110. Sundo

1.1K 58 5
                                    

۵ ۵ ۵

"Ano yan? Bakit nakasisilaw ang bagay na yan Kuya?" Inosenteng tanong sa akin ni Avi. Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Nagkaroon na nga ako nang masamang kutob kaya agad kong itinago sa loob ng aking kasuotan ang mahiwagang piraso ng Quiarrah. Tiyak hahabulin kasi ito ng Diyos ng Kamatayan kapag makita niya ito.

"Ama, gumising ka! Ano'ng nangyari sa'yo?" Niyuyugyog ko ang katawan niya ngunit hindi pa rin kumikilos si Ama. Kinakabahan na nga ako, alam ko kasing posibleng malala ang tama niya lalo na't naputulan na siya ng kanyang mga kamay.

"Rowan, kailangan na nating makaalis, nasaan na ba ang Tutubi?" Tanong naman sa'kin ni Hassein. Tulad ko ay parang may nararamdaman na rin siyang paparating na panganib.

"Hindi ko rin alam. Dapat ay narito na sila, maliban na lang kung...kung natalo sila ng mga kalaban sa labas ng torre," sagot kong nag-aalala na rin para sa aming mga kaibigan. Wala pa kasi kaming balita kung ano ang nangyari sa mga pangkat na kumalaban sa mga kawal ng Diyos ng Kamatayan. Sana naman ay ligtas sila.

Nabaling agad ang atensiyon namin sa isang malakas na pagsabog doon sa hagdan kung saan kami galing. At yun na nga, nakita naming kalaban na ni Coren sina Santelma, ang asawa nitong si Xenon, at si Ea. Pinagtutulungan nilang tupukin gamit ang kanilang apoy ang Sandata ng Tubig ngunit sa aking palagay ay kapantay lang nilang tatlo ng kapangyarihan si Coren.

Nakita ko pa ngang tinamaan si Ea ng isang matulis na yelo sa kanyang binti kaya napatili ito at umatras. "Ea!" Sigaw ko at agad akong sumugod upang tumulong. Isang panibagong patalim na yelo pa sana ang tutusok sa kanya ngunit agad ko itong winasak gamit lamang ang isang kumpas ng aking kamay; namamangha pa nga akong napatingin sa aking kamay pagkatapos mangyari ang nagawa ko.

"Nagagamit mo na rin nang wasto ang kakayahan ng iyong ama," sambit sa'kin ni Hassein na nasa aking tabi na pala. "Kaya mo na ring gamitin ang iyong Armageddon."

"Kailangan na nating tumulong," saad ko na lang. Lumapit pa kami sa tabi ng mag-asawa na ginagamit ang kanilang apoy upang talunin si Coren. Ngunit tila walang balak na magpatalo ang Sandata. Bukod sa yelo na nilalabas ng katawan niya, unti-unti na ring bumubuhos ang ulan na alam kong kagagawan niya. Nais niyang pahinain ang apoy ng kanyang mga kalaban.

"Hassein, gamitin mo na ang iyong kadena!"

Tumalima si Hassein ngunit natunugan na siya agad ni Coren. Nag-anyong tubig na ito agad kaya hindi na siya mahagip ng mga kadena ni Hassein. Napasigaw tuloy sa inis si Santelma dahil natakasan kami ng Sandata.

"Bakit kasi kayo nakikialam?" Singhal niya sa amin. "Nakatakas tuloy ang lalaking yun!"

"Santelma, kalma!" Ani Xenon na inalalayan naman ang anak niya. "Salamat sa tulong mga binata," ngisi niya sabay tapik sa balikat ni Ea. "Anak, sana isa sa dalawang malalakas na ginoong ito ang iyong mapangasawa."

"Ama! Gusto mo bang sunugin ko ulit ang buhok mo?"

"Tumigil na kayong dalawa sa kakaharutan, tandaan niyo nandito pa si Coren!"

Sumang-ayon ako doon. "Tuso ang isang iyon. Kailangan nating makalayo mula sa umaapaw na tubig na 'to kung gusto nating maging ligtas.

Lahat naman kami ay lumayo na. Ngunit bigla na lang binalot ng yelo ang katawan ni Hassein. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya wala na kaming nagawa. "Coren! Magpakita ka! Huwag mong sasaktan si Hassein!" Pagkasabi ko nun ay bigla ring natunaw ang yelo sa katawan ni Hassein.

"Naglaho ang yelo!" Nagulat ding komento ni Ea. "Totoo ngang napapasunod mo sila!"

"Coren! Harapin mo ako!" Tawag ko naman sa Sandata. "Alam kong hindi ka masama at sumusunod ka lang sa utos sa'yo, pero inuutusan din kitang magpakita sa akin!"

QuiarrahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon