Author's Final Note (PLEASE READ)

1K 90 99
                                    

Finally, natapos ko na rin ang story na 'to! Ipagdiwang! Ipagbunyi! Sabog confetti! Lol

Anyway, uulitin ko na naman at hindi talaga ako magsasawang ulit-ulitin to,  GUYS SOBRANG THANK YOU DAHIL UMABOT KAYO DITO!

YEHEYYY!

Salamat sa paghihintay ng updates kahit matagal at mabagal. Yes, aware ako makupad ako magsulat hahaha sori naman. At kung natapos niyo ang story na to, lalo na yung reader ko nito mula 2014, kayo po talaga ang mga tunay na lodi!

Imagine, 2014 ko pa ito sinimulang sulatin dito sa wattpad. And 2010 pa siya namin na-conceive ni Rhy during our college days (ayan na napaghahalataan na ang mga edad hahaha) kaya imagine kung gaano na katagal ng kwentong ito sa utak ko. Hahahaha. Kaya salamat po sa pasensiya at sa pagtitiyaga! Sobrang overwhelming sa feeling lalo na kapag nanonotify ako ng mga comments niyo especially yung mga matatagal na! Kilala ko na usernames niyo and secretly inaabangan ko messages and comments niyo dahil nakakatulong siya samin para magpatuloy! And now we are here!

Sa sobrang tagal na ng story na ito, nakabuo na ako ng isang buong universe (na pwedeng kumalaban sa Marvel Universe lol) kaya napakaraming characters sa story na to. Bawat isa sa kanila may mga kwento at sorry kung di ko lahat nakwento, malay niyo in the near future may idagdag pa ako sa Quiarrah Universe na ito. Abang-abang lang tayo! Hahaha!

Basta ngayon, sobrang saya lang kasi sulit lahat ng tulog na inalay ko para magsulat ng updates, yung mga 'meetings' namin ni Rhy about sa plot ng story na usually nagaganap sa Dunkin, o yung ilang drum na ng kape na nainom ko sa hapon para di ako antukin kakabackread sa past chapters para lang masiguro kong tama pa yung sinusulat ko. Kase as time goes by andami na nitong readers! Thank you!

To tell you the truth, 50 chapters lang dapat ito na naextend nang naextend. Kilala niyo naman kasi yung bida, ayaw magpaawat. Hahaha. Hanggang sa umabot na ng 120+ chaps pero pakiramdam ko pa rin hindi pa rin tapos? Siguro sa paglipas ng mga taon masyado na akong na-attached sa kwento kaya dont worry guys, kung nalulungkot kayo na tapos na ito, ako ang unang nakaranas nun. Kung pwede lang sana na wala na lang ending di ba?

But like anything else in this world, kailangan na ring matapos ng story. Kailangan ko nang ipahinga sina Yohan dahil ilang beses na siyang namatay at nabuhay ayoko namang masobrahan siya dahil baka sa susunod eh maging kamukha na siya ni Xander Ford. Eh di hindi niyo na siya gusto.

Sa mga minors ko pa lang readers: gusto ko lang i-point out na hindi magandang role model si Yohan. Gusto kong sabihin yun sa inyo kasi ayokong gayahin niyo siya hahaha. Mayabang siya, palamura, at mataas ang tingin sa sarili. Hindi siya perpekto. Sa totoong buhay kung mayabang, palamura at mataas ang tingin sa sarili ang taong gusto niyo o crush niyo aba eh magdalawang isip na kayo. Palagi naman akong nagbibigay ng hint na may attitude si Yohan. Ilang characters na nga ang nagpoint out sa kanya sa kayabangan niya di ba? Hahaha.

Sinasabi ko ito para linawin ang stand ko sa ganitong pag-uugali. Of course I dont support this kind of attitude! Kaya nga kahit si Yohan ay unti-unting nagbago di ba? I mean, mas naging friendly siya, mas naging concerned sa iba, at tumino nang magkapamilya. Naroon pa rin naman ang kapilyuhan niya o kalokohan pero kung napapansin niyo, nilalagay niya na sa lugar. In short, nagmature din sita as time goes by. Parang tayong lahat.

What Im trying to tell you is hindi ko sinulat si Yohan para magturo sa inyo ng kayabangan o ano pa man. Sinulat ko na ganun ang ugali niya to show you na you reap what you sow. At ang katotohanang lahat tayo, pwedeng magbago at maging better versions ng ating mga sarili. Hindi mo man maimprove ang sarili mo overnight, alam ko magagawa mo nang paunti-unti. Just like Yohan. Okay lang maging katulad ni Yohan sa umpisa, perp hindi okay na ganun pa rin ang ugali mo sa huli. People change. So should you. Hehe.

Marami akong inspirations sa story na to. To name a few are One Piece and Full Metal Alchemist, among others. Yung terms na Arkhanta at Meridian ay mula sa comics na W.I.T.C.H. At siyempre yung mga movies like The Lord of the Rings at Narnia ay ilan din sa mga inspirations ko sa story na to.
Pero pinakamalaki talaga ng impact sakin ang tungkol sa Alchemy, dahil interested talaga ako sa concept nito. Medyo nagresearch pa ko ng tungkol doon para lang may idea ako about it.

Sobrang special para sakin ng story na to kasi ito na ang longest story na nasulat ko at ito na rin ang pinakamatagal. Yun nga lang hindi ko natalo ang Ang Probinsyano! :(  Kaya siguro humaba nang humaba ang story na ito dahil ayoko talagang itigil ang paghihirap ni Yohan. Joke. Seryoso, ang una kasi naming vision ni Rhy dito ay isa itong manga or anime. Dati pa nga may mga pangalan ang mga atake ng bawat characters na parang anime lang. Buti na lang people change. Hahaha.

Again guys, thank you sa pagbabasa at pagsuporta. Hindi naman porket natapos na ito ay hanggang doon na lang si Yohan. Malay niyo balikan ko siya at isulat muli. Who knows?

Sa mga hindi pa nakakaalam, may group ako sa Fb at dun medyo nagpopost ako bout Quiarrah stuff, search niyo na lang sa profile ko. Also, huwag niyo munang aalisin sa library niyo ang story na to. Dahil may special chapters na darating soon.

Next year, ibang fantasy stories naman ang susulatin ko. May dalawa nang nakapila, actually at pareho sila ng haba ng Quiarrah (shookt ako). Ang isa ay isang vampire story called Zodiac Hotel at tinitiyak ko sa inyo magugustuhan niyo siya kung nagustuhan niyo ang Quiarrah. Ang isa naman ay isang historical fiction/mythology na ang title ay Hiraya. Sila muna next year ang isusulat ko para makapagsulat naman ako ng bago. Pero as usual, malamang matagal pa rin akong mag.update. Yieee.

Again, thank you for reaching this far at sana kahit tumanda na kayo hindi niyo makalimutan si Yohan at ang mga kalokohan niya! Sana napasaya namin kayo sa story na to and please feel free to leave a comment. Kahit ano lang, it really means a lot to us!


@hraefn
@jepoylee

QuiarrahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon