Soundtrack for this chapter, "I Do by Colbie Caillat," vid on the right.
Epilogue (Part One)
“Bakit hindi na lang ikaw ang sumama sa kin sa check-up?”
Nick breather hard as he heard that question for the fifth time. Ni hindi pa nga siya tapos sa pag-aayos ng mga file na dadalhin niya mamaya para sa board meeting niya, tanong ng tanong ito.
Ilang beses na nga ba siya tinanong ni Monique sa araw na iyon? Una, yung kakagising lang nila, tapos yung pagkatapos niyang maligo, sa almusal, sa pagbibihis niya tapos ngayon na naman?
“Babe,” he tried to be calm. Kahit minsan, nauubos na ang pasensya niya rito pero dahil sa kondisyon nito, kailangan niyang pahabain pa ang pagtitimpi niya. “Nagleave na ako sayo for one week last week at saka, you promised me na papayagan mo na ako magtrabaho ngayon. I’ll be having a board meeting today, hindi na pwedeng mareschedule ulit iyon.” He explained and he noticed tears were already forming into her eyes.
He sighed again. Nagiging emotional na naman ito. These past several months, madalas na itong nagkakaroon ng mood swings and he gonna admit, every month, it became worse. Tapos, every week yata, iba-iba ang kinecrave nito tapos minsan, she would end up crying in front of the mirror saying she now looked like a whale.
Pero pilit niyang iniitindi ang mga iyon dahil sa kalagayan nito.
“Pero..” she sniffed habang ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa malaki nitong tiyan. She was already 8 months and 3 weeks pregnant at ang sabi ng doktor sa kanila, she will be due next week. “Last check up ko na ‘to babe. Gusto kong ikaw ang kasama ko.” Naiiyak na sabi nito sa kanya.
Napilitan namang tumayo si Nick mula sa pagkakaupo niya sa kama nila. Nilapitan niya ito at pinunasan ang mga luha rito. He gave her a reassuring smile.
For all those years they have been together, sanay na siya sa mga whines at requests nito. But now, Monique changed. Well, they both changed their ways and they’re happy about it.
“Don’t worry,” he squeezed her hands. “Magiging okay lang ang check-up mo kahit wala ako saka diba, sasamahan ka naman ni Mariz? So, hush now. Nakakasama ang pag-iyak mo sa baby natin.” He gently said as he also put his hand on her belly. “And I assure you, I’ll be there sa oras na manganganak ka na.”
Nang malaman niyang buntis si Monique ‘nun, he was really ecstatic about it. Nakakatawa nga e kasi nang balitaan siya nito tungkol sa pagbubuntis nito, he was on a board meeting. Nagulat na lang ang mga board members niya na nagsisigaw siya sa tuwa.
“Pero.. babe, please, just this time? I promise, hindi na ako magrerequest pa. Hindi na ako magiging makulit sayo.” She then gave him a puppy eyes. Alam na niya ang magiging desisyon niya.
Nick sighed for defeat. “Fine,” napilitan siyang pumayag tuloy dito. Well, she was always his weakness. “Pero just this time, pagkatapos ng check-up, ihahatid kita rito sa bahay then si Tita Gia na ang bahala sayo at babalik na ako sa corp, okay?”
Monique beamed and quickly gave him a peck on the lips, “Thanks, babe!”
---
“The baby’s healthy and the mother is too.” Sabi ng doktora kina Monique at Nick matapos ang check-up. Maaga kasi silang dumating sa clinic nito kaya wala pang masyadong mga pasyente.
Monique smiled as she struggled to get up from the hospital bed. Hindi tuloy maiwasan ni Nick na matawa sa kalagayan nito. Talagang hirap na hirap itong bumangon na mag-isa dahil sa laki ng tiyan nito.
BINABASA MO ANG
The Cold Wife (Finished)
Fiction générale(Finished) It's been three years since we're married, but she's still cold. She says that she won't love me until I die. I tried everything but... I'm starting to get tired. I love my wife and I don't know anymore. Cover by: @mariawhyyy