HEK-6.1

5.2K 203 2
                                    


HEK-6.1

NAHIGIT ko ang aking hininga at agad na napadilat. Agad akong natigilan. Nasa isang silid ako na punong-punong nga mga kakaibang sandata. Nakasabit ang mga ito sa kisame at dingding. Sa gitna ay malaking kama. At ako? Nasa isang bakal na upuan. Nakagapos sa makakapal na kadena. Pilit kong tinatangal ang pagkakagapos ko ngunit bigla-bigla na lamang akong napapahiyaw. May malaking bolatahe ng kuryente ang gumagapang sa tuwing pinipilit kong kumawala. Tila'y parang nakaupo ako sa silya elektrika ng mga mortal. Huminga ako ng malalim at muli ay nilabanan ang puwersa ng kuryente. 

"Ah! Ano ba!? Hayop ka! Ah!" pagwawala ko. Bumukas naman ang pinto. Iniluwa nito ang isang lalaki. Nagpupunas ito ng kanyang basang buhok. Suot niya'y kupas na maong lamang. Suot pa rin niya ang kanyang puting maskara. 

"Maingay ka," aniya at umupo sa kama habang nakaharap sa akin. 

"Pakawalan mo ako rito! Hayop ka!" pagwawala ko. Itinabi naman niya ang kanyang tuwalyang ginamit at naghila ng isang silya. Umupo siya sa tapat ko. 

"Ano ang gusto mong una kong hiwain sa iyo?" Naglabas ito ng banal na punyal. 

"Hangal!" bulyaw ko. Bigla naman niyang tinanggal ang benda sa aking kanang braso. Laking gulat ko ng tusukin niya ito. 

"Ah! Ugh!" hiyaw ko. Nahigit ko ang aking hininga nang hugutin niya ito at dinilaan ang punyal. 

"Masarap ang dugo mo mahal ko," aniya. Dinuraan ko siya. Tinanggal niya ang kanyang maskara. Ang akala ko'y makikita ko na ang kanyang mukha ngunit nagkamali ako. May nakapatong pang isa. 

"Sabihin mo sa akin Mocha? Bakit ka ganyan sa akin?" "Bakit hindi mo tanungin iyan sa sarili mo!?" 

"Bakit nga ba? Dahil naiinggit ako. Dahil nagtatampo ako sa iyo. At mas lalong galit ako sa iyo." 

Nagsalubong ang aking mga kilay. 

"Hindi ka nakatutuwa," mariing wika ko. Tinawanan naman niya ako. 

"Ngunit natutuwa akong makita ka sa poder ko. At sisiguraduhin kong mapapaamin kita." 

"Ano ba ang gusto mong malaman sa akin!?" 

"Ang lahat Mocha! Ang lahat ng laman niyan," turo niya sa aking kaliwang dibdib. 

"Nasasaktan ako. Bakit ayaw mo sa akin?" Natameme ako. 

"Bakit ayaw mo sa akin!?" Tinusok niya ang aking kaliwang braso. Napahiyaw ako. 

"Hayop ka! Makawala lang ako rito'y papatayin kita!" 

"Mahina ka!" 

"Hindi totoo iyan!" 

"Bakit nandito ka? Bihag ko." Naigting ang aking mga panga at pilit na kumakawala sa pagkakagapos ngunit nakuryente lang ako. 

"Ah!" hiyaw ko sa kawalan. 

"Ramdam mo ba ang sakit?" Habol ko ang aking hininga. 

"Simulan na natin," aniya at tumayo. Kumuha siya ng isa pang banal na punal sa ilalim ng kanyang kama. Habang nakatalikod siya ay unti-unting lumitaw sa kanyang likuran ang isang marka.

Namilog ang aking mga mata. Ang dalawang dragon sa kanyang likuran na napapagitnaan ng rosas ay simbolo ng isang... 

"Bellator," bulalas ko. "Hmm?" Pumaling siya sa akin. 

"Isa kang Bellator?" hindi makapaniwala kong sambit. 

"Huling lahi," sagot niya. 

"Sinungaling ka! Matagal nang naubos ang lahi ng mga bellator!" Tumawa siyang muli. 

"Nangmalaman ng angkan ko na kaya naming lupigin ang angkan ng mga Zoldic. Pinarusahan kami ni Luna. Binigyan niya ng sakit ang lahat ng mga sumuway sa kanya. Hindi napigilan ang paglobo ng pag-alsa ng rebelyon. Ang ama mo, si La Luz De Venidict ang lumupig sa lahat." Mas lalo akong naguluhan. Iba ang alam ko. Nawala ang mga bellator dahil sa pag-anib sa mga Seltzer. 

"Naubos ang lahi ng mga bellator. Kahit ang mga walang kamalay-malay ay nadamay. Ngunit may natirang isa at ako iyon." Hindi ako nakakibo. Umupo siyang muli sa silya at mas lumapit pa ng todo sa akin. Hinaplos niya ang aking mukha at inayos ang aking magulong buhok. 

"May isang nilalang noon na nagligtas sa akin kaya hanggang ngayon ay nandito pa rin ako." Umigting ang aking panga. 

"Naalala mo pa ba ang batang iniligtas mo? Ilang daang taon na ang nakakaraan?" Namilog ang aking mga mata. 

"Ikaw iyon!?" "Tama ka." 

"Pinatay mo ang ilan sa mga kalahi ko!" Umangil ako sa kanya. 

"Para mabuhay. Ngunit dumating ka at bigla mo akong iniligtas. Agad na pumasok sa aking utak na hindi kasalanan ng Zoldic ang pagkawala ng angkan namin. Kasalanan ng pinuno namin iyon. Hindi ako nagtanim ng galit o pagkamuhi dahil sa iyo. Simula no'ng gabing iniligtas mo ako'y ang mukha mo na ang nakarehistro sa aking utak..." Hinaplos ng kanyang daliri ang aking labi. 

"Naghintay ako Mocha. Mahabang panahon akong naghintay. Ngayon mahal ko, sino ang lalaking kahati ko rito?" Itinapad niya ang dulo ng banal na punyal sa aking dibdib. 

"Tatlong uri ng sandata. Ang punyal ng kamatayan, ang punyal ng ritwal at ang mga banal na sandatang gamit ng mga bellator at Seltzer. Pumapatay sa mga bampira at taong lobo. Alam na alam mo iyan 'di ba?" Hindi ako umimik. 

"Sino siya?" ulit niya. Nakipaglabanan ako ng titig sa kanya. Bigla naman niyang kinuha ang dalawang banal na punyal. 

"Sagutin mo ang tanong ko Mocha! Sino ang kahati ko sa iyo!?" 

"Wala!" sagot ko. 

"Ah!" hiyaw ko nang bigla niyang itarak ang dalawang punyal sa magkabilang kamay ko. Napaluha ako sa sobrang sakit. 

"Sinungaling ka!" bulyaw niya at ibinaon pang lalo ang mga punyal sa aking mga kamay. 

"Ugh! Ah! Tama na! Ah!" daing ko. 

"Bakit ayaw mo pang aminin sa akin? Ha?" Kumuha pa siya ng isang punyal at itinarak sa aking balikat. 

"Ah!" hiyaw ko. Nagwala ako ng todo ngunit wala itong epekto. 

"Alam mo kung bakit mahina ka? Dahil hindi ka pa nagmamahal ng matindi. Hindi katulad ng kapatid mo at mga pinsan mo. Malakas sila. Sobra. Kahit si Luna ay kaya nilang tapatan." 

"Hindi totoo iyan!" 

"Puwes sabihin mo sa akin kung sino ang kahati ko sa iyo!" Muli siyang kumuha ng banal na punyal at itinarak sa aking kanang bisig. Napaungol ako ng malakas at muling napahiyaw. 

"Si Alquin ba?" Nanigas ang aking leeg dahil sa narinig. 

"Bakit hindi ka makasagot?" Napalunok ako. Tuyong-tuyo na ang aking lalamunan. 

"Papatayin ko siya," aniya. 

"Hayop ka talaga! Itigil mo na ang kahibangan mo!" 

HIS EXTRAORDINARY KNIGHT [Zoldic Legacy Book 6]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon