HMK-17
MATAMAN kong pinagmasdan ang suot kong singsing. Hindi naman magara ngunit maituturing ko pa ring espisyal para sa akin.
Napatihaya ako at pinagmasdan ang kalangitan. Nakahiga ako sa damuhan habang ang malamig na simoy ng hangin ay yumayakap sa aking katawan. Huminga ako ng malalim. Sumagi sa aking isipan kung mamumuhay din ba akong kagaya ng aking kapatid na si Kanyue at ang aking mga pinsan sa isang normal na takbo nang pagkakaroon ng isang pamilya kasama si Alquin. Binabalanse ko pa lamang ay parang imposible na.
Sa sitwasyon naming dalawa ay masiyadong kumplikado. Laging panganib ang nakaambang sa aming dalawa ni Alquin.
Minsan ay gusto ko na ang magprotesta. Pinangarap ko rin ang mabuhay ng simple. Sa ilang daang taon ay puro panganib, digmaan at kahasikan ng lagim ang aking nakakasalamuha. Ibig ko ring mabago man lang ng konti ang aking kapalaran.
Napabuga ako ng hangin.
"Luna..." anas ko sa kawalan.
Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit agad din naman akong nagdilat nang bigla na lamang akong nakarinig nang pagkalansing nang nagbabanggaang mga sandata. Agad akong napabangon.
Galing ang ingay na iyon sa loob mismo ng bahay ni Alquin. Diresto akong napatakbo nang matulin at nang masipa ko ang pinto ay ang nanghihinang itsura ni Ericka ang aking naabutan. Habang si Alquin naman ay nasa harapan nito at hawak ang isang matalim na espada.
"Alquin!" tawag ko sa kanya.
"Sabihin mo na kaya kay Angelika ang nangyayari sa kapatid niya mahal ko," aniya.
Kumunot naman ang aking noo nang bumaling sa akin si Ericka at para bang hindi niya na ako nakikilala.
Nasapo ako ang aking noo.
"Itigil mo iyan!" sita ko kay Alquin. Mabilis naman niyang nakuha kay Ericka ang sandatang hawak nito. Lumapit ako kay Ericka, akmang susugurin niya na sana ako ngunit mabilis siyang binalibag ni Alquin sa pader. Nawalan na naman ito nang malay.
"Anong ginawa mo!?" bulalas ko at pinandilatan si Alquin.
"Pinakakalma ang isang mabangis na leyon?" patanong niya pang sagot sa akin. Inis akong pumalatak at dinapot si Ericka. Hindi nawawalan ng malay ang mga kagaya namin ngunit nagagawa ni Alquin na gawin iyon kay Ericka. Nakagat ko ang aking labi. Paano niya kaya iyon ginagawa?
"Bukas na bukas din ay ihahatid natin siya sa daungan. Isang tawag ko lang kay Zsakae ay darating na iyon," wika ko at binuhat si Ericka para dalhin muli sa kanyang kulungan.
Nang bumalik ako kay Alquin ay nakalumbaba ito habang nakaupo sa kanyang silyang nababalutan ng makapal na gawa sa katad.
"Mocha," tawag niya sa akin. Agad din namang umarko ang aking kaliwang kilay.
Sumenyas siya sa akin na lumapit. Lumapit din naman ako. Bigla niya ang hinila at diretsong naupo sa kanyang kandungan.
Bigla niyang kinagat ang aking leeg. Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang kanyang pangil na dumidiin sa aking balat. Ang mga bisig niya'y yumakap sa aking baywang at mas lalo niya pa itong hinigpit, na para bang pinipiga niya ako. Nakuyom ko ang aking mga kamao upang labanan ang kanyang puwersa.
Nang lubayan niya ang aking leeg ay diretsong napasandal ang aking likuran sa kanyang matipunong dibdib.
"May balak ka bang paslangin ako?" halos pabulong ko nang tanong sa kanya. Pino niya naman akong tinawanan habang ang dinidilaan niya ang aking leeg.
"Masarap ka kasing pagkain."
Malakas ko siyang siniko sa kanyang tagiliran. Umungol lang siya.
"Paano kung bigla akong mawala?" wika ko.
Bigla naman nitong nakuyom ang kanyang mga kamao.
"Papatayin ko lahat ang mga hindi makapagsasabi kung saan ka man naroon."
Umismid ako sa kanyang sinabi.
"Kahit pa makalaban mo si Steffano?" hamon ko pa sa kanya.
"Malabong maging kaaway ko ang bagong pinuno ng mga Zoldic. Nakalimutan mo na bang ako ang nag-iisang tanging lunas sa anak niyang si Cereina, sa pamangkin mo."
Laglag naman ang aking mga balikat.
"Inaasahan mo ba silang darating dito?" tanong ko.
"Kailangang ako mismo ang magsalin ng dugo ko kay Cereina." Napatango ako. Maselan ang gagawin niyang pagsasalin. Hindi naman ako nababahala ro'n dahil mas nababahala ako sa aking pamangkin.
Ginagap naman niya ang aking kamay at pinaglaruan ang singsing na nasa aking kaliwang daliri.
"Mamumuhay tayo kagaya ng gusto mong mangyari mahal ko," aniya. Napangiti ako.
"Alam ko, maging ikaw ay gusto rin ng katahimikan."
"Konting panahon pa. Magiging malaya rin tayong dalawa." Hinagkan naman niya ang aking noo.
GAYA nang usapan namin ni Alquin ay dinala namin sa daungan si ang walang malay na katawan ni Ericka. Karga ni Alquin si Ericka habang ako naman ay pinakikiramdaman ang presensiya ni Zsakae sa paligid.
"Luna..." sambit ko sa kawalan.
Malakas na hangin mula sa karagatan ang sumalubong sa akin. Bibigkasin ko na sana ang kasunod ngunit napatigil ako nang maramdaman ko ang presensiya ni Kanyue.
Napalingon ako sa batuhan na kung saan humahampas ang malalaking alon ng karagatan. Umismid ako nang makita ko ang aking kapatid na nakatayo roon habang nakapamulsa.
Sa isang kurap ng aking mga mata ay siya namang paglitaw niya sa aking harapan.
"Naligaw ka yata?" tanong ko.
Ito naman ang umismid. Nagbago ito ng kanyang anyo.
"Mapanganib ang iyong kasama," sagot niya.
Humalukipkip ako.
"Ano ba ang pakialam mo?" nakataas kong kilay kong ani.
"Kahit pa ang turingan nating dalawa ay parang magpinsan lamang, at kahit itinatanggi nating dalawa na ganoon lang tayo'y hindi mo pa rin maitatanggi na dugo at laman natin ay iisa. Ikaw ang unang prinsesa ko. Nararapat lang siguro na makialam ako lalo pa at ako ang nakatatanda mong kapatid."
Umigting ang aking panga.
"Hindi ba't ginusto mo naman ding palabasin sa lahat na magpinsan lang tayo? Bakit parang naging kasalanan ko pa? Kuya..." mariing wika ko sa huli.
Pino naman niya akong tinawanan.
"Nagtatampo ka na ba sa akin ngayon, kapatid ko? Hindi ba't utos ni ama na palabasin iyon upang huwag kang balikan ng mga bellator," aniya at matalim pang pumaling kay Alquin.
Pero tumawa naman ito sa huli.
"Nakalimutan ko. Umibig pala ang nag-iisang natitirang lahi ng mga bellator sa nag-iisang unang prinsesa ng mga Zoldic," aniya at hinakawan ang ilang hibla ng aking buhok.
Nakagat ko ang aking labi. Sa tuwing ipinaaalala nilang napakaimportante ko sa angkan namin ay parang tinatarak ang aking dibdib dahil sa pasaning nakaatas sa akin.
BINABASA MO ANG
HIS EXTRAORDINARY KNIGHT [Zoldic Legacy Book 6]
VampireZoldic Legacy Series 6 Hindi inakala ni Mocha na ang misyong inaatas sa kanya ay ang magdadala sa kanya sa isang hindi kanais-nais na pangyayari. Ang akala niya'y magiging madali ang lahat. Ngunit hindi niya inaasahang sa pag-apak niya muli sa Isla...