Bago ko i-update itong chapter na ito. Gusto ko sabihin na tatlong chapter ang nadelete sa story na ito😭😭. Kaya uulitin ko ang buong chapter 5. At iibahin ko na ng sobra yung story compare sa unang binasa niyong chapter.
--------
Alex's POV
Recess, at ngayon nagpapasama yung bago kong kapatid sa canteen.
Bumababa kami sa building at dumiretso sa canteen. Bumili na agad kami ng pagkain at doon kumakain.
Napansin kong parang manghang mangha itong si Cazpher sa school. At kanina pa siyang naglilibot ng tingin.
"Psssttttt.. Bago ka ba sa school? I mean first time mo talaga pumasok sa isang school." Tanung ko.
"First time ko sa public school ehh.."
"Woaahh mayaman ka pala.. Akala ko ba galing ka sa orphanage? Siguro mayaman talaga parents mo?" Tanung ko uli.
"Oo tama ka. Ikaw, alam kong mayaman ang pamilya niyo ahh bakit dito ka pinag-aaral?"
"Ewann ehh.. Basta sabi nila dito daw ako." Sagot ko sa kanya.
"Teka, ba't parang ambait mo sa akin ngayon, nakakapanibago.. " sabi niya sabay bigay ng nakakalokong ngiti.
"Pag dito lang, mabait ako sa iyo. Sa bahay, babalik yung kademonyohan ko sayo." Banta ko sa kanya.
"Please lang.. Huwag mo nang susuntukin tiyan ko." Pagmamakaawa niya.
"Hmmmm.. Sigehhh basta ibibili mo lagi ako ng ice cream."
Natapos na kaming kumain at umalis na sa canteen.
Paglabas naming marami ang tao. Marami ang nagtatakbuhan, nag-uusap, kumakain, at tumatambay kung saan saan.
Naglalakad ako sa tabi ni Cazpher ng biglang may tumulak sa akin.
Sa sobrang lakas ng tulak ay halos matumba ako. Mukhang naghahabulan yung mga estudyante malapit sa likod namin.
Ng biglang may tumulak na naman.
Matutumba at madadapa na sana ako...
Pero
Nakita ko ang pagkasalo sa akin ni Cazpher at kung gaano kalapit yung mukha niya sa akin.
Parang tumigil yung mundo ko. At parang siya lang yung taong nasa paligid ko. Bumilis na rin yung tibok ng puso ko.
"Okay ka lang ba?" Tanung niya.
Naku! Huwag mo kong titigan ng ganyan. Nakakatunaw. Ughhhh..
BINABASA MO ANG
Smile
Teen FictionPara kay Caspher, na kabilang sa angkan ng kilalang pamilya, napakapangit ng kaniyang buhay. Subalit mula ng maligtas siya ni Papa Chan sa kanyang ama at nakilala si Alex nagbago ang kanyang mundo. Kasama ba sa pagbabagong ito ay ang kaniyang pagigi...