HEK-20
Diretso ako agad na napatayo at tumakbo palabas ng tindihan.
"Teka po!" habol pa ni Stephanie sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pa.
Alam kong may nangyayaring hindi maganda kay Alquin. Hindi ko na maramdaman ang kanyang presensiya.
Panay na ang pagtulo ng aking mga luha sa mata. Hindi ko na rin maintindihan ang aking sarili. Nakararamdam ako ng matinding pagtatangis sa aking kalooban. Ni hindi ko na alintana na ang suot ko'y isang traje de boda.
NANG umabot ako sa bukana ng bahay ni Alquin ay ganoon na lamang ang aking gulat nang makita ang ilan sa mga taong lobo na duguan at nakahandusay sa damuhan.
Nanginginig ang aking buong katawan habang nagsisimula ko nang maikuyom ang aking mga kamao. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari.
Napakurap ako. Malayo pa lang ay kita ko na ang katawan ni Alquin na nasa ibabaw ng kanyang paboritong upuan. Wala siyang malay. Ni hindi ko maramdaman ang kanyang puwersa.
Humakbang ako.
Bigla namang may tatlong taong lobo na sumugod sa akin.
Isang balibag ko lang at kung saan-saan na bumagsak ang mga ito. Matinding galit ang nararamdaman ko. Mga litid ko sa katawan ay biglang nagsialsahan. Nanginginig ako sa sobrang galit.
Gusto ko ng kasagutan!
"Anong ginawa niyo!?" sigaw ko.
Bigla namang lumitaw sa harapan ko si Erna.
"Mocha, patawarin mo ako. Sinubukan kong pigilan ang kapatid ko na magsumbong kay pinunong Exus. Hindi ko siya napigilan!"
"Ikaw!" nanginginig kong sambit.
Sinugod ko siya at inagaw sa kanya ang hawak niyang espada na pagmamay-ari ni Alquin. Walang awa kong isinaksak sa kanyang dibdib ang matalim na espada. Ang dugo niya'y tumalsik sa aking mukha at sa aking suot na traje de boda.
"M-mocha..." naghihingalo niyang sambit.
"Binalaan na kita. Ubos na ang pasensiya ko! Ugh!"
Pumuti ang aking buhok at tuluyang humaba ang aking mga kuko. Binitawan ko ang walang buhay na katawan ni Erna.
"Magbabayad ka sa akin Rosario! Isinusumpa ko!" galit kong bulyaw sa kawalan.
Humakbang pa ako. Nagsidatingan naman ang iba pang mga tauhan ni Exus. Sa bawat nilalang na humaharang sa aking daraanan ay hindi nakaligtas sa hawak kong matalim na espada.
Hanggang sa umabot ako sa harapan ng katawan ni Alquin. Panay ang pagluha ng aking mga mata.
"Mocha..." tawag ni Catherine sa akin.
Bumaling ako sa kanya. Umiiyak siya habang nasa tabi niya si Steffano.
"Anong ginawa mo?" puno ng galit kong tanong kay Steffano.
"Kagustuhan niya ang nangyari. Natapos ko ang ritwal bago pa dumating ang mga alagad ni Exus. Nakuha ko na ang kailangan ko."
Mala demonyo akong napatawa habang sige pa rin sa pag-iyak.
"Buhay niya kapalit nang buhay ni Cereina? Iyon ba?"
"Mocha, hindi ko alam," umiiyak namang sagot ni Catherine sa akin.
"Umalis na kayo," mariing utos ko.
"M-mocha..." ani Catherine at akmang lalapit sa akin.
"Huwag ngayon Catherine. Hindi mo ako gugustuhing makita kung paano magalit," nakatiim-bagang kong ani.
"Hayaan mo," ani Steffano.
"Pero Steffano..."
"Tara na."
Napahikbi ako at hinila ang kanang kamay ni Alquin.
"Gumising ka," utos ko sa kanya. Sinuntok ko siya sa kanyang dibdib.
"Huwag mo akong binibiro ng ganyan! Ano ba!?" sigaw ko na.
Napatungo na ako.
"Bakit ayaw mong gumising? Alam mong hindi ko gusto na binibiro mo ako. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Kaya ba parang namamaalam ka na simula pa kagabi?"
"Alquin," tawag kong muli sa kanya.
"Ano ba!? Gumising ka!"
Pinagsusuntok ko siya pero wala pa rin siyang malay.
"Napakasinungaling mo talaga! Hindi ba't gusto mong makita na suot ko ang traje de bodang regalo mo sa akin?" Humagulhol ako ng matindi.
"Pakiusap mahal ko, gumising ka na..."
Mariin akong napapikit at napatingala.
"Ugh!" hiyaw ko. Sa lakas nang hiyaw ko'y nabasag ang lahat ng salamin sa buong bahay.
Niyakap ko siya. Sunod-sunod ko namang narinig ang alolong ng mga taong lobo. Huminga ako ng malalim at naglabas muli ng enerhiya upang basagin ang mga naglalakihang lampara sa aming paligid. Sinusunog ko ang buong bahay ni Alquin.
Binalingan ko ang walang malay niyang katawan at hinagkan ang kanyang labi.
"Alam mong hindi ko kakayanin ulit ang mawala ka sa akin. Alam mong kahit sa kabilang buhay ay susundan pa rin kita. Nangako ka sa akin. Nangako ako sa iyo."
Kinuha ko ang espada. Akmang itatarak ko na sana ito sa aking sarili nang bigla na lamang may humawak sa dulo nito. Duguan ang kanyang palad dahil sa talim ng espada.
Dahan-dahan akong bumaling kay Alquin.
"Pasaway ka talaga," aniya at napabangon. Inagaw niya ang espadang hawak ko. Umupo siya sa aking harapan habang nakapalumbaba. Ang kanang kamay naman niya'y panay ang pagpahid sa aking mga luha lalo na ang pag-alis sa mga dugong dumikit sa aking mukha.
"Hangal ka," inis kong wika.
Pilyo naman niya akong nginitian.
"Alam mong masama akong damo. Sandaling paglisan lang naman ang aking ginawa. Hindi ba sinabi sa iyo ni Steffano?"
Umawang ang aking labi.
"Pinaglaruan ka na naman ng iyong pinsan."
Sa inis ko'y nasuntok ko ang kanyang dibdib at akmang isusunod ang kanyang mukha ngunit agad niya naman itong sinalubong ng kanyang kaliwang palad. Bigla niya namang hinapit ang aking baywang at hinagkan ng mariin ang aking mga labi.
"Bagay sa iyo ang traje de boda mahal ko..." aniya pa ngunit kumunot din naman agad ang noo.
"Dinumihan mo nga lang..." dagdag niya pa.
Nakagat ko ang aking labi. Pinahiran niya muli ang aking basang mga pisngi.
"At sinunog mo ang bahay ko."
Umarko ang aking kilay.
"Hangal! Sinayang mo rin ang aking mga luha," pamemelosopo ko namang sagot.
"Aakalain nila na nagpakamatay ka nang kasama ako. Magaling ang ginawa mo."
"At hindi nakakatuwa iyon," sagot ko naman. Tumayo na siya at inalalayan din naman akong makatayo. Humarap siya sa akin.
"Magpapakalayo tayong dalawa. Sa darating na Luna sanguis. Babalik tayo ulit dito. Tatapusin natin ang lahing sinimulan nating dalawa."
Inilahad naman niya sa akin ang kanyang kaliwang kamay.
"Mocha, tinatanggap mo ba ako bilang iyong legal na asawa?"
"Etiam..." sagot ko.
"Te amo..."
"Te quoque amo," tugon ko.
Kasabay nang pakatupok ng bahay ni Alquin sa malakas na apoy ay siya ring pagkawala naming dalawa. At dito magsisimula ang kalayaang inaasam naming dalawa. At si Rosario? Sa pagbabalik ko. Siya na ang isusunod ko kay Erna.
~Wakas~
BINABASA MO ANG
HIS EXTRAORDINARY KNIGHT [Zoldic Legacy Book 6]
VampirZoldic Legacy Series 6 Hindi inakala ni Mocha na ang misyong inaatas sa kanya ay ang magdadala sa kanya sa isang hindi kanais-nais na pangyayari. Ang akala niya'y magiging madali ang lahat. Ngunit hindi niya inaasahang sa pag-apak niya muli sa Isla...