Prologue

24.2K 739 49
                                    

Maligayang pagdating sa buhay ko!

Ay potek, mali. Mali pala.

Maligayang pagdating sa mundo ko!

Ikaw, na nagbabasa ng aklat na ito, ay may dapat malaman sa mundo ko.

Una, nakatira ako sa isang mundo na nahahati sa apat na bansa. Sa hilaga, naroon ang kaharian ng mga pantas, ang Azoedia. Sa timog naman ay ang bansang Emeron, ang lugar ng mga manggagawa. Sa kanluran, ang bansa ng mga mandirigma, ang bansang Gaia. At siyempre sa silangan, kung saan ako nakatira, ang bansa ng mga mangangalakal, ang Arkhanta.

Ikalawa, mapayapa ang apat na bansa ngunit may isang bagay na pinag-aagawan nila. Isa itong lupain na kung tawagin ay Inggria. Bakit nila ito pinag-aagawan? Ayon sa alamat ay sa Inggria matatagpuan ang isang napaka-makapangyarihang bagay. Tinatawag nila itong Quiarrah. Sinasabing isa itong mahiwagang bagay na kayang tumupad ng kahit anong kahilingan.

Ngunit ikatlo, ang sinumang nagtutungo sa lupain ng Inggria upang hanapin ang Quiarrah ay hindi na nakakabalik pa ng buhay. Puno ng panganib at misteryo ang lugar at alam ng lahat na ang lupaing iyon ay isinumpa. Taon-taon, nagpapadala ang apat na bansa ng kanilang magigiting na mga mandirigma at manlalakbay upang hanapin sa lupaing iyon ang Quiarrah. At taon-taon silang nabibigo.

Ikaapat, kahit marami ang namamatay, nais parin ng mga bansa na mahanap ang Quiarrah at mapasakamay ang lupain ng Inggria dahil sa lupaing ito lamang tumutubo ang mga bulaklak.

Dahil ikalima, sa aming mundo, mahiwaga ang mga bulaklak. Hindi mo sila mahahanap kahit saan at sinasabing nagtataglay sila ng majika.

At ikaanim, lingid sa kaalaman ko ay mapapadpad ako sa sinumpang lupain na iyon.

At ikapito, makakakita ako ng isang bulaklak na nag-aanyong tao. Siya ang pinakamagandang nilalang na nakita ko sa buong buhay ko...

si Aravella.

@jepoylee
@hraefn

QuiarrahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon