Chapter 23 - Confused, I love you and Good News

137K 2.5K 93
                                    

Chapter 23 – Confused, I love you and Good News

 

 

“J-Jelo..” hindi alam ni Elise kung anong sasabihin niya nang makita ang fiancee niya—si Jelo, sa harapan nila mismo, na nasa pad ito ngayon ni Neil.

Paano nitong nalaman nandoon siya? Nalowbat kasi ang cellphone niya kaninang umaga kaya hindi na niya ito natext.

And from the look of his fiancee’s face, it means really bad. Parang galit na galit ito.

“Sino siya?” si Neil naman ang nagsalita at halatang naguguluhan sa reaksyon niya nang makita ang nobyo.

“I’m her fiancee.” Jelo sternly answered then looked at her, “Elise, I called you this morning pero cannot be reached ka. I was so worried kaya tinanong ko sa parents mo kung nasaan ka, then they answered me na nasa pad ka raw ng department head ninyo, si Mr. dela Rosa." Pagkatapos pinasadahan nito ng tingin silang dalawa ni Neil. "And so.. As what I observed, mukhang there’s something fishy between you and your department head. Dahil kung wala, hindi ka naman pupunta sa pad niya rito and if it’s business, bakit sa pad niya pa? Tell me, Elise, are you having an affair with him?” tuloy-tuloy na sabi nito sa kanya. He immediately accused her even without verifying the things up.

Bago pa man makapagsalita si Elise ay biglang sumabat si Neil, “We’re not having an affair. Elise helped me so wala kang karapatan para pagsalitaan siya ng ganyan.”

Pero nagulat na lang si Elise nang biglang sinuntok ni Jelo si Neil kaya napahiga agad ito sa sahig.

“N-Neil!” she shouted.

“Hindi ka kasali rito kaya h’wag kang makialam!” Jelo yelled at him, clenched fists.

Agad namang tumayo si Neil at pinahid ang konting dugo sa bibig niya, “Makikialam ako kasi you’re accusing her falsely!” sinuntok naman ni Neil si Jelo.

“Ikaw!” mainit na nagpapalitan ng suntok ngayon ang dalawang lalake sa harapan ni Elise.

Elise didn’t know what to do. Sumisigaw siya para awatin ang mga ito pero hindi nakikinig ang dalawa sa kanya.

Bago pa man masuntok ni Jelo si Neil sa mukha ay pumagitna siya, “Jelo, Neil, tumigil na kayo!” she hysterically shouted. Tuluyan na nga siyang naiyak dahil sa pinaggagagawa ng dalawa sa isa’t-sa.

Parehas naman ang dalawang lalake na napatigil. Huminahon ang mga ito nang makita siyang umiiyak na.

“Bakit ba kayo nag-aaway?” she cried. “At talagang sa harap ko pa kayo nagpapatayan? Pwede namang dumaan ito sa maayos na usapan diba? God, both of you are impossible!” after that, siya na mismo lumabas sa pad ni Neil at iniwan lang ang dalawa.

Mas lalo pang naiyak si Elise habang papaalis sa pad. 

Masama ang loob niya kay Jelo kasi inakusahan siya agad nito na may affair, ni hindi man lang muna nakinig sa kanya. Tapos si Neil, her long time friend, suddenly confessed to her na in love ito sa kanya.

She was frustrated and confused. Everything became complicated to her. Especially Neil dela Rosa’s sudden confession.

She doesn’t know anymore.

---

“Hi, Elise!” Rocky greeted Elise nang dumating na ito sa department, katabi naman niya si Monique na nagpapatulong sa kanya tungkol sa isang file na inaayos nito.

“Hello, Rocks.” Sagot naman ni Elise at nilagpasan lang silang dalawa saka pumunta kaagad sa opisina nito.

Parehas naman sila Rocky at Monique na nagulat sa inasal nito. Ang lamig nito tapos parang hindi masaya.

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon