xxxxx
"Huwag mo siyang ipalapa sa mga alaga mo!" Pakiusap ko sa Mahal na Diyos habang umiiyak. Nakalutang pa rin kasi ako sa ere habang nakabaliktad kaya wala akong magawa. "Maawa ka..."
"Pakikinggan lamang kita Aravella, sa isang kundisyon," sagot naman ng Diyos ng Kamatayan na tila tuwang-tuwa sa pagdating ng mga tinatawag niyang Chimaera Infantes.
Sa totoo lang nangilabot ako nang makita ko ang mga halimaw na ito. Hindi maipagkakaila na mula sila sa Butas, dahil mukha silang nilikha mula sa kadiliman. Mayroong pitong mga Chimaera ang nasa paligid namin na naririnig ko pang umaatungal na parang mga bata. At nang makita ko ang isa sa kanila na sinakmal si Rowan ay napasigaw na ako nang pagkalakas-lakas.
"Pigilan mo na sila! Nagmamakaawa ako!"
"Aravella, Aravella. Lahat ng bagay ay may kapalit."
"Ano ang kundisyon mo!? Makikinig ako!"
Malapad ang ngiti na ibinigay ng Mahal na Diyos sa akin. "Simple lang, Aravella. Ibibigay mo sa akin ang mga piraso ng Quiarrah na nasa iyo."
Natigilan ako doon. Hindi pwede iyon. Ito na lamang kasi ang tanging pag-asa ko na matalo siya, kaya't hindi niya ito maaaring makuha. Kaya ko nga binalot ng ginto ang katawan ko upang hindi niya makuha ang mga ito sa akin habang tulog ako.
Pero paano si Rowan? Hindi ko rin siya maaaring pabayaan. Kailangan ko siyang iligtas. Naguguluhan na ako, dahil sa oras na isuko ko na ang mga piraso ng Quiarrah sa Diyos ng Kamatayan ay mawawala na rin ang tangi naming pag-asa na matalo siya. Pero wala nang mas mahalaga pa ngayon sa buhay ng anak ko.
"Nagugutom ako! Nagugutom ako!"
Mukhang gusto na ring sugurin ng ibang mga Chimaera si Rowan, kaya wala na akong nagawa. "Oo na! Ibibigay ko na ang mga piraso ng Quiarrah! Basta paalisin mo ang mga alaga ko!"
Tumango ang Mahal na Diyos. "Makakaasa ka, Aravella. May isa akong salita. Mga Sundo ng Kamatayan, inuutusan ko kayo, bumalik na muna kayo sa Butas!"
"Ayaw ko! Ayaw ko!"
"Nagugutom ako!"
"Bumalik na kayo sa Butas! Bitiwan niyo ang batang yan!" Sigaw pa niya na may kasamang hindi nakikitang pwersa. Narinig ko na parang mga asong nag-iyakan ang mga Chimaera na lumipad agad pabalik sa Butas.
Nakita ko ring napaupo sa semento si Rowan na may duguang braso kung saan siya nakagat ng halimaw, at kitang-kita ko sa mukha ng anak ko ang sakit na pilit niyang tinitiis. "Rowan, anak umalis ka na!"
Pero ang Mahal na Diyos ang sumagot sa akin. "Ang kagat ng mga Chimaera Infantes ay may sumpa. Kailangan magamot agad ang iyong anak, Aravella. Dahil ikamamatay niya ang kagat ng aking mga alaga."
"Ano?"
"Tinupad ko na ang sinabi mo. Ngayon, nasaan na ang mga piraso ng Quiarrah?"
"Ibaba mo muna ako."
Sa isang kumpas ng kanyang kamay ay dumikit ang katawan ko sa malamig na semento. Agad kong nilapitan ang aking anak at niyakap ko siya. "Anak, ilalayo kita dito. Kailangan mong magamot ang sugat na tinamo mo."
BINABASA MO ANG
Quiarrah
FantasyCollaboration with Hraefn Ang pinakagwapong bida sa balat ng mala-telepantasyang Wattpad story. At ang pinakamaalindog na dalaga sa mundong hindi mo inakala. Ito ang kwentong may malakas na fighting spirit. SOON TO BE YOUR FAVORITE.