HEK-10

5.1K 189 3
                                    


NANG makita ko si Ericka at agad ko siyang kinabig palabas. Nagkabanggaan pa kami ni Alquin pero wala ni isa sa amin ang natinag. Mariin ko lamang siyang tinapunan ng masamang tingin bago ako tuluyang umiwas.

"May problema ba ate?" nagtatakang tanong naman ni Ericka sa akin. Hinagod ko ang kanyang kanang balikat. 

"Wala ito Ericka. Umuwi na tayo," wika ko. 

NANG makarating kami sa bahay ay agad akong nagpalit ng damit. 

"Ate, may lakad ka po?" Bumaling ako kay Ericka.

"Oo. Sandali lamang ako. Huwag ka na lalabas ng bahay. Kapag alam mong may mangyayaring hindi maganda, alam mo na kung saan ka magtatago. Naiintindihan mo ba ako Ericka?" 

Panay ang kanyang pagtango at bigla naman akong niyakap. Bahagya ko lamang ginulo ang kanyang buhok. Agad ko siyang iniwan at tumalon paakyat sa bubongan ng bahay. Tinungo ko ang bahay ni Alquin. Bahagya pa akong tumigil upang magmasid muna sa aking paligid dahil baka'y may nakasunod na sa akin. 

Nang masiguro kong walang banta sa aking paligid ay agad akong naglaho at tumunghay sa bukana ng bahay ni Alquin. Itinulak ko ang pinto. Ang isang matalim na espada agad ang sumalubong sa akin. Napaliyad ako ng todo na halos sumayad na ang aking ulo sa sahig. Tumarak ang espada sa pinto. Napatayo ako ng tuwid.

"Sayang," sambit ni Alquin. 

"Hangal," sagot ko naman.

"Nangulila ka na naman ba sa akin mahal ko?" Agad na naningkit ang aking mga mata.

"Hindi ka nakakatuwa. Nagpadala sa akin ng sulat si Steffano. Alam na ng mga Seltzer na nandito ako sa isla Herodes, hindi mo ba alam na aligaga na sila ngayon sa paghahanap sa akin? O 'di kaya'y alam na nila dahil sa pakialamera mong linta na si Erna?" wika ko habang nakahalukipkip.

Pino naman siyang napatawa at bumaba sa mula sa pagkakaupo niya sa mala luklukan niyang silya.

"Masiyado kang kabado mahal ko. Hindi ka nila magagalaw hangga't buhay pa ako," aniya at humakbang palapit sa akin. Niyapos niya ang aking baywang.

"Pinagseselosan mo ang alagad kong si Erna," aniya. Agad na umarko ang aking kilay. 

"Alagad? Alagad ba ang isang tawag sa taong kung makalapit sa iyo ay daig pa ang isang nobya?"

Hinaplos naman niya ang aking kanang pisngi.

"Alam mong ginagamit ko lamang si Erna para may mga mata ako lungga namin. Hindi ka dapat mabahala sa kanya."

"Nakikialam siya at hindi ako tanga," mariin kong giit.

"Ako na ang bahala sa kanya Mocha. Hindi mo ang takbo ng utak ng babaeng iyon." Umatras ako at inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa aking baywang.

"Mas kilala mo ako kung paano ako magalit. Sa oras na malaman kong natunton na ako, tutuluyan ko iyang alagad mong walang kuwenta!" galit kong saad at tinalikuran na siya. Ngunit agad din naman siyang tumunghay sa aking harapan. 

"Nagpunta ka ba rito para pagalitan lang ako?" 

Pinaikot ko ang aking mga mata ngunit agad din naman akong natigilan ng biglang magbago ang kulay ng mga mata ni Alquin.

"Si Ericka," aniya na agad din namang ikinakunot ng aking noo.

"Anong mayroon kay Ericka?" tanong ko ngunit agad din naman akong natigilan.

"Hindi!" sambit ako at dali-daling nawala sa harapan ni Alquin. Agad akong umuwi.

Nang makauwi ako'y ang wasak na bahay ko ang agad na bumungad sa akin.

"Ericka!" sigaw ko at pinag-aalis ang nagkayupi-yuping bubongan ng aking bahay.

"Ericka!" muling sigaw ko. Inalis ko ang mga kahoy. Nang alisin ko ang isa pang haligi ay agad kong nakita ang kamay ni Ericka.

"Ericka!" bulalas ko.

Buong puwersa kong inalis ang malaking yerong nakadagan sa kanya. Napasinghap ako nang makita ko ang duguan niyang itsura. Ang dami niyang sugat sa katawan. Agad akong naghagilap ng basahan. Inilapat ko ito sa kanyang sugat sa tiyan. Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko.

"E-ericka? Naririnig mo ba ako, ha? Ericka? Sumagot ka!" Marahan kong tinapik ang kanyang magkabilang pisngi. Hindi siya gumagalaw ngunit naririnig ko pa ang mahinang pintig ng kanyang puso.

"Ericka, gumising ka! Pakiusap!" sumamu ko kasabay nang pagyakap ko sa kanya. Hinagkan ko ang kanyang noo. Gumalaw ng bahagya ang kanyang mga daliri sa kamay. Konti na siyang nagkakamalay. Nasapo ko ang aking noo dahil sa matindi kong pag-aalala sa kanya. Pilit niyang ibinubuka ang kanyang bibig ngunit hindi niya kaya.

"Ssh! Huwag ka na magsalita, dadalhin kita sa pagamutan," naluluha kong sambit. 

"Hindi na siya aabot," wika ni Alquin sa aking likuran. Nakuyom ko ang aking mga kamao.

"Bakit hindi mo siya gawing kagaya mo, natin." Napabaling ako sa kanya.

"Para ano? Para magdusa siya?"

"Hindi parusa ng Diyos ang pagiging kakaiba Mocha."

"Maraming dugo ang nawala sa kanya, baka hindi niya kayanin," nag-aalala kong wika.

"Kaya niya. Gawin mo na," utos niya. Ayaw ko man ngunit sinunod ko si Alquin. Kahit walang permiso ni Ericka ay isinagawa ko ang ipinagbabawal na ritwal, mabuhay ko lamang siya muli.

"Atlas Orbis omnipotens, dona mihi animam meam velle et offerre tibi eam," sambit ko sa kawalan.

Agad kong binago ang aking anyo. Hinawi ko ang buhok na nakatakip sa kanyang leeg at agad itong kinagat. Imbes na sipsipin ko ang kanyang dugo ay ipinasa ko sa kanya ang lason na nagmumula sa aking mga pangil. Mariin akong napapikit at mas kinagat ng todo ang kanyang leed hanggang sa maramdaman ko na ang kanyang litid. Bahagyang siyang nangisay at agad din namang tumigil ang kanyang katawan sa paggalaw. Nilubayan ko ang kanyang leeg at napalunok. 

Bigla namang inagaw ni Alquin sa akin si Ericka at kanya itong kinarga.

"Mananatili siya sa bahay ko hanggang sa magkamalay siya. At ikaw? Simula ngayon ay sa akin ka na titira."

Hindi ko umimik at pinahiran ang aking duguan labi. Nakatuon lamang ang aking mga mata sa walang malay na si Ericka.

Nakaramdam ako ng pagsisisi. Alam kong may banta na sa akin ngunit nagpadalos-dalos ako at iniwan ng mag-isa si Ericka. Ibinilin siya sa akin ni Zairan. Ibinilin siya sa akin inay Lucinda at Angelika. Nakuyom ko ang aking mga kamao. Dapat ay isinama ko na lamang siya ngunit huli na ako at hindi ko na mababago ang nangyari na. Patawarin sana ako ng pamilya niya dahil sa ginawa kong pagbabago sa kanya.

HIS EXTRAORDINARY KNIGHT [Zoldic Legacy Book 6]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon