nagtaka kung bakit andaming nag-aabang sa birthday nung Xandra.
Her birthday is like a PARTY OF THE CENTURY.
Makikita mo naman yun sa napakalaking bahay nila na napapalibutan ng iba't ibang kulay ng disco lights. Nagkalat din sa sobrang rami ang iba't ibang kulay ng mga lobo sa daan. Naglalakihang mga speakers habang nakatayo doon ang isang DJ. Mga taong nagsasayawan, nag-iinuman at naghahalikan.
Mayroon din namang naliligo sa napakaengrandeng pool. Pinaglalaruan nila ang mga malalaking bola habang umiindak sa mga tugtog. At sumasayaw sa malilikot na ilaw sa pool.
Meron akong nakita na parang mga hindi pa sanay sa mga ganitong kalaking party. Animo para silang mga bata na tuwang-tuwa at first time nila dito. Pero may nakita rin ako na parang nasa tabi lang sila at tumitingin lang.
Madami ding mga selfie lords na kahit sinong makitang tao ay makikipagselfie. Minsan naghahanap din sila ng mga magagandang place at bigla na lang magpopose. Well, I must say that most of them are hungry for fame. They're fake. Plastics...
Maydoon din namang mga flirts, na landi lang ngayong gabi. At pinaninindigan talaga yung quote na "YOLO". Gusto lang nila panandaliang kasiyahan pero walang commitment. All they know is to flirt, they don't even care what people feel if they hurt someone because maybe some of them are expecting more and assume with those sweet lines and cheesy moves that will never be taken seriously. Only FLIRT. How sad... But it is the fact.
I realized.
All of the people is well dressed but they're gone too wild.
Kung ikukumpara, ito yung mga house party na tipikal na makikita sa mga movies.
Natigil ako sa kakatingin sa buong bahay nang mapansin wala na pala ang mga kasama ko.
Maglibut-libot pa sana ako pero biglang may kumausap sa akin
"Huuuyyyy.. Caz.." Rinig kong sabi ni Gale.
"Galileo!" Sigaw ko.
Gale is more than a nice person. Akala ko kasi napakaseryosong tao at napakacompetitive na tao. Malayo sa inaakalang personality na nakikita namin kapag nasa classroom. Masayahin kasi siya at napakaplayful.
And one more thing mahilig siya mga DIRTY JOKES.
Kaya naman naging close ko agad siya.
"Pssstt.. Alam mo ba nakasuot ako ngayon ng napkin na may wings?"
Tanung niya..
"Are you serious bro?! Bakit mo naman isusuot iyon pambabae yun ehh. "
"It's because you know.. Hindi makakalipad ang BIRDIE kapag walang wings!" Sabi niya ng malakas at saka tumawa.
BINABASA MO ANG
Smile
Fiksi RemajaPara kay Caspher, na kabilang sa angkan ng kilalang pamilya, napakapangit ng kaniyang buhay. Subalit mula ng maligtas siya ni Papa Chan sa kanyang ama at nakilala si Alex nagbago ang kanyang mundo. Kasama ba sa pagbabagong ito ay ang kaniyang pagigi...