HEK-11
NAKAUPO ako ngayon sa tabi ni Ericka. Inaayos ko ang kanyang suot na damit.
"Alam mong matagal pa siyang magkakamalay," wika ni Alquin sa aking likuran.
Bumuntong-hininga ako.
"Alam ko ang bagay na iyan," sagot ko. Tumayo na ako. Umuna si Alquin mula sa paglabas ng silid, bago ako sumunod ay pasumandali pa akong tumigil upang sulyapan si Ericka bago isinara ang pinto.
"Ano ang balak mong gawin ngayon?" tanong niya nang makalabas ako ng silid. Nakasandal siya sa pader habang nakapamulsa.
Ginaya ko siya at huminga ng malalim.
"Bakit hindi mo unang paslangin si Erna?" Nakataas ang aking kilay.
"Kaya kong gawin ang nais mo ngunit may pakinabang pa siya sa akin," sagot niya. Umigting ang aking panga at umayos sa aking pagkakatayo.
Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata at tinalikuran na siya. Tinungo ko ang silid na pinagdalhan niya sa akin noong unang pumarito ako rito. Nang marating ko ang silid ay agad kong hinubad ang aking damit at itinapon sa silyang nababalutan ng katad na kulay asul.
Dahan-dahan akong bumaba at agad kong nadama ang malamig na tubig na lumulukob sa aking katawan. Agad kong binasa ang aking sarili at hinaplos ang buo kong katawan. Tumingala ako upang salubungin ang tubig na umaagos mula sa itaas ng malaking bato.
Napalingon ako agad kay Alquin nang mapuna ko siyang umupo sa silyang pinaglagyan ko ng aking mga damit.
"Hindi ba't mas maganda kung kasama mo ako diyan?" Agad na umangat ang isang sulok ng aking labi.
"Wala ako sa kundisyon," sagot ko habang hinahagod ang sarili kong katawan.
"Sabihin mo nga sa akin Mocha? Alam kong may iba ka pang misyon sa isla Herodes bukod sa paghahanap sa akin."
Napatigil ako sa aking narinig at nilingon siya.
"Bakit mahal ko? Nasasabik ka na bang malaman ang totoo kong pakay?" nakaismid ko rin namang wika. Payak naman siyang tumawa.
Nagulat na lamang ako nang bigla siyang lumitaw sa aking likuran habang ang mga palad niya'y nakalapat na sa aking tiyan.
Hinagkan niya ang aking leeg.
"Balak mo ba akong ibigay kay Steffano?" bulong niya sa aking tanga. Napalunok ako.
"Kailangan ko ang dugo mo," sagot ko. Pinaharap niya ako sa kanya.
"Dahil kay Cereina," aniya nang hindi naman patanong.
"Hindi maganda ang kalagayan niya at ikaw lang ang makagagamot sa kanya. Dahil sa lasong ibinigay sa kanya ni Akesha ay hindi siya lumaking maayos ngayon. Hindi niya nagagawa ang mga bagay na gusto niya."
Napayuko ako at humilig sa kanyang dibdib. Masuyo naman niyang hinaplos ang aking pisngi at bumaba sa aking leeg.
"Tutulungan ko siya," aniya na ikinatuwa naman ng aking kalooban. Agad akong kumapit sa kanyang batok at yumakap sa kanya.
Sunod-sunod naman niyang hinagkan ang aking mukha pababa sa aking leeg. Kinabig niya ang aking batok at diretso akong idinikit sa malaking bato. Napaliyad ako nang maramdaman ko agad ang kanyang sandata sa aking gitna.
"Ah!" ungol ko nang magsimula siyang bumayo. Mahigpit akong kumapit sa kanyang magkabilang balikat. Bumaon ang aking mga kuko sa kanyang likuran. Naihampas ko ang aking kanang palad sa malaking batong kinasasandalan ko nang sagarin niya ang pagbayo sa akin.
"Alquin! Ah!" muling hiyaw ko.
Sinakop ng mga labi niya ang matatayog kong hinaharap. Gigil na gigil niyang nakagat ang aking dibdib at ang bawat parte ng aking katawan. Sunod-sunod ang naging sugat ko sa katawan at sunod-sunod din naman ang paggaling nito.
Inangat niya ang aking mga hita at mas lalong diniinan pa ang paggalaw niya. Isa pang bayo at pareho naming naabot ang sukdulan. Muli niya akong hinagkan at walang alinlangan ko rin naman itong tinugon. Hinugot niya ang kanyang sandata sa akin at biglang nawala sa aking harapan. Nang bumalik ito'y hawak-hawak niya na ang malaking balabal. Itinapi niya ito sa aking kahubadan.
"Nasaktan ba kita?" tanong niya na agad din namang ikinailing ng aking ulo.
"Ipangako mo sa aking hindi mo ilalagay sa kapahamakan ang iyong sarili," wika ko.
Hinaplos naman niya ang aking kanang pisngi.
"Sila ang mapapahamak sa akin," aniya at hinagkan ang aking noo.
Kinayag na niya ako papunta sa kanyang silid at doon na rin ako nakapagbihis. Nang matapos ako'y saglit pa siyang nawala at nang magbalik ay may mga dala na siyang libro.
"Aalis muna ako. Mga bago ang librong iyan at siguradong matutuwa kang mabasa ang lahat nang laman niyan."
Hindi ako sumagot at tumango lamang. Inayos ko ang aking bestida.
"Babalik ako agad."
"Alam ko, hindi mo na ako kailangan paalahanan," sagot ko naman habang inaayos ang aking magulong buhok. Nilingon ko siya nang mapunang hindi pa pala ito nakaaslis.
"Bakit?" taka kong tanong.
"Wala man lang ba akong halik na pabaon?" pilyo niyang ani.
Inirapan ni Erna.
"Ulo ni Erna? Gusto mo ba mahal ko?" sarkasmo kong sagot sa kanya. Pino naman siyang napatawa sa akin.
"Mainit talaga ang ulo mo kay Erna."
"Kailangan mo pa bang itanong iyan? Umamin ka nga sa akin Alquin? Isa ba si Erna sa mga naging paraosan mo habang wala pa ako?" tiim bagang kong tanong sa kanya.
Muli siyang napatawa ng pino.
"Nagseselos ka ba?"
"Kung itatanggi ko'y maniniwala ka ba? Natural!" inis kong sagot.
Bigla naman siyang lumitaw sa aking likuran at agad na niyapos ang aking manipis na baywang. Hinagod niya ang kurba ng aking balakang at hinagkan ang aking batok.
"Hindi ko magagawang makipagsiping sa iba sapagkat alam kong hindi mo gugustuhin iyon na mangyari o kahit sa imahinasyo mo. Dadami ang mapupugutan kapag nagkataong ganoon nga ang ginawa ko."
Humarap ako sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha.
"Naging tapat ka sa akin simula nang lisanin kita. Pakiramdam ko'y hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal na ibinibigay mo sa akin," wika ko at bahagyang nakagat ang aking ibabang labi.
"Kailanman ay hindi ko inisip na suklian mo ng higit pa sa pagmamahal ko ang pagmamahal na iaalay mo sa akin. Ang pagmamahal ko para sa iyo'y walang kondisyones na ipinapataw."
Hinagkan niya ako na siya rin namang aking tinugon.
BINABASA MO ANG
HIS EXTRAORDINARY KNIGHT [Zoldic Legacy Book 6]
UpířiZoldic Legacy Series 6 Hindi inakala ni Mocha na ang misyong inaatas sa kanya ay ang magdadala sa kanya sa isang hindi kanais-nais na pangyayari. Ang akala niya'y magiging madali ang lahat. Ngunit hindi niya inaasahang sa pag-apak niya muli sa Isla...