109. Kasaysayan

1.1K 68 10
                                    

♚♚♚

Agad na bumagsak sa sahig si Zafaro Vander, ngunit bigla rin akong tumilapon paatras sa pader nang tamaan ako ng kanyang Armageddon. Napaubo pa ako ng dugo. Hindi ko kasi inaasahang ganun kalakas ang taglay niyang Armageddon. Kahit ang pader na gawa sa bato ay nagkaroon ng bitak dahil sa ginawa niya.

"Nakikita mo na Yohan? Mas mainam para sa'yo ang maging kakampi ko. Kung nag-iisip ka, hindi mo ako kakalabanin nang ganito. Huwag mong sayangin ang ikalawa mong buhay."

Sabay pa kaming tumayo at nakita ko ang kakaibang majika na ginawa niya. Pinatakan niya ng kanyang dugo ang espadang Orosman na hawak niya. Tapos sa isang kumpas ng kanyang kamay, mistulang natunaw ang talim ng espada at dumaloy ito patungo sa putol nitong binti. Umanib doon ang natunaw na bakal hanggang sa nabubuo na ito na parang bago niyang binti. Sa madaling salita, gumawa siya ng artipisyal na paa gamit ang kanyang espada.

"Hindi mo alam na maaari mong gawin yun no?" Tanong niya sa akin. "Kung papayag kang makipagsanib pwersa sa akin, marami ka pang matutuklasan mula sa pagiging Alkemista, Yohan."

"Wala akong pakialam!" Sigaw ko at hinarap ko na ulit siya. "Iisa lang ang gusto kong maganap ngayon. Yun ay ang tapusin ka na nang tuluyan!"

At nagsalubong na ulit kaming dalawa. Mukhang pantay lang ang kakayahan naming dalawa, ngunit siya ay mas maliksi at mas mabilis. Tatlong beses ko siyang tinamaan ng suntok sa kanyang mukha ngunit sa ikaapat na pagkakataon ay naiwasan niya ako tapos naramdaman ko na lang na umaangat na ako sa ere habang ikinukumpas niya ang kanyang kamay.

"Kung hindi na kita mapipilit, dito ko na tatapusin ang buhay mo."

Nagpupumiglas ako at sinusubukan kong makawala mula sa kanya. Ngunit sadyang malakas si Zafaro Vander. Kahit ano ang gawin ko ay hindi ako makawala sa kanyang majika.

"Bitawan mo si Yohan!"

May sumabog at napasigaw si Zafaro, habang ako naman ay bumagsak sa sahig. Napalingon ako sa likod ko at naroon na si Aravella na humihingal. May kung ano pala siyang ibinato kay Zafaro kaya nabitawan ako ng huli.

"Aravella!"

Agad niya naman akong nilapitan. "Tumakas ka na, Yohan! Hindi siya magdadalawang-isip na patayin ka!"

"Sa tingin niyo ba hahayaan ko kayong makatakas?" Singhal naman sa kanya ng Diyos ng Kamatayan. "Divan! Tinatawag kita!"

Sa isang iglap ay muling lumitaw si Divan na nag-aapoy ang buong katawan. Wala siyang sinayang na panahon, pinalibutan niya kami ng kanyang apoy.

"Tupukin mo na sila! At ikaw din, Lenora, sinasamo kita! Ipakita niyo sa dalawang hangal na ito na wala na silang magagawa ngayon!" Pagkasabi nun ni Zafaro ay isang ipo-ipo naman ang lumitaw, tanda na narito na rin si Prinsesa Lenora. Lumikha agad ito ng isang buhawi na siyang sinaniban ng apoy ni Divan at nakagawa sila ng isang dambuhalang buhawing apoy.

Naghawak-kamay naman kami ni Aravella. Alam naming mahihirapan kami ngunit kailangan naming lumaban, alang-alang na rin sa aming anak. Ayokong lumaki siya na ganito pa rin ang mundong ito. Nilakasan ko na ang loob ko.

Sabay naming sinugod ang dalawang Sandata. Ngunit hindi namin sila mapuntirya dahil nakaharang sa harapan namin ang buhawing apoy na ginawa nila. Tinamaan ako nito at bahagya akong nasaktan.

QuiarrahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon