HEK-16

4.9K 166 9
                                    


HEK-16

NAKAHALUKIKIP ako habang lumalakad. Gigil na gigil na talaga akong paslangin si Erna. Pinapinit niya ang aking ulo at hindi ganoon kahaba ang aking pasensiya sa mga nilalang na kagaya niya. Naniningkit ang aking mga sa tuwing nakikita ko siya. 

Kita ko naman sa gilid ng aking kaliwang mata ang pagtapon sa akin ng lapis sa isang kong istudyante. Nasalo ko ito at naisaksak sa pisara. Lahat sila ay natigilan sa ginagawa at kasabay niyon ang pagtahimik. 

"Isa pang tapon ninyo sa akin. Walang makalalabas ng buhay," banta ko.

Nagsipagyuko ang mga ito. 

Nang tumunog ang kampana, hudyat na tapos na ang oras ng aking klase ay agad din naman akong lumabas sa aking klase. Inis na inis pa rin ako! Umiisip ako ng paraan kung paano ko matatanggal sa eksena si Erna!

Diretso ako sa pinatuktok ng gusali. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang marinig ko ang boses ni Erna na umiiyak. 

"Pakiusap Alquin! Bumalik ka na sa atin. Pakiusap! Alam kong napipilitan ka lang kay Mocha! Pakiusap Alquin! Ako naman talaga ang mahal mo, 'di ba?" 

Nasipa ako ang pinto dahilan para ito ay mawasak. Naitapon ko sa gilid ang aking mga gamit. At nang makita ko ang dalawa ay agad na tumikwas ang aking kaliwang kilay. 

Nakaluhod si Erna sa harapan ni Alquin habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Ang nobyo ko naman ay nakasandal lamang sa barandilya habang nakahalukipkip. 

Humakbang ako palapit. 

Lumingon sa akin si Erna at agad din naman siyang napatayo. Pilyong umismid si Alquin sa akin at para bang nasisiyahan siya sa hindi maipinta kong mukha. 

"Umalis ka rito! Hindi ka kasali sa usapan namin!" singhal ni Erna sa akin. Muling umarko ang aking kaliwang kilay. 

Tumuntong naman si Alquin sa barandilya habang nakapamulsa. Pino itong tumawa. 

"Ginagalit mo ang aking nobya Erna," wika ni Alquin habang nakakalokong ngumiti sa akin. 

Umismid ako at matalim na tinapunan ng tingin si Erna.

"Inuubos mo ang pasensiya ko Erna," mariing wika ko habang igting ang aking panga. 

"Kasalanan mo ito kung bakit tumiwalag si Alquin sa mga Seltzer!" paratang niya.

"Bakit Erna? Kailan pa naging isang tunay na Seltzer si Alquin?" Napatawa ako sa gulat na rumehistro sa kanyang mukha.

"Hindi totoo iyan! Isa siyang Seltzer at nakatakda siyang ipakasal sa akin!" 

"Kaya pala ganoon ka kadikit sa kanya. Nagmukha ka tuloy isang serepenteng may makating langis."

"Lapastangan!" 

Akmang susugurin ako ni Erna ngunit bigla namang pumagitna si Alquin at sinalubong nang sakal sa leeg si Erna. 

"Masiyado kang ilusyunada. Wala ka nang silbi sa akin." Mas diniinan pa ni Alquin ang pagsakal sa kanya. Napaikot ko ang aking mga mata at napahalukipkip.

"Sigurado kang papatayin mo siya? Tuluyan mo na dahil kapag hinayaan mo pa siyang mabuhay ngayon? Ako mismo ang maglilibing sa kanya ng buhay," walang gana kong wika at tumalikod na. 

Namimilipit na sa sakit si Erna at nakaangat na rin siya sa ere nang bigla namang umeksina si Rosario. Tinabig niya pa ako at ganoon na lang aking gulat dahil malakas din siya. Tumilapon ako ngunit agad ko rin namang naitukod ang aking kanang palad sa barandilya upang hindi ako tumama rito. 

