Alex's POV
Hindi ko alam kung anong mangyayari. Lalaki siya, babae ako. Bagong kilala ko pa lang siya. At wala pa akong tiwala sa taong ito.
Kahit na Kuya ko pa siya or whatever. Lalaki pa rin siya. Malay mo pagsamantalahan niya yung kagandahan ko.
Wow ahhhh!!
Hinding hindi ako papayag.
Dahil sa kapraningan ng pag-iisip ko, Hinintay ko siya makatulog.
Mukha namang hindi ako nabigo dahil nakatulog na siya.
Habang may salpak pang earphones.
Hayyy..... Honestly, sobrang saya ko nang nalaman kong may bagong tao na naman sa buhay ko. Sa una, nagselos ako dahil inampon siya at parang ang labas sa akin ay gusto ni Papa ng lalaking anak. Hindi ko naman siya mapipigilan sa kung anong gusto niya. Anak lang naman ako.
Pero, kahit ganun parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya; kahit ganoon pa lang kami kaikli na magkakilala.
Actually, hindi ko naman talaga siya legally na kapatid. Hindi naman siya anak ni papa. Kasi sa totoo lang, pinipilit kong hindi niya makita..
ANG PAGKAGUSTO KO SA KANYA
Nagagawa ko nga siya, pero hanggang kailan. Hanggang kailan pwedeng itago sa TAONG ito na gusto ko siya.
Na siya ang tipo kong lalaki. Na siya yung hinahanap kong taong mukhang babagay sa akin. Yung lalaking parang tatanggapin yung kabaliwan ko sa buhay. Mukhang sa KANYA ko nakita lahat iyon.
"Hayyyyy Alexx antanga mo.. Bakit sa lahat lahat ng lalaki sa kanya pa? Magkapatid kayo okayyyy!"
Sabi ko habang pinapakalma ko ang sarili ko.
Pinilit kong matulog, pero sa halip na makatulog. Umiral yung pagkalandi ko at tinitignan ko siya sa ibaba ng kama ko.
"Bakit kasi antangos ng ilong mo? Kahit nakapikit ka ang ganda pa rin ng mata mo. Lalo ka pang gumwapo sa gupit mo. At yung napakanipis mong labi na ang sarap titigan. Sana hindi na lang tayo nagkakilala bilang magkapatid. Sana kung naririnig mo ako ngayon, gusto kong sabihin sa iyo na akin ka na lang kuya..."
Sabi ko sa kanya habang kitang kita ko yung napakagwapo niyang mukha at nakasalpak na earphones sa tenga niya.
Paano kung narinig talaga niya yung mga sinabi ko kanina? Paano kung hindi naman talaga nakatugtog yung music niya? WTH! Tanga ko bwisit.
PERO NEVERMIND...
Naiimagine ko yung mukha niyang may pagkaFrench na Pilipino na parang American. Hayyy basta makikita mo naman yun sa kapal ng kilay niya, sa lalim ng mata niya, sa tangos ng ilong niya, sa liit ng labi niya at malalim na philtrum niya..
BINABASA MO ANG
Smile
Teen FictionPara kay Caspher, na kabilang sa angkan ng kilalang pamilya, napakapangit ng kaniyang buhay. Subalit mula ng maligtas siya ni Papa Chan sa kanyang ama at nakilala si Alex nagbago ang kanyang mundo. Kasama ba sa pagbabagong ito ay ang kaniyang pagigi...