Buo na ang loob ko, susugod ako sa tirahan ng Diyos ng Kamatayan. Hindi lang upang iligtas si Hassein, kundi upang iligtas rin si Aravella. Naniniwala kasi ang Kartel na hawak nga ng Diyos ng Kamatayan si Aravella, dahil ito naman ang huling kasama ni Aravella bago ito maglaho at hindi na makita pang muli.
Nag-aalala ako para sa kanya. Binabagabag ako na isiping baka may nangyari sa kanyang masama o kagimbal-gimbal dahil ilang taon na rin siyang hindi nakikita o naririnig man lang ng mga tao. Dati kasi, kahit bihag siya ni Xyron Turon, o kahit ng mga Centurion, nakakagawa pa rin siya ng paraan upang magkita kami o magkasama. Pero ngayon ay kahit mga kwento man lang tungkol sa kanya ay wala akong naririnig. Sa katunayan, para siyang hindi nabuhay noon.
Kaya ako na ang gagawa ng paraan upang alamin kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanya. Gustong-gusto ko na rin talaga siyang makita. Siguro nga nangungulila na ako sa kanya, at hindi ko lang agad na namalayan. At si Rowan, malaki ang kagustuhan kong makita si Aravella upang makilala na rin siya sa wakas ng aming anak, at upang mabuo na ang aming pamilya. Sa tuwing naiisip ko nga na malapit nang mabuo ang aming pamilya ay bigla na lang akong namumula at sumasaya. Bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi na ako mapakali kapag naiisip kong maaaring magkasama na kaming tatlo kapag magtagumpay na kami sa binabalak naming pagsugod sa Torre ng mga Bathala.
Letsugas, kinikilig nga yata ako sa ideya na may pamilya na ako eh. Parang nakakatuwa lang kasing nagkaroon ako ng anak tapos makakabalik pa si Aravella. Tangina ang sarap siguro nun kapag nangyari yun.
Pero dahil hindi ko isasama si Rowan sa napipinto naming paglusob sa Diyos ng Kamatayan, naramdaman ko agad na nagtatampo siya sa akin. Nakasimangot lang kasi ito buong araw sa kanyang silid at nag-iiwas sa akin ng tingin kapag kinakausap ko siya. Nabigla naman ako doon at parang sumama din ang pakiramdam ko.
"Rowan...bakit di mo ako kinakausap?" Prangkang tanong ko naman sa kanya agad. "May hinanakit ka ba sa'kin?"
Tila nagulat naman yata siya sa sinabi ko. "P-Po? Wala po akong hinanakit, ama---!"
"Kung ganun bakit hindi mo ako pinapansin?"
"W-Wala po yun... Malungkot lang po a-ako..."
"Malungkot ka ba dahil hindi kita pinayagang sumama sa akin sa pagsugod kay Zafaro?"
Hindi siya nakasagot at sa ibang direksyon na ulit siya nakatingin. Napabuntong hininga na lang ako. Ang totoo, gustong-gusto ko naman talaga siyang isama. Sa katunayan gusto ko siyang palaging kasama kahit saan ako magpunta. Ayoko siyang mawala sa paningin ko, dahil may takot na rin ako na baka mawala siya, pero ayoko na talagang mapahamak siya sa pagsama-sama niya sa akin.
"Eh di nagtatampo ka nga. Rowan, anak. Pwede ba makinig ka na lang sa'kin? Ayoko lang na mapahamak ka na naman. Naiintindihan mo ba?"
"Gusto ko po kasing tumulong sa inyo. Gusto ko na kasing mailigtas ang aking ina..." sagot niya naman na nakayuko na ngayon ang ulo. "Matagal ko na talaga siyang gustong makita. Hindi ko kasi alam ang kaniyang itsura. Ikaw kasi ama, ang sabi naman ni Lolo Taragis medyo kamukha kita, kaya parang nahulaan ko na agad na ganyan nga ang itsura mo. Pero ang aking ina, wala talaga akong kaalam-alam kung ano ba ang itsura niya..."
Nalungkot naman ako dun sa sinabi ni Rowan. At nakita ko rin ang sarili ko noon sa kanya, noong mga panahong nangungulila pa ako sa aking ina. Halos pumayag na nga akong isama si Rowan sa gagawin namin, yun nga lang natauhan ako nang maalala ko na baka makaharap namin ulit sina Divan doon sa torre na yun. Nakikitiyak kasi akong si Rowan ang pupuntiryahin nila sakaling kasama ko siya upang masaktan ako. Hindi ba't ganun naman sa mga palabas sa bayan? Sasaktan ng mga kalaban ang anak ng bida upang maguluhan ang bida. Tapos bibihagin pa ito at tututukan siya ng patalim sa leeg habang nagmamakaawa ang bida na huwag saktan ng kontrabida ang kanyang anak. Alam na alam ko na ang mga ganung eksena.
BINABASA MO ANG
Quiarrah
FantasyCollaboration with Hraefn Ang pinakagwapong bida sa balat ng mala-telepantasyang Wattpad story. At ang pinakamaalindog na dalaga sa mundong hindi mo inakala. Ito ang kwentong may malakas na fighting spirit. SOON TO BE YOUR FAVORITE.