"Pakiusap! Huwag ang kapatid ko! Nangangako ako Alquin! Ilalayo ko siya sa iyo. Hindi ko siya hahayaang guluhin ka at ang mga plano mo. Pakiusap!" pagmamakaawa ni Rosario habang nakaluhod sa harapan ni Alquin. 

Nakagat ko ang aking labi. Magkapatid pala ang dalawa. Kaya pala ganoon na lamang ang galit nito sa akin. 

"Bitiwan mo," utos ko kay Alquin. 

Binitiwan niya si Erna. 

"Ayaw mo bang paslangin ang dalawang 'to mahal ko?" baling sa akin ni Alquin. 

"Hindi dapat pag-aksayahan ng oras ang dalawang iyan. Umuwi na tayo." 

Pinulot ko ang aking mga gamit at bumaling sa dalawa. 

"Palalagpasin ko ang pangingialam ninyong dalawa sa amin ni Alquin. Ngunit sa oras na malaman kong may gagawin kayong masamang balak ay paghuhukayin ko kayo ng sarili ninyong libingan. Mabuti nang malaman niyo hindi ako isang pipitsuging nilalang. At siya nga pala Rosario, isa akong Zoldic."

Gulat naman ito sa kanyang narinig.

"I-ikaw? Ang nag-iisang babae sa unang henerasyon ng mga Zoldic!?" wika nito na may kasamang malaking takot sa mukha.

 Inismiran ko lamang ito at umalis na, kasama si Alquin.

HABANG naglalakad kami ni Alquin sa gubat patungo sa kanyang bahay ay bigla niyang hinawakan ang aking kanang kamay. Marahan niya itong pinisil. 

"Pagkakataon mo nang mapaslang ang dalawa ngunit hinayaan mo pang mabuhay ang mga ito. Bakit Mocha? Naaawa ka na ba ngayon sa kaaway natin?" 

Inirapan ko siya at binawi ang aking kamay ngunit maagap naman ito sa paghapit sa aking baywang. 

"Hindi aki ganoon kasama ngunit kung naging kulang pa rin ang banta para tumigil sila'y mapipilitan akong gawin ang bagay na iyon. Binibigyan ko sila nang pagkakataong mabuhay ng simple. Kahit ba nauubos na ang aking pasensiya kay Erna ay may katiting pa rin na awa akong nararamdaman para sa kanya." 

"Ikaw nga talaga ang Mocha ko," aniya pa at hinagkan ang aking sintido. Siniko ko siya ng marahan. 

"Totoo ba ang narinig ko kanina? Ipakakasal ka kay Erna?" 

Walang pag-alinlangan naman itong tumango. 

"Hindi ko gusto ang ideyang iyon." 

Umarko ang aking kilay. 

"Hindi talaga kita mapapatawad kapag pumatol ka sa babaeng iyon."

Tumawa naman siya at pinatigil ako sa paghakbang. Pinaharap niya ako sa kanya. 

"Kung ganoon ay maari bang pakasalan mo ako Mocha? Nang sa ganoon ay hindi na ako maagaw pa ng iba?" nakangiti niyang ani. 

Nakagat ko ang aking labi at hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. 

"Huwag mo akong binibiro," sagot ko. 

Ngunit ganoon na lamang ang aking gulat nang maglabas ito ng singsing mula sa kanyang bulsa. Walang preno niya itong isinuot sa aking daliri. 

"Kailanman ay hindi nagbibiro ang pagmamahal ko sa iyo Mocha. Ilang daang taon na ang lumipas ngunit ang puso ko'y patuloy pa rin ang pagtibok para lamang sa iyo. Hindi iyon maipagkakaila ng aking sarili. Sa mata ni Luna, at sa mga ng Diyos na sinasamba ng mga mortal. Ikaw at ikaw lamang ang nararapat para sa akin."

Tumulo ang aking mga luha nang hindi ko namamalayan. Walang salitang lumabas sa aking bibig at tanging pagyakap sa kanya ang unang pumasok agad sa aking utak. 

"Mahal kita Alquin. Mahal na mahal," anas ko sa kanyang punong tainga. 

HIS EXTRAORDINARY KNIGHT [Zoldic Legacy Book 6]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon