106. Aklat

1.2K 67 16
                                    

(Unedited)


¤ ¤ ¤

Naging marahan lamang ang aking paglalakad patungo sa gitna ng bulwagang ito. Narito ako ngayon sa pinakatuktok ng Torre ng mga Bathala. Ang katotohanan kung bakit ito ay napakataas ay sa kadahilanang ito: magagawa ko lamang ang ritwal na ito kung ako ay narito sa kataas-taasan.

Pumikit ako at pinakinggan ang katahimikan. Liban sa marahas na pag-ihip ng hangin sa puntong ito ng Torre ay wala na akong ibang marinig pa. Mainam ang panahon at pagkakataon sa aking gagawin. Isang bagay na tanging tulad kong isang Diyos lamang ang makakagawa.

"Recuerdiem es perfectum, vielo ylazar magnus reficul hadesero vul."

Binanggit ko ang mga katagang tumatawag sa mga nangamatay na. Dahil taglay ko ang buklod na ito sa kanila. Ang sino mang nangamatay na ay habang panahon nang nakabuklod sa mga namatay. Kaya sila ay aking kaisa.

"Ellipsero vul paser. Corrro dael agneus."

Pinasinayaan ko na ang pagbubukas ng isang panibagong Butas. Isang Butas na siyang katauhan ng kamatayan. Ang tanging paraan upang matalo ko na ang aking mga masisidhing kalaban.

"Fortes Yohan Caleb ves arrameo. Fortes Aravella ves arrameo. Fortes Preia ves fili arrameo."

Sinambit ko na ang mga pangalan ng mga nais kung kunin ng Butas. Pati na rin ang kanilang mga kakampi. Dapat nga ay noon ko pa ito ginawa. Nilipol ko na sana sila gamit ang paraang ito noong una pa lamang.

Hindi ko kasi inaasahang makakabalik pa si Yohan. Kung hindi siya nakabalik sa mundong ito, hindi rin makakabalik si Aravella. Hindi rin magkakaroon ng lakas ng loob ang Kartel na sugurin ako rito sa aking mismong tahanan, at hindi magiging maligalig ang aking mga Sandata.

Kailangan nang mawala ng dalawa. Hindi ko na hahayaang umabot pa sila sa akin, dahil hindi ko na alam ang kayang gawin ng dalawang iyon sa ngayon. Mabuti nga't nakaisip ako ng paraan upang makatakas kay Aravella kanina; hindi niya naman talaga ako mapapaslang nang ganoon kadali ngunit masusugatan niya ako nang husto kanina kung nagkataong wala akong nagawa. At hindi maaari iyon, dahil magagawa ko lamang ang ritwal na ito kung sapat ang aking taglay na lakas.

Sa oras na malikha ko na ang Butas, maaari ko nang itapon doon ang lahat ng aking mga kalaban. Dito na magwawakas ang ano mang uri ng pag-aalsa na meron ang mga ito laban sa akin. Pagkatapos nito, saka na ako mag-iisip ng paraan kung paano ako makakabalik sa dimensiyon ng mga Centurion. Sila naman ang aking isusunod.




♚ ♚ ♚

Nakanganga lang ako habang papalapit sa amin ang babaeng kay tagal ko ng hindi nakikita. Napakabilis ng tibok puso ko, at sa kanya lamang ako nakatingin kahit na bihag pa rin ako ng tatlong Punong Bantay.

"At sino ka naman upang pigilan kami?" Tanong nung RBreezy na tila naglalaway pa kay Aravella. Maiksi kasi ang mga suot pandigma ni Aravella ngayon na gustong-gusto ko rin naman. Ang maseselang parte na nga lang ng kanyang katawan ngayon ang natatakpan ng kanyang kasuotan.

Nakangiti si Aravella na lumapit sa amin. Napaatras pa ang tatlo dahilan upang pwersahang mapaatras rin ako. Siguro ay nasisindak sila ngayon kay Aravella.

"Pinayagan ako ng Mahal na Diyos na ako na ang siyang magpaparusa kay Yohan," malambing na sagot ni Aravella sa kanilang tatlo. "Ako na ang bahala sa kanya."

QuiarrahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon