DISCLAIMER:
ALL medical terms that will be mentioned regarding Nick’s condition in this chapter are fictional. There are no existing conditions that are somehow accurately related to Nick's disease (although some medical terms do exist in the med world). Some may deem unethical but as I warned you, this is just purely imagination.Chapter 35 – Regrets and Realizations
Hindi pa rin mapigilan ni Monique ang pag-iyak matapos mangyari ang lahat ng iyon. Ang sobrang sama niya. Napakawalang-kwenta niyang tao. Ang sobrang tanga niya.
Ang sobrang laki na ng kasalanan niya kay Nick.
Bigla namang napatayo si Monique mula sa pagkakaupo niya sa couch ng may kumatok sa pintuan.
“Nick..” she was hoping that it was Nick. Sana bumalik ito. Sana hindi nito itutuloy ang pagsuko sa kanya. Sana patawarin pa siya nito at bigyan ulit ng pagkakataon ang pagsasama nila.
Mabilis na nilapitan ni Monique ang pintuan. Hindi niya namalayanna umaga na pala.
When she opened the door, she was confused to see an old man, in his late 40’s, wearing a corporate suit and was holding a specific file on his left hand. From what the old man wore, he looked like a lawyer.
“S-Sino po kayo?” nakakunot-noo niyang tanong sa matanda. Hindi niya ito kilala at wala naman siyang matandaan na kinausap niya ito at pinapunta sa bahay nila na ganito pa kaaga.
The old man looked at her seriously. Inabot nito sa kanya ang file na hawak nito. “I’m Mr. Roy Alegado. Family lawyer of the Torres family. I’ll just be fast kasi may appoitment pa ako mamaya.” He also seriously said.
“That file you’re holding is the annulment papers na ipinabibigay sayo ni Mr. Nick Torres. He called me last night na ipapadala ito sa bahay ninyo and you need to sign it if ever you’ll agree na makikipaghiwalay na ng tuluyan sa asawa mo. Pero kung gusto mong umapela, you can get your own lawyer and the court will decide later on.” Sunod-sunod na pagpapaliwanag nito sa kanya then a minute later, Mr. Alegado looked at her sympathetically. Parang naaawa ito sa kanya. Aminado siyang napapansin pa nito ang mga mugto niyang mga mata dahil sa kakaiyak.
The man sighed. “Mrs. Torres, hindi ko alam kung bakit naiisip na naman ito Nick. ‘Nung unang nagpaprocess siya sa kin ng annulment case, hindi pa natuloy iyon, pero ngayon.. it’s the second time. And the way I heard his voice last night, it looks like.. there’s a finality in his voice.”
Mr. Alegado patted her shoulder. “Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo.. pero sana I hope you’ll resolve things soon.. before it’s too late. Be well.” After that, tuluyan na nga itong umalis sa lugar nila.
Hindi alam ni Monique kung anong susunod na gawin niya matapos sabihin sa kanya ang lahat ng iyon ni Mr. Alegado. Mas lalo pa siyang naiyak habang tinitignan ang file na hawak-hawak niya.
“Kung magiging masaya ka kapag wala ako, sige, gagawin ko. Alam kong noon pa man, gusto mo na akong hiwalayan. Bukas na bukas, my lawyer will come here for our annulment papers. Kasi.. ayoko na Monique. Ayoko na. Suko na ako.”
Naalala na naman niya ang mga sinabi ni Nick sa kanya. Ang sobrang manhid niya. Napakamakasarili niya. Her husband did everything for her pero binalewala niya iyon. She was only thinking for her own happiness and now, napagod na ito sa kanya.
Sinukuan na siya nito.
“Anak?” Monique suddenly looked up when she heard someone. Nakikita niya ngayon ang Mommy Gia niya na naguguluhang nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Cold Wife (Finished)
General Fiction(Finished) It's been three years since we're married, but she's still cold. She says that she won't love me until I die. I tried everything but... I'm starting to get tired. I love my wife and I don't know anymore. Cover by: @mariawhyyy