HEK-19
Akmang hahawakan ko sana ang kangang leeg nang bigla na lamang sumulpot sa aking harapan si Rosario. Umangat ang kanyang kanang kamay upang humanda na ako'y sakmalin ngunit laking gulat ko rin nang sumulpot si Alquin at ibinalibag si Rosario sa pader.
"Alquin..." sambit pa ni Erna.
Bigla niyang sinakal si Erna hanggang sa ito'y umangat na sa ere.
"Hindi ba't binalaan na kita? Hindi lang ikaw, pati ang kapatid mong hangal. Hindi ba't sa oras na dumantay ang mga kamay ninyo kay Mocha ay matatapos na ang kasunduan nating tatlo. Bakit sinuway ninyo akong dalawa!?"
Ibinalibag niya si Erna sa pader.
Umigting ang aking panga.
"Makakarating 'to kay pinunong Exus!" pagbabanta pa ni Rosario nang siya'y makabangon.
"May kasunduan kaming nilagdaan kaya wala siyang magagawa," sagot ko.
"Puwes! Sa akin kayo magbabayad!" bulyaw niya at akmang susugod ngunit hamarang sa kanyang harapan si Erna.
"Pakiusap! Hindi ko hahayaang saktan mo si Alquin, kapatid ko. Nakukiusap ako."
"Umalis ka sa harapan ko Erna! Tumigil ka na sa kahibangan mo!" bulyaw namang sagot ni Rosario kay Erna. Wala sa sarili kong naikot ang aking mga mata.
"Ayaw ko nang makinig sa mga drama ninyong dalawa. Umalis na tayo Alquin, hayaan mong magpatayan iyang dalawa."
Hinila ko na si Alquin pero bakas pa rin sa mukha niya ang matinding galit sa dalawa.
"Hindi pa tayo tapos Mocha!"
"Sige lang. Maghihintay ako ng tamang pagkakataon para paslangin ka. Magpalakas ka nang sa ganoon ay kahit isang kamay ko man lang ay kaya mong labanan."
"Hangal!" ani Rosario at papasugod muli ngunit buong puwersa naman siyang pinigilan ni Erna.
Umalis na kaming dalawa ni Alquin at kanina pa siya tahimik. Nasa tagong parke kami habang magkatabing nakaupo sa duyan.
"Tahimik mo yata?" wika ko sa pagitan ng matinding katahimikan.
Bigla naman niya akong nginitian.
"Marahil ay nakarating na sa aking amain ang balitang magkakaapo na siya."
Sumimangot ang aking mukha.
"Hindi ako natatakot. May nilagdaan kaming kasulatan at hindi na iyon mababago pa."
"Si Exus lang naman ang nakipagkasundo sa iyo, mahal ko. Hindi ang buong angkan namin. Hindi pa rin natin mapipigilan ang mga hindi sang-ayon sa bagong lahi na paparating," aniya habang ang ilang hibla ng aking buhok ay isinukbit niya sa aking kaliwang tainga.
"Sabihin na nating nakarating na nga sa iba. May magagawa ba sila para pigilan ang pagsilang ko sa sanggol na ito?"
"Etiam," aniya sa ibang lengguwahe.
Nagsalubong naman ang aking mga kilay.
"Hindi mo hahayaang mangyari iyon."
Ginagap naman niya ang aking kamay at hinagkan ito.
"Alam mong wala akong hinangad na kundi ang kaligayan mo."
Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi.
"Ipangako mo sa akin."
Hindi siya kumibo.
Hinagkan niya lamang ang aking noo pagkatapos ay may hinugot siya sa kanyang bulsa. Ibinigay niya sa akin ang isang maliit na papel.
BINABASA MO ANG
HIS EXTRAORDINARY KNIGHT [Zoldic Legacy Book 6]
VampireZoldic Legacy Series 6 Hindi inakala ni Mocha na ang misyong inaatas sa kanya ay ang magdadala sa kanya sa isang hindi kanais-nais na pangyayari. Ang akala niya'y magiging madali ang lahat. Ngunit hindi niya inaasahang sa pag-apak niya muli sa Isla...