HEK-18
Mariin akong napapikit.
"Ayaw ko nang gulo," wika ko.
Inalis niya ang kanyang kamay sa aking buhok.
"Hindi rin naman ako makikialam. Itinakda siya ni Luna, hindi ko siya gagalawin. Si Ericka ang sadya ko. Hindi makararating si Zsakae dahil umuwi na sila ng isla Bakunawa. Kasama pala ang pekeng kapatid mo, bellator," aniya pa at pumaling muli kay Alquin.
"Hindi rin naman ako nakikialam sa kanya," sagot ni Alquin. Ramdam ko ang matinding tensyon sa pagitan nilang dalawa.
Nakakalokong ngumiti naman ang aking kapatid.
"Kung ganoon ay magkakasundo tayo."
Bigla naman niyang kinuha ang aking kaliwang kamay at hinaplos ito. Nilaro niya pa ang singsing na nasa aking daliri. Humakbang siya palapit sa akin at itinapat ang aking kaliwang kamay sa kanyang dibdib. Inilapit niya sa akin ang kanyang mukha at bumulong...
"Magpakalayo kayong dalawa. Sa oras na magsilang kay bumalik ka muli rito. Gusto ko rin namang makita ang magiging pamangkin ko."
Hinagkan niya ang aking noo. Natigilan ako sa aking narining. Magsilang?
Kinuha niya na si Ericka kay Alquin at bigla rin namang naglaho sa aming harapan.
Nasapo ko ang aking puson.
"Buntis ako?" wika ko habang nakaharap kay Alquin.
"Hindi ka ba masaya?" aniya.
Nasapo ko ang aking noo.
"Hindi ko alam. Nagtataka pa rin ako, mahirap tayong makabuo ng isang sangol lalo pa at bampira ako at isa ka namang kalahating lobo, kalahating bampira."
"Hindi ko nasabi sa iyo mahal ko. Kaya naming magtanim ng binhi sa mga kagay ninyo. Kaya ayaw na ayaw ng aking amaing si Exus ang makabuo tayo ng isa pang may lahing bellator."
"Isa pa iyang amain mo. Sagabal sa mga plano nating dalawa. Gusto ko nang umuwi."
Hindi naman na siya umimik pa.
NANG makauwi kami sa bahay ay diretso ako agad sa aming silid upang magpalit ng aking damit.
"Saan ka pupunta?" aniya sa aking likuran.
"Papasok sa unibersidad," sagot ko.
"Mocha," tawag niya sa akin. Napatigil ako sa pagsusuot ng aking sapatos.
"Hindi ka ba masaya?" Nakuyom ko ang aking mga kamao.
"Bakit mo naman na itanong sa akin iyan?" tanong ko pabalik.
"Hindi ka masaya."
Naibalibag ko ang aking sapatos.
"Masaya ako Alquin! Sobra!" mariing wika ko.
Napatingala ako at nasapo ang aking batok.
"Nagsisinungaling ka."
Naibalibag ko ang aking mga gamit dahil sa pangungulit niya sa akin. Hinarap ko siya.
"Masaya? Sige nga! Sabihin mo sa akin paano ako magsasaya gayong kahit nasa sinapupunan ko pa lamang ang sanggol na ito'y nanganganib na siyang mawala sa atin! Paano Alquin!? Sabihin na nating nailigtas natin siya at naisilang ko siya ng maayos pero paano sa paglabas niya!? Anong buhay ang ibibigay natin sa kanya!? Hindi ba't kaguluhan pa rin! Hindi mo ako naiintindihan! Magiging ina na ako at responsibilidad kong bigyan ng mapayapang buhay ang magiging anak natin!" paglalabas ko ng sama ng loob.
Humakbang naman siya palapit sa akin at pinahiran ang aking magkabilang pisngi. Natilan ako sa kanyang ginawa.
Hindi ko man namalayan ang aking pagluha.
"Paano pala kapag nawala ako? Hindi mo kakayaning palakihing mag-isa ang anak natin?"
Umawang ang aking labi at malakas ko siyang nasuntok sa kanyang balikat.
"Huwag mo akong binibiro ng ganyan."
Dumapo naman ang kanyang palad sa aking kanang pisngi.
"Alam mo kung gaano kita kamahal. Lahat nang makakabuti sa iyo'y hinangad ko. Lahat nang posibleng kalayaan ay inasam ko para sa iyo. Labis kitang naiintindihan. Alam kong kahit napakatigas ng iyong ulo'y alam kong inaalala mo lamang ako. Pero mahal ko, alam mong sa mundong ginagalawan nating dalawa ay may konti pa ring kalayaan tayong matatamasa. Gusto kong pagkatiwalaan mo lahat nang desisyon ko."
Mabilis ko siyang niyakap habang sunod-sunod sa pagtulo ang aking mga luha.
"Huwag na huwag kang gagawa ng mga bagay na hindi ko alam, Alquin. Magtatampo talaga ako sa iyo."
Hinigpitan naman niya ang kanyang yakap sa akin.
MATAPOS ang usapan naming iyon ni Alquin ay ipinagpaliban ko ng isa pang araw ang pagpasok namin sa unibersidad. Ngunit ang araw na iyon ay kay bilis na dumating at heto kami ngayon ni Alquin sa pasilyo. Papasok na siya sa kanyang klase at ganoon din naman ako.
"Mocha!" Napatigil ako sa paghakbang at agad na nilingon si Erna. Amoy pa lang hindi ko na gusto. Amoy malandi!
"Bakit!?" naka-arko ang aking kilay na sagot sa kanya.
"Nakikiusap ako sa iyo Mocha, hayaan mo akong makipagkita kay Alquin!" Sa lakas ng boses niya'y nabulabog ang mga bata.
Nagsitayuan ang mga ito upang makiusyuso ngunit agad kong isinarado ang pinto.
"Upo!" sigaw ko sa mga bata.
Matalim kong tinitigan si Erna at pumasok sandali sa loob ng aking klase.
"Pahina, dalawang daan at dalawumpo't tatlo! Mula diyan ay simulan niyong ememorya ang mga tula. Babalik ako agad," bilin ko sa mga bata.
Lumabas ako ulit sa aking klase at hinila palayo si Erna.
"Nahihibang ka na ba!? Ano pa ba ang gusto mo!?" galit kong wika habang hila si Erna at dinala ko siya sa likod ng gusali ng unibersidad.
"Gusto ko lang naman makita si Alquin! Iniiwasan niya ako," umiiyak niyang ani.
Humalukipkip ako.
"Wala akong pakialam kung ayaw makipagkita sa iyo ng aking nobyo. May sarili siyang pag-iisip! Puwede ba Erna? Bago ako mapuno sa iyo, tumigil ka na at huwag kang gagawa ng gulo! Binalaan na kita!"
Tumalikod na ngunit muli niya akong hinila.
"Buntis ka!?" anito. Kumunot ang aking noo.
"Buntis ka!? Naaamoy ko. Ngunit paano? Mahirap sa mga kagaya niyo ang bumuo lalo pa't kailangan niyo pa ng isang mortal o kaya'y anyong taong immortal para makabuo! At hindi immortal si Alquin! Maari pa rin siya masawi dahil kagaya ko'y isa rin naman siyang lobo. At hindi siya ang itinakda sa iyo! Hindi papayag ang pinunong Exus na magkaroon ng lahi sa mga kagaya ninyo!"
Pumalakpak ako ng maraming beses habang ang ngiti sa aking mga labi ay abot hanggang aking tainga.
"Ang dami mo namang alam Erna. Dapat ka nang itumba," nakakaloko ko pang wika habang nakatawa.
Napalunok naman siya. Humakbang ako palapit sa kanya.
"Alam mo ba kung anong magandang gawin sa isang patay na lobo? Puwede i-desenyo sa pader."
Napaupo siya nang maitulak ko ng konti.
"Duwag."
![](https://img.wattpad.com/cover/93970452-288-k941928.jpg)
BINABASA MO ANG
HIS EXTRAORDINARY KNIGHT [Zoldic Legacy Book 6]
VampiroZoldic Legacy Series 6 Hindi inakala ni Mocha na ang misyong inaatas sa kanya ay ang magdadala sa kanya sa isang hindi kanais-nais na pangyayari. Ang akala niya'y magiging madali ang lahat. Ngunit hindi niya inaasahang sa pag-apak niya muli sa Isla...